[ JARRED CHAIX'S POV ]
Nakakabading man, alam nyo ba yung pakiramdam na kahit ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang isang magandang bagay sa buhay mo ay napapangiti ka pa rin? Kasi ako oo. Madami ngang nagtatanong kung bakit ganito na lang ang mukha ko. Ibang-iba sa dating JC na araw-araw nilang nakikita. Nakita ko naman ang isang babae na nakatayo sa dadaanan ko. Sya ulit? May hawak syang isang box pero dahil sa malayo pa ako hindi ko pa ito matukoy kung ano ang laman nang box na iyon. Lalapitan ko na nga lang ito. Pasalamat sya at nasa Good Mood ako ngayon. Nasa harapan na ako nito ngayon. Halata sa kanya ang kaba dahil sa pangangatal nang kamay nya.
''JC sana t-tanggapin mo! I p-prepared this cake for you!'' Sabi nung babae. Nakakabilib din ang isang ito dahil compared to other girls hindi sya natatakot sa rejection. Napangiti ako sa kanya pero agad ko itong ikinubli nang itiningala nya ang kanyang mukha dahil siguro sa gulat na kinuha ko ang kanyang dala-dala.
''S-salamat JC'' At bahagya syang ngumiti. Ngayon ko lang nakita ang mukha nya. Maganda syang talaga. Makinis ang mukha at walang pores. Mahaba ang kanyang buhok at may bangs. Itim na itim ang kulay nito. At ang kanyang mga mata, kumikislap I mean, masaya ang kanyang mata. Unlike Krung-Krung, she's always smiling but I can't be so sure if that smile is true. Contradicted kasi ang smile nya sa ipinapakita nang mga mata nya.
Bumalik ako sa katinuan nang may tumawag sa pangalan ko. Tumango na lamang ako sa babaeng nasa harapan ko at umalis. Kita ko sa peripheral vision ko ang saya sa ngiti nang kanyang mukha. ''Maraming-maraming salamat talaga'' Rinig kong bulong nya.
Si Cielo ang tumawag sa akin. Pinuntahan ko naman sya agad dahil nga nasa good mood ako ngayon. Ba't nakasimangot naman agad ang babaeng 'to?
''O ba't sambakol ang mukha mo?''
''Tinatanong mo pa talaga ha''
''Okay'' At umalis na para makapasok sa unang klase. Ayoko ngang ma-late ngayon at para naman makalibre ang mga classmates ko. Balato ko na sa kanila yun dahil masaya ako.
''Hoy JC ba't mo tinanggap yun ha?''
''Akala ko ba may girlfriend ka na?''
''E ba't lumalandi ka pa?''
''Tapos ako? Wala lang sa'yo?'' Nakakairita talaga sya promise. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
''Alam mo ba kung ano ang pagkakaiba nang day and night?'' Kumunot ang noo nya.
''At bakit naman kailangan ko pang alamin ang difference nang dalwa e ang simple-simple lang nang tanong ko sa'yo''
''For at least maintindihan mo''
''Nakakainis ka JC! Sige nga''
'' Night is the time of darkness between one day and next. And also the part of the day when no sun can be seen.
While day is the time of light between one night and next. And also the part of the day can be seen''
''So?'' Lalong nagdikit ang kanyang mga kilay at pasulimpat nya akong tiningnan. Bahagya pa nya akong inismidan.
''You are the day and probably I'm the night. And the presumption according to its definition, day and night can't be together. Pwedeng ikaw ang mauna or ako ang mauna. But can never be at the same time.''
''Psh, I don't care JC. Mas maganda naman ako dun sa babae kanina and lalo na dun sa Krung-Krung. Transparent ako sa'yo and sya? I know that you know nothing 'bout her. How could you love someone like her?'' Yeah, she's right. I know nothing 'bout her but just her name. But the hell I care. Even if I don't know her fully, at least I know her by heart. I know something inside her that I can't live without. Sa inis ko nilayasan ko na sya at dumiretso sa room at umupo sa pwesto ko. Nakita ko naman sya na pumasok na din. Ang mga mata nyang matalas ang tingin sa akin ay tila nag-aapoy sa galit.
BINABASA MO ANG
After Promises
Novela JuvenilThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...