Chapter 11

273 6 0
                                    

[ JARRED CHAIX'S POV ]

Its already Saturday. Medyo maganda ang gising ko. 11:00 am na at gutom na nga ako and kung itatanong nyo kung anong nangyari after kong magwalk-out isa lang ang sagot ko dyan and I know na may idea na kayo. Well, isa lang naman ang pupuntahan ko at yun ay ang club. Madaling araw na kami nakauwi.

Nang makababa ako nang kitchen para sana kumaen may biglang lumapit sa akin and. . . .

''Anak, I miss you so much!'' At niyapos ako ni mama. Pero agad naman syang kumalas sa pagkakayakap nya. Nakita ko naman si Jacob na ngumiti sa akin pero ako nanatiling walang reaction. Ngayon agad ang dating nila? Hindi ko man lamang nalaman. Ang tanga ko, hindi agad ako nakaalis nang bahay. Tsk. ''Kamusta ka na anak, alam mo madami kaming pasalubong sa'yo nang kapatid mo at sana magustuhan mo''

''Excuse me'' Pero nilayasan ko lang sya. Naiinis talaga ako. Feeling ba nya na maaalis nang materyal na bagay ang galit na nararamdaman ko sa kanya? Sa kanilang lahat? Well, sorry to say pero hindi yun ganun kadali. It's easy to believe in yourself that you have already forgiven someone but its really hard to forget when the damage is already done.

''Anak, gusto mo bang sumama mamayang 4:00 pm? Pupuntahan namin ang family friend natin.'' Pero di ko na sya pinakinggan pa. Wala akong pakialam kung saan mang impyerno ang pupuntahan nila. Magsama pa sila wala akong pake.

Nag-akyat ulit ako sa kwarto at nagsimulang mag-impake wala man akong mapuntahan ayos lang wag lang ang tumira sa iisang bahay kasama sila mga PLASTIC. Inaayos ko na ang mga gamit ko. Medyo may karamihan din ang mga damit ko pero ang mga bago lang muna ang dadalhin ko. Matapos akong makapag-impake bumaba na agad ako.

''Jarred anak, para saan ang maletang yan?'' Nagtatakang tanong ni mama. Pero di ko sya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. ''Anak, kausapin mo naman ako. May problema ka ba sa akin?'' Huminto ako sa paglalakad. Naghintay pa nang ilang minuto.

''Sana naisip mo ang sagot bago mo itanong yan sa akin'' At nagpatuloy na ako sa paglalakad kaya lang may humigit nang damit ko at sinuntok ang mukha ko na ikinalaglag nang mga hawak kong maleta.

''Jacob tama na'' Awat ni mama.

''Ma, binabastos ka nyan tapos ipagtatanggol mo pa?'' Sigaw ni Jacob. Sya si Jacob Charlx Miguel ang certified twin brother ko. Magkalayo kami nang ugali. Kung sya desente manamit ako naman parang emo na rocker. Laging black ang theme nang gamit ko. Black kasi sa tingin ko yun ang kulay nang buhay ko. Walang kahit gatiting na liwanag akong makita.

''Anak, Jacob hayaan mong ako ang kumausap sa kapatid mo'' Lumapit si mama sa akin. ''Anak, ano bang problema mo sa akin ha?''

Nagsmirked ako ''Problema? Hindi ba problema ang ipakasal ako sa taong di ko kilala? How pathetic idea''

''I'm sorry anak, patawarin mo sana ako''

''I am sorry but I don't know how'' At naglakad na ako palayo. I know nasaktan si mama sa mga sinabi ko sa kanya pero nasasaktan din naman ako. Sana man lamang kasi e naisip din nya na pwede akong magdusa sa desisyon na ginawa nya. Nasa kotse na ako pero rinig ko ang iyak ni mama. I'm sorry pero kayo po ang gumawa nang paghihiwalay nating mag-ina.

Tinawagan ko agad yung dalwang surot at sinabi ko na kung pwedeng maki stay-in muna sa kanila kahit ilang araw lang and okay lang daw sa kanila tutal daw wala naman silang kasama sa condos nila. Yun nga lamang iisa ang kwarto at busy pag gabi kaya sala lamang ang available kong tutulugan pag gabi. Okay na din yun para sa akin at least malayo sa sakit nang ulo. Ilang saglit lamang may nagtext sa akin at inihinto ko ang kotse and tiningnan ang phone.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon