Chapter 17

247 5 0
                                    

[ JACOB CHARLX'S POV ]

''Just wait for a while at dadating na din sya'' Yan ang kanina pang sinasabi sa akin ni Tita Emeth. Kanina pang awasan ang high school pero wala pa din si EVE dito. Excited na talaga akong makita sya nang personal. Yung malapitan ba? Kasi nung nakita ko sya, mabilis lang iyon. Gusto ko syang makita nang malapitan, gusto kong malaman ang lahat-lahat sa kanya. I want her to fall for me. Ayokong makasal ng walang love. I want a marriage with love, trust, loyalty, and sincerity. Gagawin ko ang lahat para mangyari yun bago pa man kami maikasal. Medyo dilim na pero wala pa din sya. Bakas sa mga mata ni Tita Emeth ang galit.

''Excuse me Tita'' Nagexcuse ako para tawagan sandali si Jarred. Sasabihin kona umuwi na sya sa bahay. Actually, walang araw na hindi ko sya kinukumbinsing umuwi. Yun lang kasi ang magagawa ko para mapasaya ko naman si mama. Twing yun ang sasabihin ko kay Jarred mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iba nang mood nya. At saulado ko na nga ang kanyang mga reklamo tulad nang. . . ''Hoy Jacob wala akong balak bumalik sa bahay na iyon'' ''Pwede bang tigilan mo na ang pangungulit? Iritang-irita na ako'' At ito pang isa ''Please, patahimikin mo naman ang gabi ko pwede?'' Haha! At tulad nang aking inaasahan, yun nga ang kanyang mga sinabi. Napansin kong may dumating na kotse sa labas kaya ibinaba ko na agad ang phone. Nandyan na siguro si EVE.

''Ang tigas talaga nang ugali. Manang-mana sa nanay nyang basahan'' Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Mahina lang iyon ngunit rinig na rinig ko nang malinaw ang bawat salitang binitawan nya. Bakit naman kaya masasabi ni Tita Emeth ang mga ganung bagay? Tumayo si Tita Emeth at ganun na din ang ginawa ko. Ilang sandali ang hinintay namin at may pumasok na parang ibang tao? Parang hindi sya yung nakita ko. Napakunot ang noo ko. Napansin ko naman na napatingin sya sa akin at doon nagkasalubong ang aming mga tingin. Agad naman nyang bawi nang tingin. Ibang-iba ang babaing ito. Sino ba sya? O sino ang nakita ko dati? Nabuhay ang ulirat ko nang may narinig akong nagtaas nang boses. Si Tita Emeth.

''EVE! I know what you're doing. You should stop that before anything may happen, prioritize your responsibility'' So sya talaga si EVE. Nalilito na ako. Anong itsura ba ang dapat kong paniwalaan? ''Starting tomorrow, Jacob will take charge of you'' Biglang umangat ang kanyang nakatungong ulo at halata sa kanya ang pagkabigla at pagkadismaya.

''No! Ayoko!''

''Do what I said Jacob'' And then she leaves without saying good bye. Sa bagay magsabi man sya nun may good nga ba sa mga nangyari? Hay. Tumalikod naman agad si EVE at akmang aalis na sya pero nagawa ko syang hawakan sa braso.

''Wait'' Isang salita lamang ang nasabi ko. Natatakot kasi ako. Nakakatakot ang mommy nya at hindi malayong magkaugali din sila. Lumingon sya pero kalahating bahagi lamang nang kanyang mukha ang kita.

''What?''

''Don't worry I'll take care of you'' Wala syang kibo kung hindi ay isang salita lamang ang kanyang ibinigay.!

''Okay'' At pinakawalan ko na ang kanyang braso. Grabe pala sya, parang walang emosyon.

Nakauwi na ako sa bahay ngayon at nakikita ko pa rin sa isip ko ang kanyang mukha. Pagpasok pa lamang nya kanina, parang na syang patay na ni anino nang guhit sa mukha ay wala. Poker face siguro ang eksaktong word sa kanyang reaksyong walang reaksyon. Ang gulo di ba? Pero di nga? Parang malungkot sya sa nakita ko at sa paraan at tono nang kanyang pananalita. Hay, hindi yata kayang makipagusap at tumagal sa isang tulad nya.

Kinabukasan

Maaga akong pumuntang San Pablo para lamang sunduin si EVE. Actually, hindi pa naman kami matatawag na magfiance' dahil sa wala pang formal engagement na nangyayari. By December pa daw ang engagement. Yan ay base sa mga naririnig ko. Grabe pala ang sasapitin ko dito. Magb-back and fort ako from Manila to San Pablo then to Manila again. Hassle. Next week pa kasi ako makakalipat sa San Pablo. May ibinigay na maliit na bahay si Tita Emeth para matirhan ko habang hindi pa kami naikakasal nang kanyang anak. Mabuti na din yun kaysa magpabalik-balik ako. Kasi naman dinaig ko pa si San Goku, sya kailangan pang gumamit nang teleportation ako parang ginawa lang walking distance ang Manila and San Pablo.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon