Kriiiiiiiinggggggg
Panggigising nang alarm clock ko. Kinuha ko ito at tiningnan ''Grabe, successful ang panggigising mo sa aking t*ngna ka'' At inihagis ko ito sa pader. Argh sakit nang ulo ko grabe. Muli akong natulog.
02:46 PM
Nagising na ako sa ingay nang mga ibon. ''Ahhhh'' Pag-iinat ko. Kinuha ko ang IPhone 6 ko. 02:46 PM na pala. Tumayo na ako pero biglang kumulo ang tyan ko. Sa labas na lang siguro ako kakain. Nagderetso na lang ako sa banyo at naligo.
After an hour, natapos ako sa paliligo at pag-aayos nang sarili. Bumaba na ako para makaalis na. Nga pala, di na ako nakapasok. Tsk
''Sir Jarred, tumawag po ang mommy nyo at pin------'' Pinutol ko na agad ang sasabihin nang matandang ito.
''How many times do I have to tell you that I wont hear anything about them? Huh?'' Singhal ko kay tanda. Nakakainis. Tatawag sila na akala mo kung sinong concern? Ang kakapal.
Binunggo ko sya dahil malaking harang sya sa daraanan ko. Wala akong pakialam kung matanda pa sya o kung ano pa man. Sinabihan ko na sya pero binaliwala lang nya. So face the consequences.
''Sir, malapit na daw po silang umuwi dito'' Napatigil ako sa isinigaw ni Tanda. Hinarap ko na sya this time.
''What did you say?'' Mariin kong tanong sa kanya.
''Sir, mga 2nd week daw po nang August ang uwi nila madam''
''Shit'' Napamura na lang ako at nagmadaling umalis.
''Sir Jarred! Kumaen po muna kayo!'' Sigaw ni Tanda.
''Wag na!'' Tugon ko.
Paglabas ko sa garage wala ang kotse ko.
''Shit! Nasa club pa nga pala yung kotse. Bwiset!'' Sinipa ko yung maliit na bato. Naglakad na lang ako palabas nang subdivision para doon mag-abang nang taxi.
Nakarating na ako sa club at nakaon ko na rin ang kotse ko. Nagugutom na talaga ako kaya agad akong dumeretso sa isang fastfood chain dito sa San Pablo. Speaking of San Pablo - Isang maliit na bayan na puro fastfood chains at establishments and malls ang laman. Walang pasyalan kundi ang Sampalok Lake lang. Maraming schools dito pero di ko kinaya ang pumasok sa University dito dahil sa dami nang estudyante. Kaya mas pinili ko sa EVE College University. Isang prestigious school. May kamahalan ang tuition fees pero sulit para sa mga milyonaryo.
Medyo nabusog na ako kaya napagpasyahan ko na lang pumunta nang lake tutal naman tapos na ang klase dahil pass 3 na. Di ko naman matawagan sina Sam at Kyle cause for sure, kasama pa din nila ang mga ka one night stand nila.
Naglalakad-lakad lang ako nang may biglang tumalon at nanlambitin sa likod ko.
''Jarred Chaix na miss kita!!!!'' Sigaw nya habang nakasakay sa likod ko.
''Hoy Krung-Krung teka nga, bumaba ka nga dyan'' Pilit kong inaalis yung mga kamay nya na nakakapit sa leeg ko. Nasasakal na kasi ako. Pero ang higpit nang pagkakayakap nya. Pinagtitinginan na kami dito nang mga tsismosong taga San Pablo. No Offensement pero ganyan sila dito.
''Krung-Krung pakiusap, bumaba ka na dyan, nasasakal na ako'' At agad syang bumaba mula sa likod ko. ''Nababaliw ka na talaga nu? Ba't mo ginawa yun? Huh?'' Pagalit kong sigaw sa kanya. Sya naman parang maluluha ang mata at nagpout. Heto na naman po tayo. ''Wag ka ngang umiyak''
''Na-miss lang naman kita, masama ba yon?''
''Look, walang masama na mamiss mo ako. Pero yung ginawa mong pagsampa sa likod ko hindi maganda'' Iniharap ko sya sa mga tao. ''Look, pinagtitinginan nila tayo oh, nakakahiya di ba?'' Tanong ko sa kanya pero sya? Umiling-iling lang. Di ko talaga kaya ang batang ito.
''Gusto ko lang iparamdam sa'yo na gusto kita at wala akong pakialam sa sasabihin nang iba'' Paiyak nyang sabi. ''Syanga pala, sa Saturday huh? Mag hihintay ako sa'yo''
''Hay, oo na Krung-Krung''At ginulo ko lalo ang gulo-gulo at kulot nyang buhok. Grabe ka Krung-Krung. Handa kang gawin ang lahat para sa akin. Hindi ka papasok sa klase mo para lang i-check kung okay ako, magpunta sa examination day para tulungan ako, dalhan ako nang prepared lunch kahit malayo ang building na pinanggagalingan mo. Ibang klase ka talaga. Pero College ako at graduating na at ikaw. . .High school pa lang. Ni wala akong alam tungkol sa'yo. Sa pagkatao mo pero pinaparamdam mo na mahalaga ako sa'yo. Bakit ba hindi sila naging tulad mo? E di sana hindi ako nagkakaganito ngayon. ''Paano ka nga pala napunta dito?'' Tanong ko sa kanya.
''Naamoy ko kasi yang parfume mo'' Naamoy? Teka, malayo ang San Pablo sa School ah. Tyaka naamoy? Paano naman mangyayari yun? Ngumiti naman sya.
''Teka nga, ba't ba lagi kang nandun kung nasaan ako?'' Tumigil kami sa paglalakad.
''Gusto kasi kitang makasama'' Tapos kumapit sya sa braso ko.
''Pero pwede naman after school di ba? Pagka-awas mo tyaka mo ako sundan hindi ba pwede yun?'' Tanong ko sa kanya. Tumungo lang sya at parang nalungkot. May masama ba sa sinabi ko? ''Ba't di ka umiimik? Di ba madaldal ka?''
''Hindi e, kaya nags-skip na lang ako'' Bakit naman kaya hindi pwede? E kung saan-saan na nga sya nakakarating e. Anong klaseng tao ba sya?
''Saan ka ba nakatira?'' Tanong ko sa kanya. Yung smile nya sweet pero tila may kumukubling pasakit sa likod nang mga ngiting iyon. ''Krung? Wala ka bang bahay?''
''Basta Jarred Chaix, ako si Earth Victoria Evan pero masaya na akong tawagin mong Krung-Krung'' Bakit ba lagi nya na lang ini-insist ang pangalan nya? Never mind, wala akong pakialam sa kanya pero for the mean time, sya lang ang pwede kong makausap sa ganitong pagkakataon. Uuwi na sila. Dadating na ang magpapahirap nang kalooban ko. Magsisimula na ang tunay na kalbaryo na dadalhin nang likod ko.
''Krung, bakit mo ako nagustuhan? E ang sama nang mga ipinapakita't trato ko sa'yo?'' Tumawa lang sya I mean, smile. Pag ganyan sya nang ganyan baka pumatol ako sa isang bata.
''Alam mo, walang dahilan kung bakit kita nagustuhan'' Anong ibig nyang sabihin? ''Dahil kung nagustuhan kita nang may dahilan at ang dahilan na'yon ay nawala para saan pa ngayon na nagustuhan pa kita? Di ko sya maintindihan. Isang high school student ang kasalukuyang kausap at nagpapayo sa isang Jarred Chaix Miguel - College student - 20 y/o.
Masyado syang malalim kung magbigay nang pahayag. Minsan nga naiisip ko kung ilang taon na ba sya? Hindi ko naman kasi inalam pa kasi kita naman sa kanya na 14-15 y/o lang sya. Ang matured nyang mag-isip pero kung kumilos naman parang bata. Di ko naman kayang maatim na makipagrelasyon sa kanyang edad. Bakit ba wala akong mahanap na ka-age ko na tulad nya? Iisa lang ba sya?
Padilim na kaya bigla syang nagpaalam na uuwi na. Nagpumilit akong ihatid sya dahil alam kong malayo ang pinanggalingan nya kahit na di ko alam kung saan ang eksaktong lugar nang bahay nya. Pero tumanggi sya sa alok ko. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita. Ihahatid ko sana sya nun dahil baka masundan sya nang mga lalaking nang harass sa kanya pero tumanggi sya. Bakit ba ayaw nyang magpahatid? Nahihiya kaya sya sa kung saan sya nakatira? Malamang naman na hindi sya sa squatter area nakatira dahil kung totoo man hindi nya ma-afford na mag-enroll sa EVE.
Nakauwi na ako ngayon. Iniisip ko pa din yung mga sinabi nya.
''Alam mo, walang dahilan kung bakit kita nagustuhan. Dahil kung nagustuhan kita nang may dahilan at ang dahilan na'yon ay nawala para saan pa ngayon na nagustuhan pa kita?
Seryoso sya nang sabihin nya sa akin ang mga katagang iyon.
Sana,
Pero sana hindi sya magbago.

BINABASA MO ANG
After Promises
Fiksi RemajaThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...