Chapter 35

230 3 0
                                    

[ EARTH'S POV ]

Nakasampa na kami ngayon sa eroplano. Napapangiti na lang ako nang palihim tuwing mapapatingin ako sa kanya. Tulog na kasi sya ngayon.

Naaalala ko yung mga sinabi nya sa akin na isinigaw pa talaga nya.

Kita ko din kung paano sya namula at nahiya dahil sa mga sinabi nya.

Pero ang naramdaman ko ay yung tinatawag nilang kilig. Unang beses ko syang makitang naging ganun. Marinig mula sa kanya na nags-selos sya. Ang galing lang kasi. Yung tipong kapag nag-selos ang partner mo because of someone or kahit wala naman talagang dapat ipag-selos ay nags-selos pa din is amazing. Para sa akin kasi, kapag nags-selos ang partner mo it really means that he or she loves you so much. Ayaw nyang may makakaagaw sa'yo. Gusto nyang sya lang ang mahal mo. Oo, minsan nag-ging selfish ka but then, thinking about some situation normal yun kapag nag-mamahal. Bihira naman ang nagb-bigay. Ikaw ba kapag nagmahal ka kaya mo bang ipagmigay? Di ba mahirap gawin yun? So hoping na sa lahat nang partners nila ay seloso or selosa ay maintindihan nila ang tunay na dahilan.

Now that we're leaving Philippines, sana magtuloy-tuloy ang lahat. Sana ma-contact ko si Daddy. Gusto kong sabihin sa kanya lahat lahat nang mga ginagawa ni mommy sa akin.

Itutulog ko na lang muna ito.

Hinawakan ko ang kamay nya at sumandal na sa upuan. Ipinikit ko na din ang aking mga mata. Nasa Peru na kami kapag gising ko.

''I love you Jarred Chaix'' Mahina kong sabi.

[ JARRED CHAIX'S POV ]

Ramdam ko ang kanina pa nyang pag-tingin sa akin. Hahaha akala nya tulog ako ha. May I love you I love you pa sya. Akala nya siguro hindi ko dinig.

Mukha tuloy akong tanga sa pag ngiti-ngiti ko habang nakapikit at inaakala nang iba na tulog ako.

Sa kalagitnaan nang aking pagmumuni-muni bigla na lamang sumagi sa isip ko si Aling Cynthia. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa tunay nyang ina. Pero hindi ko din alam kung dapat ba o tama bang sa akin pa mag-mula ang lahat?

Baka kapag sinabi ko ay hindi ko mapigilan si Earth sa pag-uwi sa Pinas. Siguradong babalik sya para kay Aling Cynthia. Siguro, ililihim ko na lamang ito pansamantala.

After a long trip

After naming makababa nang eroplano syempre may jet log pa, so dumeretso na lang muna kami sa hotel na tutuluyan namin for tonight and tomorrow na lamang kami mag-hahanap nang permanente o pwede rin kahit mauupahang bahay lamang.

''Okay lang ba sa'yo dito?'' Tanong ko sa kanya after we arrived at the hotel. Pumasok na kami sa unit namin and ibinaba ang baggages. ''I'll just get some food stuffs outside. Wait me here'' Sabi ko sa kanya at tumango lamang sya.

After kong makabili ay umuwi na agad ako.

''Hey kain muna tayo. Late na din eh. Bukas, mag-hahanap na tayo nang matutuluyan. Don't worry may ipon ako para sa pags-simula natin'' Umupo kami sa kama nang mag-katabi at inaayos yung food. Actually, its just a bread and butter.

''Jarred Chaix, naniniwala ako na kaya natin lahat. Lalong-lalo na mag-kasama pa tayo.'' At nakita kong muli ang ngiti nyang pamatay. May lungkot pero alam mong panatag ang kanyang kalooban. Masaya ako ngayon kahit na alam ko na mahihirapan kami. Mahihirapan sya sa piling ko pero pinili pa din nya ako kaya't gagawin ko talaga ang lahat-lahat mapanindigan ko lamang na kaya ko syang ipagtanggol at buhayin.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

''Krung'' Banggit ko sa pangalan nya na ikinatawa naman nya.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon