[ JARRED CHAIX'S POV ]
''Pre, patatlong araw ka nang ganyan ah! Nu bang problema mo?'' Tanong ni Kyle. ''Umorder ka na kaya, kasi kung si Sweet Admirer ang hinihintay mo e malamang sa malamang hindi na yun dadating pa'' Pagpapatuloy pa nya.
''Pre, nagpapakamatay ka sa ginagawa mo alam mo ba yun?'' Dagdag pa ni Sam. ''Alam mo dapat hindi mo sya pinoproblema. Iinom mo na lang yan mamaya ha!'' Hay, wala talaga ako sa mood ngayon e. 3 days na akong parang tanga dito sa cafeteria at nag-hihintay sa wala. 3 days na syang hindi napasok. Nakakamiss din pala si Krung-Krung kahit papaano. Pero yung nangyari nung isang araw, masama talaga ang pakiramdam ko sa kanila. Yung isa ngang malaki parang nakita ko na dati sa may club, pero uhm. . . Parang, yun din yung lalaking nang harass kay Krung-Krung nung time na iniligtas ko sya. Tama! Oo iisa lang sila. Pero, that time ayaw ni Krung-Krung sumama sa kanila but sumama na sya last time. Mas dumami pa nga yung mga lalaki. Pero, parang mga body guards ang dating nila sa akin.
''Heart broken si JC pre, haha at kay Krung-Krung pa ahahaha'' Sige lang Kyle tumawa ka lang ngayon.
''Ahahaha oo nga e. Pre, may sayad ka na din?'' Tanong ni Sam
''Hoy tigilan nyo nga akong dalwa!'' Sigaw ko.
''Relax lang pre, pero kung babae lang ang problema mo, marami tayo nyan'' Paliwanag ni Sam. Hay kamusta na kaya sya. Gusto ko syang itext pero hindi ko alam ang number nya.
After Class
Wala na akong nagawa at ngayon kasama na nila ako dito sa club.
''Pre, tagay pa!'' Parang tangang sabi ni Kyle.
Habang na sa kalagitnaan kami nang inuman may biglang nag-text from unknown number. Binasa ko na agad ang text.
Jarred mapapaaga ang uwi namin ni Jacob
Tss ba't kailangan pang mag-text? Haist nakakaasar. Lalo pang nadagdagan ang isipin ko. Lalo na yata akong mababaliw. Dahil sa pag-iisip ko kay Krung-Krung pati ang problema ko sa pamilya ko nalimutan ko na. Kailangan ko pa nga palang maghanap nang apartment para makalipat ako bago pa lamang sila dumating.
Kanina pa kami uminom na lang nang uminom pero takte naman, di ako malasing-lasing. Kung kailan naman kailangang-kailangang makalimot tyaka naman hindi malasing.
Ilang sanadali pa tumawag na ako nang babae. Habang tinitingnan ko ang babaeng ito tila si Krung-Krung pa din ang nasa isip ko. Sya pa din ang nakikita ko. Marami pang nangyari hanggang sa
''Jarred Chaix?'' Napalingon ako sa tumawag sa akin. Pansin ko din na maging sina Sam at Kyle ay napahinto sa kanilang mga ginagawa. Anong ginagawa nya dito? Tiningnan ko sya nang masama kahit ang totoo pa nyan is I badly miss her presence.
''Why are you here?'' Cold kong tanong sa kanya. Miss ko sya at the same time galit dahil 3 days syang nawala nang walang nakakaalam kung anong nangyayari sa kanya tapos bigla syang susulpot at sa ganito pang lugar?
''I just want to see you'' She answered quietly.
''T*ngn*! Pumunta ka para lang makita ako? Hindi mo ba alam kung anong lugar 'to?'' At tumango-tango lang sya. ''Bakit ka nga nandito? Tingnan mo nga naka-uniform ka pa!'' Sigaw ko sa kanya.
''Eh ba't ikaw? Naka-uniform ka din naman di ba?'' Krung-Krung, nakakaasar ka na talaga.
''At least, legal age na ako e ikaw minor ka pa, teka nga paano ka nakapasok dito? At tyaka bakit ka pinapasok?''
''22 na ako Jarred Chaix'' Again, she answered quietly at nakayuko pero rinig ko pa din.
''Niloloko mo ba ako ha? Matanda ka pa sa akin? How come?''
''Totoo yun Jarred Chaix. Lahat nang sinasabi ko sa iyo ay totoo'' Nakatungo pa rin sya. Ano bang gusto nyang gawin?
''Patingin nga nang ID mo'' Pero umiling-iling lang sya. Wag nyang sabihing pati ID wala din sya?
''Hindi ako naga-ID'' Sabi nya. Takte hindi ata ito tao. Napahawak ako sa noo ko at tumayo na.
''Ako ba talaga ay pinaglololoko mo?'' Pasigaw kong tanong sa kanya.
''Pre, relax ka lang. Lasing ka na''
''Wag kang makialam Kyle, alam ko ang mga sinasabi ko'' Nakatingin lang ako sa kanya pero nananatili pa din syang nakatungo. Hinawakan ko na ang balikat nya. ''Humarap ka nga sa akin at tingnan mo ako sa mata'' At unti-unti syang tumingala. Nakita ko ang mga mata nya na parang bagsak at malungkot. Hindi sya naiyak ngayon pero pugto ang mga mata nya na parang kagagaling lamang sa matagal na pag-iyak. ''Tell me, ano ba talagang kailangan mo?''
''Gusto kong makipagdate sa'yo''
''T*ngn* naman Krung-Krung!'' Napasigaw na ako na ikinagulat nya.
''Pre, si Krung-Krung yan easy ka lang'' Sam.
''Hindi ka pa ba nadadala?'' Umiwas lang sya nang tingin. ''Hindi ka ba nakakahalatang naiinis ako sa'yo?''
''Alam ko na inis ka sa akin, pero sana pumayag ka''
''Hindi! Ayoko'' Mariin kong sagot sa kanya.Binitawan ko na ang pagkakahawak sa kanya ngunit muli syang nagsalita.
''Pumayag ka na. Sa Saturday, 2:00 pm sa Tahanan ni Aling Meding sa San Pablo. Pangako yun na ang magiging huli'' At tumalikod sya at naglakad palayo.Hindi sya nangulit, hindi din sya umiyak at lalong hindi din sya tumakbo. Pero kinilabutan ako sa sinabi nya.Parang ang lakas nang impact sa akin na para bang may malalim na ibig sabihin.
Bakit umalis ka agad? Hindi ko pa nasasabing naiinis ako dahil matagal na kitang gustong makita. Gusto kong sabihing ilang araw na akong nag-iisip at ilang gabing hindi makatulog.
Gusto kong itanong
Ano bang ginawa mo at nagkakaganito ako ngayon?
BINABASA MO ANG
After Promises
Teen FictionThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...