Chapter 33

222 4 0
                                    

The day awaited for almost a week comes.

''Ready ka na JC?'' Tanong sa akin ni Cielo. Inakbayan naman ako ni Kyle.

''Naman Cielo, si JC pa ba? Haha lagot sila!!!''

''Tigilan mo nga yan Kyle naaalibadbaran ako sa pag-akbay-abkbay mu'y'' Saway ko sa kanya. Medyo nasa mood kasi ako ngayon. Medyo kinakabahan but then mas matimbang pa din ang excitement. Sana, sana lang maging maganda ang resulta nito.

''Let's go kids'' Tawag ni mama.

''Grabe ha bagets na bagets hahaha'' Kyle

Naglakad na kami palabas at nagkanya-kanyang sakay nang kotse. Actually hindi kami sasabay kay mama dahil baka sa gate pa lang hindi na sya papasukin. Mabuti pang makapasok muna sya at malaman nya ang kalagayan nang bawat isa sa kanila. Itatawag na lang daw nya sa amin kung ano man ang mangyari.

''Ma, iopen mo yung phone mo ha? Para mapakinggan namin yung usapan nyo'' Sabi ko kay mama at umoo naman sya. Nagsimula na kaming magpaandar nang kanya-kanyang sasakyan. Dinaanan muna ni mama si aling Cynthia na tunay na ina ni Earth. Actually until now hindi ko pa din maintindihan ang lahat. Ang gulo as in sobrang magulo ang buhay nila noon na hanggang ngayon buhay pa din sa panahon nang mga anak nila, at kami yun. Sana kung anuman ang mga hidwaan nila noon ay matapos na. Sana hindi magpatuloy ang ganitong sistema sa amin. Sana, maging maayos na ang lahat.

Malapit na kami sa reception. Halatang malaking salo-salo ang nagaganap dahil malayo man ang kinaroroonan ko ngayon ay madaming magagarang sasakyan ang makikita mong unti-unting pumapasok sa loob. Kita ko pa mula dito si mama. I called her and in-open na agad nya ang phone. Medyo nadidinig ko na ang malakas na aircon. And yes, rinig naman talaga ang aircon mapa-kwarto man o sasakyan.

Bumaba na si mama and tiningnan na nung guard yung invitation ni mama.

''I'm sorry madam but you can't enter'' Rinig kong sabi nung guard.

''Bakit naman? I'm the mother of Jacob so what's the problem?'' Pagtatanong ni mama.

''Its an order madam''

''Order? From whom?''

''From madam Emeth''

''Really? Wala yan sa usapan kaya naman papasukin mo ko'' Rinig ko ang pagpupumilit ni mama kaya naman minabuti ko nang lumapit at nakita ko si mamang nagpupumilit pumasok nang gate.

''Madam, pasensya na po talaga, trabaho lang'' Nakita ko namang lumabas nang kotse si aling Cynthia at nagtatakbo sa loob pero ''Nakapasok yung babae, go and get her out!!!'' Sigaw nung guard. Shit naman oh nakita ko kung paano hulihin si aling Cynthia. Kinaladkad sya nang mga gwardya.

''Shit!''' Napahampas ako sa manibela nang kotse ko. Pinaandar ko ito paikot sa reception. Sana may mahanap akong pwedeng libanan dito papasok.

''Anak? Hindi ako nakapasok sa loob.'' Biglang narinig kong sabi ni mama over the phone.

''I know ma. I'm looking for something and tell everybody that whatever happen now is my own desire. Ma, everything will be alright.'' Then I turn my phone off.

*****

Mag-iisang oras na ang nakalipas pero wala pa ding nangyayari.

Napagdesisyunan ko nang daanin ang lahat sa patayan. Okay sige kung yun ang gusto nilang paraan ko nang pag-bawi sa minamahal ko, pagbibigyan ko sila.

Bumaba na ako nang kotse at naglakad papunta sa harapan nang gate. Walang-wala na akong naiisip pang ibang paraan kung hindi ito lamang.

Lakad lamang ako nang lakad hanggang sa bigla na lamang bumilis ang tibok nang puso ko. Parang matatanggal ang dibdib ko sa lakas nang tibok nito. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din alam kung takot ba ito o hindi.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon