As my son's wish, nandito ako ngayon sa tapat nang bahay nina Jayni and kasama ko si Jarred ngayon. Ayaw nya kasing mag-paiwan lalo na't si EVE ang pinag-uusapan.
''Ma, hindi pa ba tayo papasok?''
Nilapitan ko na yung guard.
''Excuse me nandyan ba si Emeth?'' Tanong ko.
''Wala po ma'am''
''Eh ang anak ko nandyan din ba sa loob?''
''Ma'am nandito po si Sir Jacob''
''Papasukin mo ako dyan'' Sigaw ni Jarred
''Anak, hinay-hinay lang''
''Ma naman, kailangan ko na talagang mabawi si Earth''
''Naiintindihan kita anak, pero huminahon ka lang''
''Ma, nahihirapan na kasi ako! Ikaw buksan mo 'to!!'' Baling nya sa guard.
''Sir pasensya na po talaga pero napag-utusan lang po talaga kami''
''Hayop ka! Isa kang malaking tanga! Uto-uto!''
''Pasensya na talaga sir pero''
''Ma'' Napalingon kaming lahat sa tumawag sa akin. ''Anong ginagawa nyo dito?'' Tanong ni Jacob
''Hoy hayop ka! Ilabas mo si Earth!'' Pag-wawala ni Jarred.
''Hindi ikaw ang kinakausap ko. Ma, bakit kasama nyo yan dito?''
''Anak, Jacob gusto kong kausapin ang tita Emeth mo''
''Para saan naman ma?''
''Para hindi na matuloy ang kasal tanga'' Sabat ni Jarred
''Anak, uhm pagpasensyahan mo na ang kapatid mo Jacob. Ang totoo nyan, hindi ko na kayang isangkalan pa ang buhay nyong dalwa para sa kapakanan nang kumpanya kaya sana pag-bi''
''NO! I won't and I will never'' Matigas na sagot nang aking anak
''Pero Jacob anak hindi na 'to tama''
''Hindi maganda ang patutunguhan nang usapan na 'to kaya kung wala na kayong mas mahalagang sasabihin pa ay papasok na ako sa loob''
''Tarantado! Bumalik ka dito'' Sigaw nang nagsusumamo kong anak na si Jarred. He keep on shouting. Pasensya na anak kung wala akong magawa. Nakita ko namang naglakad syang papasok. Walang kahit anong ginawa kung hindi ang iwan kami. Nilapitan ko si Jarred at niyakap. Mahigpit na yakap na sanay pumawi sa sakit na nararamdaman nya.
''Ma, paano ako makakapasok sa loob nang bahay na yan?''
''Anak, hindi ko din alam. Sobrang higpit nang seguridad nang bahay na yan. Ayokong mapahamak ka kaya nakikiusap ako sa'yo anak na huwag kang gumawa nang hindi maganda. Gagawin ko ang lahat para matulungan kita. Kanina, hindi ko na nakilala ang kapatid mo. Walang galang na ang paraan nya nang pakikipag-usap sa akin.''
''Ma, gawin mo ang lahat please ma'' Maluha-luhang sabi ni Jarred. Isinama ko na muna sya sa loob nang kotse at doon tinawagan ko si Emeth.
Nagsimula nang tumunog ang kabilang linya. Napatingin ako sa aking anak. Nasasaktan din ako sa bawat pagpatak nang luha nya.
''Hello? Jayni?''
''Oo Emeth, si Jayni nga ito I just want to clarify something''
''Go ahead, may meeting pa ako eh''
''I'll just go to the point, I want to cancel the marriage proposal''
BINABASA MO ANG
After Promises
Teen FictionThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...