[ JACOB CHARLX'S POV ]
''Anak, Jacob tawagan mo naman ang kapatid mo. Kanina ko pa sya kino-contact hindi naman sya nagr-response''
''Ano po ba ang sasabihin ko ma?''
Hindi na maintindihan ni mama ang gagawin nya. Bukas na yung araw kung saan ipapakilala na ni tita Emeth ang only daughter nya na papakasalan ni Jarred. Malakas ang hinala ko na yung nakita ko sa Villa ay ang anak nya. Kung tunay man yun, ang swerte ni Jarred.
''Sabihin mo na makikipag meet na yung anak ni tita Emeth nyo sa kanya.''
''Sige ma, I'll try to call him'
Kinuha ko na yung phone ko at dinial ang number ni Jarred. Nag-ring ito pero ang tagal bago pa man nya masagot. Naghintay pa ako at nagbabakasakaling sagutin nya. Galit sya kay mama pero okay naman kaming mag-kapatid. Ilang saglit lamang ay sinagot na nya ang tawag ko.
''Hello?'' Pagsusungit nya.
''Jarred, ba't naman ang tagal mong sagutin?''
''Sinagot ko na di ba? Ano pa bang problema?'' Ba't ba barinong-barino 'to?
''Ang sungit mo naman'' Sabi ko.
''Ano bang sasabihin mo?''
''Text ng text si mama sa'yo pero di ka man lang daw nagreply''
''Ano ba daw sabi?''
''Makikipagmeet na sa'yo yung anak ni tita Emeth''
''Ikaw na lang Jacob'' Anong ako? E sya 'tong ikakasal dun. Kung pwede nga lang na ako na lang ang pumalit sa pwesto nya, gagawin ko eh.
''Ha? E ikaw ang ikakasal ah ba't ako?''
''Basta ikaw na lang'' Ba't ba ayaw nya? Ako pa ang pinagpipilitan nya.
''Hindi pwede Jarred. Magagalit si tita Emeth''
''Jacob, do what I said'' Utos nya. Parang kuya talaga sya sa akin e kung tutuusin kambal kami.
''Tsk, fine fine. Balitaan na lang kita sa mapapag-usapan. Gee bye'' Pero at the end talo pa din ako. Mas mabait kasi ako dyan. Ibinaba ko na yung line.
''Ma, ayaw nya e''
''E paano yun anak?''
''Ma, ang sabi nya ako na lang ang um-attend. Balitaan ko na lang daw sya sa mangyayari'' Napaupo si mama sa kama at napahawak sa noo nya. Yung siko nya nakatukod sa tuhod nya. Parang ang bigat nang problema ni mama. Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. Niyakap ko si mama.
''Ma, nandito naman ako. Gagawa tayo nang paraan'' Umiiyak si mama. Hindi man sya nagsasalita alam ko na natatakot sya sa pwedeng mangyari kapag hindi natuloy ang kasunduan. Naikwento ni mama sa akin ang about sa kasunduan. Para maisalba ang company namin kailangang ipakasal ang dalwang bata. Magiging bagong may-ari nang company si Tita Emeth at kung hindi hahayaan lang ni tita Emeth na bumagsak ang kumpanya. Kapangyarihan lang ang gusto ni Tita Emeth. Pero si mama, as long as buhay ang kumpanya na itinayo ni papa masaya na sya. Hindi nya din ginusto ang ipakasal si Jarred. Mahal na mahal kami ni mama. Nagtry si mama na magexplain pero hindi binigyan ni Jarred nang pagkakataon si mama. Kung pwede lang sana na ako na lang. ''Ma, gusto mo bang ako na lang?'' Napatunghay si mama mula sa pagkakayuko nya.Tiningnan nya ako sa mata. Nasasaktan ako sa pag-iyak ni mama.
''Anak, seryoso ka ba?''
''Mama, ayoko na nakikita kang umiiyak''
''Pero anak, what if wag na kaya nating ituloy?''

BINABASA MO ANG
After Promises
Novela JuvenilThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...