Chapter 24

192 4 0
                                    

Nakikinig ako ngayon sa language subject namin. Italian language ba. Madali itong pag-aralan compared to other asian countries. High school pa lang binibigyan na kami nang mga basic words and phrases para kapag nagcollege na kami hindi na daw kami mahihirapan sa major subjects nang language.

Tumunog na ang bell and ang mga classmates ko dali-daling nagsilabasan.

''Hay'' Napabuntong hininga na lang ako habang inaayos ammg mga gamit ko. Naisip ko kasi si Jarred Chaix. Galit pa kaya sya sa akin? Tumayo na ako at lumabas nang bigla na lang may humila sa kanay braso ko.

''Hey?''

''Shut up girl sumama ka na lang''

''Cielo?'' At lumingon ito sa akin nang nakangiti. Pero yung ngiti nya parang may hindi magandang ibig sabihin. ''Saan mo ko dadalhin?''

''Manahimik ka na lang pwede?'' So ayun dahil never naman akong nanalo sa kanya kaya itinikom ko na lang ang aking bibig. Dinala lang naman nya ako sa roof top nang school.

''Si Jarred Chaix ba?''

''Uhum'' At tumango-tango sya at nagcrossed arms.

''Pero I'm sure galit sya sa akin''

''Sa tingin mo bakit ba sya nagalit sa'yo?''

''Hindi ko alam Cielo''

''Natatakot ka bang harapin sya?''

''Oo naman''

''Sa tingin mo ba maga-aksaya sya nang oras para iayos lahat nang 'to para sa'yo kung galit sya sa'yo?'' Tiningnan ko ang paligid at oo nga puro pink ang lugar. May isang table na nakaayos at may mga ayos. Maraming maliliit na pink balloons at dahil hapon na, saktong-sakto ang mga ilaw na nagbibigay nang liwanag sa madilim na lugar na ito. ''So ano na?''

''Anong gagawin ko? Ikakasal na ako Cielo. Hindi ko alam ang gagawin ko''

''Sorry friend pero kayo na lang ang mag-usap tungkol dyan'' Kumindat sya tapos itinuro nya yung likuran ko. Wait pakiramdam ko nagsitaasan ang mga balahibo ko sa likod ko. Si Cielo at yun nag-evil smile tapos lumabas na. Sinundan ko sya at hinawakan ko ang doorknob kaso. Teka, Nilock nya?

''Cielo! Buksan mo 'to! Cielo please!''

''Ayaw mo ba talagang makasama ako?'' Lilingon na sana ako kaya lang naramdaman ko na lang ang kanyang yakap mula sa likod ko. ''I'm sorry sa mga nasabi ko kahapon. I promise, mas lalo kitang mamahalin'' Napapikit na lang ako sa mga narinig ko. Mukhang hindi ko na talaga kayang pigilan ang mga nararamdan ko. Inalis ko ang kanyang dalwang kamay na nakayakap sa bewang ko at unti-unting humarap sa kanya. Kita ko sa mga mata nya ang sincerity sa mga sinabi nya. ''Sabihin mo lang na mahal mo ako, walang makakapigil na ilayo kita kahit sa kapatid ko pa'' Gusto ko na sanang sabihing oo mahal na mahal kita Jarred Chaix kaya lang pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni mommy

''Kapag pinagpatuloy mo ang gusto mong relasyon sa lalaking gusto mo, tandaan mo hinding-hindi ko mapapatawad ang buong angkan nya. Sisiguraduhin kong gagapang sila sa putik dulot nang matinding kahirapan. Mark my words EVE.''

What if gawin nya nga? Totohanin nya? Ano nang mangyayari sa kanya? Sa buong pamilya nya? Isasakripisyo ko ba ang lahat para sa pagmamahal ko sa kanya?

Siguro naman dapat ko nang itigil ang pagtakbo sa problema at patuloy na mabuhay sa takot. Siguro ito na ang tamang oras para tulungan ko syang lumaban para sa aming dalwa. Magtitiwala ako sa kanya dahil mahal ko sya.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon