Chapter 29

177 4 0
                                    

[ EARTH'S POV ]

04:39 am

Nagising ako nang ganito kaaga. Di dahil sa ingay sa labas, lakas nang ulan at kung ano pa man. Nagising ako dahil sa pakiramdam na may nag-aabang sa akin mula sa di ko matukoy na lugar. Kinakabahan ako kahit hindi ko man isiping masama ang maaaring mangyari. Para bang sa pag-labas ko nang kwartong ito ay isang bangungot ang dadatnan ko.

Gising na ako pero di pa din ako bumabangon. Tiningnan ko ang katabi ko na komportableng natutulog. Ang ganda talaga nang mukha nya. Kung tutuusin nakilala ko sya as bad boy nang school pero di ko inaasahan na magbabago sya nang ganito. Naalala ko tuloy yung na-kwento ni Sam. Likas kay Jarred Chaix ang pagiging mabait, nagbago lamang ang lahat dahil sa kasunduan. Ako pa din pala ang dahilan. Sa akin nagsimula ang lahat-lahat. Bahagya akong umupo at tyaka hinalikan sya sa noo.

''I love you Jarred Chaix''

Bumangon na ako at nag-bihis. Dahil sa komportable naman syang natutulog minabuti ko na lamang na huwag na syang istorbohin pa.

Lumabas na ako nang kwarto. Madilim at tahimik ang lugar. May ilang basag na bote sa labas nang building na papasukan ko.

Nagderetso na ako sa unit ko. Kinuha ko yung susi sa bulsa nang short ko. Pero laking pagtataka ko nang hawakan ko ang door knob at nakabukas ito. Muli ko na namang naramdaman ang kaba sa aking dibdib. Sigurado akong hindi ko naiwanang nakabukas ang pintong ito.

Nilakasan ko na lamang ang aking loob at dahan-dahang tinungo ang loob nang kwarto. Pagkapasok ko, sinuri ko agad ang loob. Tila wala namang nagbago. Hanggang sa

Blaaaag

Napalingon ako sa lagabag nang pinto. Pag-harap ko bumungad agad sa akin ang nakakatakot na mukha ni Jacob.

''Jacob?'' Nagtataka kong tanong sa kanya. Pero hindi sya umimik. Narinig ko naman ang tunog nang pinto na nag-lock. Shit! Anong balak nyang gawin? Napansin ko ang unti-unti nyang pag-lapit. Kaya naman humahakbang ako paatras, palayo sa kanya. ''Jacob, kung ano man ang binabalak mong masama, nakikiusap ako na huwag mo nang ituloy'' Pagmamakaawa ko. Ramdam ko na ding pumatak na ang aking luha. Hindi ko sigurado pero dulot siguro ito nang sobrang takot. Anong gagawin ko?

Palapit lang sya nang palapit. Ang reaksyon nang kanyang mukha, hindi ko talaga maipaliwanag.

''Of all people, bakit sya pa?'' Relax lang ang pagkakatanong nya pero ramdam ko ang galit sa mga mata nya. Patuloy pa din ang kanyang paglapit kasabay nang patuloy na paglayo ko sa kanya.

''Ano bang pinagsasasabi mo ha? Lumabas ka na pakiusap''

''Paano kung sabihin kong AYOKO? Anong gagawin mo?''

''Sisigaw ako''

''Hahaha'' Tumigil sya sa paglakad. ''Sa tingin mo may makakarinig sa'yo dito?''

''Anong ibig mong sabihin? Jacob please, huwag mong gawin ang binabalak mo''

''Sound proof ang kwartong ito. Made for you. Kahit anong gawin mong pag-sigaw walang makakarinig sa'yo''

Nagsimula na naman syang lumapit. And this time nakapa ko na pader na ang likod ko. Shit! Wala na akong kawala. ''Naiinggit ako sa kanya EVE''

''Baliw'' Sigaw ko sa mukha nya at itinulak sya. Pero bukod sa isa syang lalaki, mas malakas sya sa inaasahan ko. Hinawakan nya ang magkabila kong braso at isinandal sa pader. Inilalapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

''Oo, baliw ako sa pag-mamahal sa'yo'' Mahina nyang sabi sa akin pero dinuraan ko sya na kinainis nya. Bahagya syang napaatras ''F*ck! You're insulting me'' Muli nya akong hinawakan sa braso at isinandal nang pabalibag sa pader. ''Ikaw, alam mo malapit na tayong ikasal pero hindi mo pa din matanggap. Lumalandi ka pa at sa kakambal ko pa'' Hinigpitan nya pang lalo ang pagkakahawak nya sa braso ko. Nasasaktan na ako promise. ''Pokpok ka ba? Akala mo ba wala akong alam sa lahat? Hmp. AKALA MO LANG YON MGA HAYOP'' Sigaw nya. Nangangatal na ako sa takot. ''Alam mo bang una palang kitang nakita minahal na kita?''

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon