Chapter 22

209 5 0
                                    

We are heading to his place after nyang matapos ang kinakain nya. Dumidilim na. For sure mahabang diskusyon na naman ito pag-uwi ko sa bahay.

''Malayo pa ba?''

''Excited?''

''Pshh'' Nanahimik na lang ako kasi naman magsisimula na naman syang mang-asar sa akin.

''Don't worry, you're safe in my place. In my condo''

''Did I ask you for that?''

''I love you too'' I rolled my eyes and crossed my arms. Hay naku! Alam ba nyang tinatamaan ang puso ko sa twing sasabihan nya ako nang I love you? Yung normal heart beat nya pumapalo sa maximum? Yung size nya nago-overweight? Haha exagerated ba masyado? Wala eh ganyan talaga sya. Kay Jarred Chaix lang naman ganyan yan eh. Traydor. Bakit ba naman kasi pinag-hiwalay pa ang utak at puso? Kung pinagsama na lang kasi o edi sana nakakapag-isip ang puso at take note pwede pang turuan kung sino ang dapat tinitibok nito. Well, in that case mas magiging madali ang sitwasyon namin. Hindi yung magagalit ako kay Jacob at patuloy kong minamahal si Jarred Chaix. Hay ang daldal ko na ba? Sensya na ah, magbasa na lang kayo! Ayoko nang KJ! Haha! XD

''We're here, let's go'' And he smiled. Dahan-dahan lang syang bumaba para hindi ako makaladkad. Until now kasi nasa ilalim pa din ako nang kalokohan nya. Hay pero sweet nu haha! Ayoko lang magpahalatang happy ako kasi syempre, ikakasal na din ako at kung ipagpatuloy ko pang mahalin sya at bigyan sya nang motibo na sya ang mahal ko, may mangyayari bang maganda? Sasang-ayon ba ang panahon? Makikisama ba ang tadhana? Well, kung lahat sila magtutulong-tulong sa muli naming pagsasama then, why not? Basta ang sa akin lang, ayokong umasa saya at ako na may pag-asa pa ang Love Story ni Krung-Krung at Jarred Chaix. Hay buhay!

''Girlfriend mo?'' Tanong nung nakasalubong namin. Si Jarred Chaix tumango-tango lang. Grabe ang lakas talaga nang tama.

''Ano bang ginagawa mo ha?''

''Pinagmamalaki kong girlfriend kita''

''Pssh''

''Ang cute mo talagang magalit haha''

''Araaaay!'' Pinisil kasi nya yung ilong ko. Panggi-gilan ba naman?

''Ang sweet naman'' Sabi na naman nang nakasalubong namin.

''Haha'' Tumawa naman nang malakas si Jarred Chaix. Naja-drugs yata 'to e.

''Pre, two thumbs up. Swerte mo'' Sabi naman nung isa pa. Ilan pa ba ang kailangang pumansin sa amin dito?

''Ganyan talaga pag-gwapo haha''

''Yabang''

''Halikan kita dyan eh, o pasok na'' Nagsakay kami sa elevator. Sheez ba't ang taas? 26th floor? Eh nahihilo ako kapag nasakay nang elevator eh. Parang bumabaliktad ang sikmura ko. ''Okay ka lang?'' Rinig kong tanong nya. Hindi ko sya pinansin kasi ang sama na talaga nang pakiramdam ko. Naramdan ko na lang na may humila sa hips ko at niyakap ako. Syempre sya lang naman ang kasama ko so sino pa ba di ba? ''Mahirap mag-tiis at mahirap din sarilihin ang problema. Tanda ko pa ang sabi sa'yo dati. I will always be with you at dadagdagan ko pa nang no matter what. All I need is magtiwala ka at magsalita nang ayaw at gusto mo at pati na din nang nararamdaman mo masaya ka man o may problema tandaan mo, I am willing to be your protector.'' Bakit ganun? Parang nawala yung bigat sa dibdib ko? Siguro kung may sakit ako sa puso sya ang gamot. Well ang bango nya, Calvin Klein ang pabango nya alam ko. Hanggang ngayon CK pa din ang gamit nya. Ito kasi yung naamoy ko nung una ko syang niyakap nung nagpasalamat ako sa kanya nang iligtas nya ako kina Jason.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon