[ KYLE'S POV ]
Saan kayo ngayon hahaha mayroon pala akong part dito sa story na magbibigay ako nang point of view ko. Actually kakagising ko lang ngayon with my sweet lovely girl. Pinagbihis at pinagayos ko na sya agad para makaalis na sya. Ayoko na magising si JC na nandito pa itong babaeng to.
''Bye Kyle, thank you last night. I enjoyed it a lot'' Sabay halik sa akin.
''Me too Moira''
Paaaak!!!
''What? Ba't ka nanampal?'' Nakapameywang na sya ngayon.
''Ba't ako nanampal? Alam mo ba ang pangalan ko? Ha?''
''Oo, Cindy. . . . Ouch ano ba?''
''You're such a stupid guy. Keila, that's my name. And not Moira or Cindy or whatever name na alam mo hmp'' Sabay kuha nang bag nya at lumabas nang kwarto ko. Idinabog pa nya ang pinto. Aba masira ang pinto ko papabayaran ko yun sa kanya. Hindi pa nga bayad itong condo ko sisirain agad nya? Sineswerte naman sya. Nakitulog na nga, sya pang masungit? Haaaay mga babae nga naman. Sila na pinatulog nang libre, pinasaya buong magdamag, tapos ako pa ang masama? Aba'y sobra naman ata yon' di ba?
Ilang saglit pa at nakita kong nakatayo si JC sa pinto. Pupungay-pungay pa at halatang kababagong gising lang.
''Hoy Kyle ano problema kay Saicy?''
''Pfft- Ahahahaha'' Sinimangutan nya lang ako at binigyan nang anong-nakakatawa-look.
''Problema mo?''
''Kasi di mo din pala alam pangalan nung babae''
''Huh?''
''Ahahahaha'' Di ko talaga mapigilang tumawa. Ang sakit na nang tyan ko ahahahaha. Saicy daw ahahaha.
''Gung-gong! Magluto ka na nga para makapag breakfast na ako'' At umalis na sya na may pagkamot pa nang ulo. Napatigil ako sa pagtawa. Nakikitira na nga sya ako pa ang gagawin nyang cook? Aba matinde! Lumabas ako na nagdadabog nakita ko naman sya na sitting pretty sa couch ko at nanonood nang Spongebob? Haaay grabe. Humarang ako sa TV kaya lang binato nya ako nang unan.
''Hoy Kyle, umalis ka nga dyan. Nanonood ako'' Aba talagang ang kapal ng mukha
''Hoy JC condo ko 'to at wala kang katulong dito. Kung gusto mong kumaen ikaw ang magluto''
''Ginaganyan mo na ako Kyle?''
''Oo dahil nasa teritoryo kita'' Kaso binato lang nya ako nang unan. Talagang baliw tong taong to. Di ba nya nakikitang galit ako? As in galit talaga ako. Promise!
''Magluto ka na lang para naman maexperience ko ang lasa na maging asawa mo'' WHAT THE f? Asawa? Ano tingin nya sa akin? Bisexual? Lalaki kaya akong totoo at maraming pwedeng tumistigo.
''JC ang kapal talaga nang mukha mo''
''At least gwapo'' Kapal talaga! Haaaay makakilos na nga. Di naman ako mananalo sa kanya. Naku kailangan ko nang makagawa nang paraan para mapauwi ko na sya sa kanila. Dahil kung mananatili sya dito, kalbaryo ko sya. Katulong ang kakalabasan nang character ko dito at yun ang iniiwasan kong mangyari. Natapos na akong magluto. Hindi ko pa man sya tinatawag mabilis pa sa alas kwatro ay nandito na sya.
''Ambango naman nyan Kyle'' At sininghot pa nya yung usok. Ay adict ata tong si JC e. ''Uy Kyle ang sarap paano mo yan nagawa ha?'' Hay ba't naman yata parang naging curious sya? Pero ang secret nang masarap kong luto ay pagmamahal at pagiging gwapo ko hahahahaha! Pero seriously, natutunan ko ito sa mommy ko nung nandito pa sila sa Philippines. Nasa food industry kasi ang family ko. Kaya siguro its in the blood na masarap akong magluto. ''Kyle turuan mo naman ako ha?''

BINABASA MO ANG
After Promises
Novela JuvenilThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...