Chapter 23

263 4 0
                                    

Sumpa ba'to? Karma? Or what? Please Lord bigyan mo naman po ako nang peace of mind.

''Gamitin mo'' Inabutan nya ako nang toothbrush ''Bago yan'' Ayun sya at nagb-brush na nang teeth nya. ''Alam mo, first girlfriend kita na tumagal nang months''

''Hindi naman tayo Jarred Chaix''

''Tayo kaya. Kaso nakakainis ka!''

''Ba't ako?''

''Ba't ka kasi nagt-takbo dati? E di sana nakita mo kung paano kita ipagta-tanggol. Sana hindi tayo ganito ngayon. Sana hindi mo itinatago ang nararamdaman mo para sa akin'' Itago? Nararamdaman ba nya yun? Obvious na ba ako masyado? ''Hindi ko nga alam kung karma ko 'to e. Sa pagpapaiyak ko nang mga babae, sa pananagot ko kay mama, at sa pagr-rebelde ko. Siguro kaya nagkakaganito ang buhay ko dahil pinaparusahan ako ano?'' Speachless ako. Sinisisi nya ang sarili nya sa kasalanang wala naman syang kinalaman. ''Tapos na ako. Uy sa school na lang tayo kumain ha? Uy! Nakatulala ka dyan?''

''Ah? Ha? Ano nga ulit?''

''Sabi ko bilisan mo dyan at dadaan pa ako sa boutique para magpasadya nang damit''

''Ah sige sige''

Naghilamos lang ako at nag-tooth brush. Ganun lang din ang ginawa nya. Dumaan kami sa isang boutique para dun ay tahian sya nang damit na kahit naka posas ay pwede. He offered me din but I refused to it.

Nandito na kami sa school and pagbaba namin nang kotse ang daming estudyanteng naglipana. I mean nakikitingin.

''Punta na lang tayo sa key shop mamaya para matanggal 'to'' Sabi ko sa kanya habang naglalakad.

''No need for that haha''

''Girlfriend mo JC?''

''Haha oo pre''

''Baka makarating 'to kay Jacob'' Sa sinabi kong iyon tila nawala ang ngiti sa labi nya.

''Ako na ang bahala dun''

''Pero, uhm fine'' Nanahimik na lang ako hanggang sa mapatigil ako nang makita ko sa malayo si Cielo kasama sina Sam and Kyle. Nagmadali yung dalwang lumapit pero nanatiling nakatayo si Cielo.

''Puntahan mo na ang bestfriend mo'' Napatingin naman ako kay Jarred Chaix.

''How did you know?'' Ngumiti lang sya.

''Go'' At itinulak nya ako kaya lang napabalik ako sa kanya. ''Ay! Hehe tara nga. Nakaposas nga pala tayo hehe'' Naglakad na kami ngayon para salubungin sila. Maging si Cielo ay lumapit na din. Yung mukha nina Sam and Kyle? Hindi maipinta. Di nila ako nakilala? Ganun?

''JC pre, jackpot!'' Sabi ni Kyle. ''Ipakilala mo naman sa amin ang bago mong chick'' Dagdag pa nya.

''Haha! Hindi mo 'to kilala?''

''Pre, hindi ba halata? Kaya nga nagtatanong di ba?''

''So galit ka na nyan? Oh Cielo! Padaanin nyo nga si Cielo''

''T-teka ba't si Cielo?''

''Huwag ka ngang epal''

''EVE'' Banggit nya sa pangalan ko.

''I-I'm sorry Cielo for'' Hindi ko na naituloy pa dahil sa pagyakap nya sa akin.

''Nakakainis ka! Bakit hindi ka nagsh-share nang problema mo? Bestfriend mo ako pero hindi mo man lang sinabi sa akin kahit sa phone, email or skype.''

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon