Chapter 15

365 2 0
                                    

[ JARRED CHAIX'S POV ]

Masaya akong pumasok ngayon sa school. Napapangiti na lang ako mag-isa na parang tanga kapag naaalala ko ang nangyari kahapon. First date ever namin yun ni Krung-Krung kapag nagkataon. Even though that was unexpected, I considered it already as our first date. I really enjoy it. Nandito na ako sa room and as usual kong ginagawa late ako. Di ko nga pala nasasabi sa inyo na every time na mauuna ako sa professor namin nang-lilibre nang lunch ang professor. Celebration ba na hindi ako late pero syempre minsan lang mangyari yun sa isang buwan at kung sineswerte ang professor e walang libre session haha. It means lagi akong late. Deretso lang akong pumasok. Walang hi/hello. Bastos nga di ba? Haha! Deretsong umupo ako sa silya ko at itinaas ko agad ang dalwa kong mga paa sa table.

''Mr. Miguel good morning to you'' Sarcastic nyang bati sa akin but then nagsmile lang ako sa kanya. Wala e I'm on my mood haha! Well, I think nahahawa na ako kay Krung-Krung sa pagsmile-smile nya. ''What is that smile for ha?''

''Nothing prof. I'm just happy. You know, love life'' Nag hand gesture pa ako na parang nagyayabang.

''What? Love life. Gaaad Mr. Miguel you're such ahm. .  Never mind. Class let's go back to our lesson'' After nyang sabi biglang may sumipa ng silya ko mula sa likuran kaya tiningnan ko si Kyle.

''Hoy Kyle 'wag mong masira-sira ang araw ko ha'' Masungit kong sabi sa kanya. Aba e kaganda nang umaga ko maninipa sya nang silya? Sipain ko mukha nya e. Ngayon na nga lang ulit ako nakaramdam nang saya tapos eepal sya? Hell no!

''Hoy JC, may girlfriend ka na?'' Nagtatakang tanong ni Kyle sa akin.

''Oo Kyle haha'' Pagyayabang ko kahit naman wala pero para sa akin kami na.

''Is that for real?''

''Oo nga sabi e.''

''Sino naman? Ang daya mo talaga ni hindi mo man lang ipinakilala sa amin ni Sam.'' Nagtatampo na naman itong si Kyle e.

''Mr. Miguel and Mr. Reyes, you can share your topic with the class. You may now start and we are going to listen. Go ahead boys'' Takte talaga. Ang daldal naman kasi nitong si Kyle hindi makapag-hintay na matapos ang klase.

''Prof. kasi ito pong si JC nags-secret sa amin ni Sam'' Aba't parang batang nagsusumbong. Haha luko-luko. Hindi na lang ako umiimik pa.

''Mr. Reyes could you please be serious?''

''But Prof? I'm serious don't you see?''

''Pffft! Hahahahahaha! Ang bading mo pre hahahaha!'' Hanla, ayan na't tumawa na si Sam. Kanina pa kasi yang tahimik lang. Pero chismoso yan.

''Stupid talaga!'' Maarteng sabi ni Cielo. Haha napapagtulungan na naman ang kawawang si Kyle.

''Hoy kayo, kaibigan nya ako kaya nagtatampo ako sa kanya masama ba yun? At ikaw Cielo, you don't have the right to laugh because you don't belong to us''

''Me? Belong to you? Eew asa ka! Kung sa kanila pa papatusin ko but kasama ka? Duh! Never yaack!'' Makaasar talaga itong si Cielo malala pa sa amin ni Sam.

''Guys enough. Okay Mr. Reyes if you don't have nothing important to say just shut your mouth and listen.'' 

''Rinig mo ba yun bakla? Baka naman gusto mong tagalugin ko? Hahaha!'' Luka-luka din itong si Cielo e.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon