Chapter 7

276 3 0
                                    

Magdamag kaming magkasama ni Krung-Krung. Actually, hindi ko na sya nadalang ospital dahil ayaw nya talaga. Isa pa wala naman akong magagawa dahil sa hindi ko naman alam kung saan sya nakatira e.

Nakaunan sya ngayon sa braso ko. Kahit isang saglit hindi ko sya nagawang iwanan. Ni hindi din ako natulog. Hindi ko alam kung dahil sa gusto ko syang bantayan dahil sa may lagnat sya o dahil sa kiss na ginawa nya kagabi. Aaminin ko na sa lahat nang babaeng nahalikan ko sa kanya lang ako walang naramdamang physical pleasure. Nagtataka nga ako kung bakit pero naisip ko na dahil yun sa kapatid lang siguro ang turing ko sa kanya. Pero habang tinititigan ko sya ngayon parang ang saya-saya ko. Napatunayan ko din sa sarili ko na hindi lang sya cute dahil maganda sya. Ang amo nang mukha nya. Yung tipong hindi gagawa nang masama at walang kamuwang-muwang sa mga kasalanan nang iba. Parang walang pakialam sa paligid nya. Yung nipis nang kilay nya natural lang, parang hindi inaayos tulad nang sa ibang babae pero maayos pa din tingnan. Yung ilong naman nya maliit lang pero pag tinitigan mo perfect ang pagkatangos, yung walang bukol para makitang matangos? Tapos yung cheeks pala nya kahit walang make-up sadyang pinkish. At. . . . Yung lips nya. . . . Natural ang pagka-redish nya. . . . Nahawakan ko tuloy ngayon ang labi nya. . . . At hindi ko napigilan pang halikan sya sa noo. . . . Kahit na natutulog ka at walang alam sa nangyayari sa paligid mo. Igagalang kita.

Napatingin ako sa kisame at pumikit. Nasabi ko na lang sa aking sarili na

Sana sa katauhan ka na lang nang ka-age ko nabuhay para doon, magawa kong iparamdam sa'yo kung ano man ang ipinaparamdam mo sa akin ngayon.

Muli akong tumingin sa kanya at

Sana ikaw na ang magkusang lumayo dahil kapag tumagal pa ito baka hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko para sa'yo dahil alam nating pareho na mali ito.

Nakita ko naman ang unti-unti nyang paggising.

[ EARTH'S POV ]

Jarred Chaix hindi ako nagkamali na magkagusto sa'yo. Pinatunayan mo na iginagalang mo ako bilang isang babae, pero nakakalungkot lamang dahil iniisip mo na isa lamang akong bata.

Magdamag akong gising at nakakatuwang may nag-aalaga sa akin at nagpuyat para mabantayan ang kondisyon ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganito. Masaya pala talaga ang pakiramdam na may nag-aalala sa'yo. Di tulad sa bahay walang nag-aalaga. Puro nurse o kaya doctor pero trabaho lang nila yun kaya nila ginagawa. Pero si Jarred Chaix nagkusa sya na alagaan ako. At kahit na tulog lang ako sa pag-aakala nya hindi sya nagsamantala. I know that you're good inside, Jarred Chaix Miguel.

Naalala ko yung narinig kong usapan nang mga classmates ko dati.

Flashback

'' Sabihin mo na kung ano yung mga meaning nang kisses, dali!'' Excited na utos ni Jane kay Mary.

''O sige, ganito kasi yun. Kapag kiss sa cheeks crush ka nya, pag kiss naman sa nose ibig sabihin nac-cutan sya sa'yo, tapos syempre kapag kiss naman sa lips we know that already. Syempre gusto ka nung guy'' Masayang saad ni Mary.

''Eh what if dito?'' Tanong ni Jane habang itinuturo nya yung forehead nya.

''Ah dyan ba? Oo nga nu, siguro. . . . Ah! Kapag kiss sa forehead ibig sabihin nun may pag-galang yung guy sa'yo and you should be happy for that girl''

End of Flashback

Ibig sabihin nang pag-halik nya sa forehead ko iginagalang nya ako. Hinalikan ko na sya sa lips at sana malaman nya ang gusto kong sabihin sa kanya at sana maniwala sya.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

''Oh gising ka na, okay na ba ang pakiramdam mo?'' Nag-aalala nyang tanong ''What? Gusto mo pa bang matulog?'' Umiling-iling lamang ako at ngumiti pero syang simangot naman ''Lagi na lang ba yang mga ngiting yan ang sagot mo sa kahit anong klaseng tanong?'' Pagkatapos nyang sabihin yun hindi ko alam kung bakit nagkusa ang katawan ko na yakapin sya.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon