Chapter 30

211 3 0
                                    

[ JARRED CHAIX'S POV ]

Nagising na lamang ako, wala na sya. Umalis sya agad nang wala man lang pasabi.

''JC!'' Narinig ko ang pagsigaw ni Kyle at pagkatok nito sa labas nang kwartong ito. ''JC! Gumising ka na dyan!!!'' Patuloy pa din sya sa pag-sigaw. Ano na naman kaya ang ginawa nya? Nagtaklob na lang ako nang unan pero rinig ko pa din ang patuloy na pagkalampag nang aking pinto at pagtawag nya sa pangalan ko. ''JC!! Si Krung-Krung!!'' Napabalikwas ako mula sa kama nang marinig ko ang pangalang iyon. Napaano kaya ang mahal ko. Agad akong nag-tungo sa pinto at agad itong binuksan. ''JC''

''Anong nangyari?''

''Sumunod ka sa akin'' Kinabahan ako sa sinabi nyang iyon. Mabilis syang naglakad palayo kaya't agad ko syang sinundan. Papalabas na kami ngayon. Gusto kong magtanong pero natatakot akong marinig kung ano man ang isasagot nya. Mukhang hindi ito maganda. Mukha din namang hindi sya nagbibiro. Seryoso si Kyle at patuloy lang sa paglalakad.

Mula sa malayo rinig ko ang boses nina Sam at Cielo.

''Jacob, what have you done to her? '' Cielo.

Kinabahan ako sa tanong nyang ito. Hindi ko pa sila nakikita.

''Bilisan mo JC'' Sabi ni Kyle.

''Cielo, don't you dare na sundan kami. If you do, for sure you will regret'' I know that voice. Shit

''JC bilisan mo sabi'' Sigaw ni Kyle na halatang galit na galit. Nagpatuloy kami sa aming paglalakad hanggang sa makita ko silang lahat na nakatayo at nagtatalo-talo. Inilibot ko ang aking paningin at nahagip nito si Earth - walang malay. Shit! Agad akong lumapit pero

''JC! Hanggang dyan ka lang! ''

''Anong gagawin mo sa kanya?'' Mariin kong tanong. Nakakuyom na ang mga kamao ko.

''Ilalayo sa mga katulad nyo'' Sigaw nya. Nakita ko ang hawak nya baril na itinutok isa-isa sa amin. Nagtangka akong humakbang ngunit

Bang

Nagpaputok sya sa langit. Shit talaga oh!

''Subukan mong lumapit, ipapasimot ko sa'yo ang utak nito'' Shit! Itinutok nya sa ulo ni Earth yung baril.

''Jacob wag! Ano bang gusto mo?'' Tanong ko sa kanya.

''Ang gusto ko? Simple lang, ang mamuhay kasama sya nang wala kayo sa buhay namin. Subukan mong sumunod, hindi ako magdadalwang isip na iputok ito sa ulo nya'' Mukhang seryoso sya sa mga sinasabi nya. Nakaramdam ako nang pangangatog nang tuhod. Shit! ano bang nangyayari sa akin? Bakit ngayon pa ako kinabahan?

''Jacob no! He will do what you've said'' Sigaw ni Cielo in a calm voice. Shit. Ano bang dapat kong gawin?

''No? So you choose. Susunod o sasabog?'' Hindi pa rin nya inaalis ang pagkakatutok nang baril sa ulo ni Earth.

''Jacob nababaliw kana talaga'' Sigaw ko. ''Itigil mo na 'to hayop ka''

''Anong sabi mo?'' Itinutok nya nang mas madiin sa ulo ni Earth yung baril. Shit talaga

''Jacob o-oo na! Gagawin na namin ang gusto mo wag mo lang syang saktan'' Napasagot na lang ako nang wala sa oras. Natatakot na talaga ako.

''Hahahahaha you are weak Jarred. Hahahaha!! Panindigan mo ang sinabi mo'' At nakita ko nang pumasok sya sa loob nang kotse nya at pinaandar na ito.

''Bakit mo hinayaang makaalis sila?'' Kyle.

''Sira ka ba Kyle? Baliw na si Jacob kaya hindi natin masisiguro ang kaya nyang gawin''

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon