Chapter 2

326 4 0
                                    

Kinabukasan

''Kyle'' Pabulong kong tawag kay Kyle. Preliminary examination kasi namin ngayon and ang bad news, di ako nag-aral. As if namang nag-aaral talaga ako.

''Psst Kyle yung mga sagot'' Lumingon naman sya habang sa kabilang line naggagala yung proctor namin.

''JC di din ako nag-aral ee, di pa nakakaabot yung mga sagot dito''

''T*ngn* Kyle, kanina pa yan ah''

''Mr. Reyes and Mr. Miguel what's happening over there''

''Nothing ma'am'' Sagot ni Kyle. Pisti

''Mind your own paper specially you Mr. Miguel or else you'll be expelled'' Aba ako pa nga?

''Ah, yes ma'am'' Hayst pag minamalas nga naman oh.

''Jarred Chaix'' Sya na naman? Hanggang sa examination day ba naman nandito sya? Wala ba syang klase o lagi syang nagc-cutting classes? Di ko na lang sya pinansin kaso talagang may kakulitan ang lahi nang batang ito.

''Jarred Chaix, ui''

''25 more minutes left for this subject'' Sabi nung proctor namin. Nak nang, di na nga ako magkandaugaga dito may makulit pang dumating.

''Ui Jarred Chaix'' Ah bahala ka dyan. Tumawag ka nang tumawag hanggang sa matuwid yang buhok mo.

''JARRED CHAIX MIGUEL!!!!!'' Naagaw na naman nang pagsigaw nya ang atensyon nang lahat.

''Ui JC si Sweet Admirer mo yun di ba?'' Bulong ni Sam. Psh

''Mr. Miguel? What's that?''

''Ahm ma'am, ringtone po nung dumaang student'' Palusot ko. Arghh makukutusan ko talaga ang Krung-Krung na'yon.

''Ringtone? Are you sure?''

''Ahm, yes ma'am''

''Okay if that so you may continue answering''

Nagpatuloy ako sa paghihintay nang sagot pero nahihirapan sila sa paglilipat nung sagot dahil mahigpit yung proctor.

''Ui Jarred Chaix'' Nakakainis na talaga.

''Ano bang kailangan mo huh?''

''Akin na yang papel mo''

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon