Before I sleep last night kasama ko ang Stress, and hanggang ngayong pagka-gising ko si Stress na naman ang kasama ko. For goodness sake, ayoko nang masaktan.
''Malapit na tayo sa resort'' Sabi ni Stress. No need to ask who is that freakin' Stress because he is non other than Jacob. He is the biggest Stress that I faced. Hirap nga nyang alisin e. May pagkamakapal kasi ang kalyo nya sa mukha.
After that long road narating na din namin ang resort Dito sa Batangas na sinasabi nyang alternative daw nang camp. Bumaba na kami nang kotse and there nakita kong padating pa lamang ang mga kotse nina Jarred Chaix, Cielo, Sam and Kyle. Nang makarating na sila, agad namang inakbayan ako ni Jacob ngunit agad ko din naman itong inalis.
''Bakit mo ba tinatanggal?''
''I'm not comfortable''
''Wag kang magsimula dito EVE''
''So you shouldn't do that again'' Mariin kong sabi sa kanya. Nakita ko namang nagtatatakbo si Cielo papalapit sa amin.
''Friend, its so nice here. Sana nga lang mag-enjoy tayo'' Masaya yung bati nya sa akin then biglang lumungkot? Oh I think I know what she means.
''For sure mage-enjoy kayo dahil maganda ang resort na'to'' Paliwanag ni Jacob.
''Well, if that's the case, pipilitin na lang namin haha''
''Why?'' Nagtatakang tanong ni Jacob. Seriously, hindi ba nya napapansing ayaw sa kanya nang mga kaibigan ko?
''Hey guys what's up? Saan ang kwarto ko?'' Si Kyle yan. Actually, bitch na bitch nga ang dating nya, what I mean is beach. Kasi naman maka-floral shirt sya grabe, and yung shades nya? Sige na nga hahayaan ko na muna syang ganyan. Bitch eh. I mean nasa beach kami e.
''You're so baduy Kyle, Eew!'' Si Cielo talaga. ''Palitan mo nga yang Floral shirt mo that is so so so much wala sa trend.''
''Nakakapogi kaya yan, o nasaan BAGA ang kwarto ko?''
''Taga dito ka pre?'' Nandito na pala si Sam. Si Jarred Chaix bakit hindi pa sya lumalapit dito?
''O bakit? Uy yung kwarto ko aaak''
''Shut up nga Kyle pwedeng hintayin muna natin si JC?''
''Kupad kasi''
''Ano?''
''Wala akong sinasabi ah''
''Hey guys relax lang. . We're here to unwind and make everything clear for every each of us''
''What do you mean huh?'' Tanong ni Cielo.
''Haha! Never mind'' Jacob.
Ilang minuto pa't dumating na si Jarred Chaix.
''O pre ba't ang tagal mo sa kotse mo?'' Kyle
''Inayos ko lang yung upuan sa loob'' Tiningnan naman nya ako nang di ko maintindihan kung ano ang gusto nyang iparating. Pinilit ko iyong intindihin pero wala e. I don't get it.
''Ah sige, uy tara na dalhin nyo na ako sa kwarto ko.''
''Guys tara, sunod na lang kayo sa akin'' Sabi ni Jacob. Nauna syang maglakad dala-dala yung maleta ko at sa kanya. Nagdahan-dahan naman akong maglakad para makasabay ako sa kanila.
''Uy nasabi mo na ba?'' Bulong ni Cielo.
''Kumukuha pa ako nang tyempo''
''Ay sus Maria! Kailan pa yang tyempong 'yan?''
BINABASA MO ANG
After Promises
Teen FictionThis story has no summary yet. FOLLOW ME ON YOUR WATTPAD ACCOUNT Just open, add to your reading list, read, comment, vote, and share. Hindi ito horror yan lang ang tinitiyak ko sa inyo hahahaha. At dahil Untitled Story ito, sa mga susubaybay magco...