Chapter 38

279 3 0
                                    

[ THIRD PERSON'S POV ]

Hindi lamang isang linggo ang lumipas. Hindi lamang basta-bastang mga araw ang dumaan, kundi panahon na nagdala nang pagbabago sa isa't-isa.

Magandang balita para sa kanila na sina Sam at Kyle ay naka-graduate na. Hindi man sila mag-kakasama pero alam nilang sa isa't-isa na mananatili silang mag-kakaibigan.

Nawalan na din sila nang tuluyan sa pag-asang tatawag si Cielo. Pakiramdam nang lahat ay wala na silang dapat asahan pa sa kaibigang akala nila ay makakatulong na mahanap ang ama ni Earth para maisaayos na ang lahat.

Lahat sila ay tinuruan ang sariling makalimot. Malimutan ang nakaraan para harapin ang hinaharap.

Mahabang panahon ang ginugol nang bawat isa at hindi nyo aakalaing makalipas ang limang taon ay ganap na enhinyero na sina Sam at Kyle.

Si Sam, hanggang ngayon umaasang maaayos ang lahat. Naka-base sya ngayon sa Makati. Still single at wala nang planong mag-asawa pero gusto nyang magkaroon nang isang anak na babae at isang lalaki sa iisang babae. Malabong mangyari pero ayon ang gusto nya. Gagawa nang bata, susuportahan ang ina hanggang sa maka-anak at babayaran ito upang magpakalayo-layo at iwan ang mga anak sa kanya. Ang dahilan? Complicated daw ang may asawa, e kung anak lamang kaya mong pasunudin pero asawa? Na-ah mahirap talaga. Para kang nakikipag-talo sa isang lawyer, mahirap manalo. Kailangang ibaba ang pride at magpaka-ama na kahit kailan ay hindi nya nakita ang sarili nya na gagawin nya pagdating nang panahon.

Si Kyle, isa nang ulirang ama. Mahirap man paniwalaan pero totoo ang pagiging ama nya. Wala syang asawa at yun din ang mahalaga para sa kanya. Nang yari ang lahat nang may nagdala nang sanggol sa bahay nya at iniwan ito. Ang araw na iyon ay selebrasyon nang pag-pasa nya sa board exam. Ang galing di ba? Inisip nyang swerte ang bata kaya't pinalaki nya ito at ngayo'y nag-aaral na sa Saint Mary Academy na pag-mamay-ari na ni JC. Oo si JC.

Kung inaakala nyo na hindi sya nakagraduate kasabay nang dalwa pwes nagkakamali kayo. Kasabay syang nag-martsa nang dalwa nyang kaibigan. Sinunod kasi nya ang payo ni Kyle. Ang planong bayaran ang principal nang EVE University. At sa ganun isa na din syang ganap na enhinyero. Ang kursong iyon ang natapos nya pero sa business industry pa rin sya dinala nang kanyang mga paa.

Nakakatuwang isipin na iba't-iba man ang kanilang layunin, nananatili pa din sa kanila ang salitang pagkakaibigan. Nag-kakaroon sila nang get-together monthly para bigyan ang isa't-isa nang oras.Hindi na masyadong napag-uusapan ang nakaraan. Tila nalimutan na ito nang lahat.

Isang magandang offer naman ang natanggap ni JC from Europe. Gusto syang kuhanin para maging engineer sa isang malaking project sa nasabing lugar. Tinanggap naman ito nang binata.

Naayos na din kasi ang problema nila sa mga airline companies.

Sa Kasalukuyan

[ JARRED CHAIX'S POV ]

''Are you happy?'' Tanong ko kay Cecil.

'' Syempre naman han, sino ba ang hindi sasayang makasama ang boyfriend nya sa isang business trip'' Sabi naman ni Cecil. Nakaupo kasi kami ngayon sa labas nang isang yatch dito sa Venice, Italy. And oo, may girlfriend na ako. Mahal ko sya pero hindi tulad nang pag-mamahal ko kay Earth. Nakakadala din kasing ibigay mo ang lahat tapos maiiwan kang nasasaktan sa huli. Kaya ngayon nags-siguro na ako.

''I love you'' Sabi ko sa kanya at binigyan sya nang isang halik sa pisngi.

''I love you more JC'' Kung iniisip nyo kung sino si Cecil, sya lang naman yung babaeng walang tigil mag-bigay nang cake sa akin every morning. Sya yung nag-bigay nang letters. Sya din yung nag-bigay nang cake dati. Minsan nga nag-reklamo na ako dahil sa sobrang dami na nang sugar nang katawan ko.Wala na bang iba? Sabi ko sa kanya.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon