Chapter 9

253 7 0
                                    

Nakakapanibago ang umaga ko, walang sumasalubong sa akin dito sa parking lot at magsasabing ''Good morning Jarred Chaix! Kamusta ka kahapon? E yung tulog mo maayos ba? E maaayos din ba ang gising mo? Kumaen ka na ba?'' Mga tanong na kinaiinisan ko and at the same time kinasanayan ko mula sa isang tao. Alam ko naman na nandyan na sya pero bakit di ko pa sya nakikita? Naglalakad na ako ngayon papuntang building and as usual, madami na namang nagtitinginan sa akin. At heto pa, may humarang sa akin na isang college girl at binibigyan ako nang card I mean love letter. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ko sya pero nakatayo lang sya at nakatungo. Tuwid na tuwid yung mga braso nya kaya naman kinuha ko yung mga love letters. Hindi lang pala iisa. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dinig ko ang pag-uusap nang mga estudyante. Isinigaw pa nilang ''Salamat at tinanggap mo JC!'' Psh nakakainis. Wala na ba silang alam gawin kundi ang magpapansin lang nang magpapansin sa akin? Nakakita ako nang trash can at doon ay itinapon ko ang mga basurang ibinigay nila. Nadinig ko naman ang mga reaction nila na tila na-disappoint.

Sa paglalakad ko di ko alam kung bakit napadpad ang mga paa ko sa building nang high school. Nakakainis ah. Napansin ko na padating na si Krung-Krung pero nang mapatingin sya sa akin bigla syang tumungo at lumihis ng daan? Teka, iniiwasan ba nya ako?

''Pumayag ka na. Sa Saturday, 2:00 pm sa gitna nang school. Pangako yun na ang magiging huli''

Naalala ko na naman ang sinabi nya kahapon. Ito ba ang ibig nyang sabihin? So iiwasan na nya ako? Tapos gusto nyang maki-pagdate sa akin? Nakikipaglokohan yata sya e. So kung yan ang gusto nya, gagawin ko din ang gusto ko at ang gusto ko hindi ako papayag sa gusto nyang date.

Time passed pero wala ako sa mood na makinig sa mga professors at kahit sa mga kwento nina Kyle at Sam na never nagkaroon nang sense.

After class nakita ko na naman sya. Alam ko na nakita nya ako pero umiwas na naman sya. Ano ba talaga ang problema nya sa akin? Nasaktan ba sya sa mga sinabi ko? Pero parang nag-iba na talaga sya. Parang 4 days ko pa lamang syang hindi nakakasama nang matino ganito na agad sya? Palabas na sya nang school campus kaya napagpasyahan ko na lang na sundan sya. Bakit parang may tinataguan sya? Feeling k-kidnapin? Nagtatakbo sya bigla na parang may humahabol. Kaya ako bilang pagsunod ko sa kanya nagtatakbo na din ako. Hanggang sa napagod ako at huminto muna. Sa pagtigil ko may mga tumatakbo din na mga naka-suits. Papunta sila sa nilikuang eskinita ni Krung-Krung. Nang makita ko ang isa sa kanila, parang familiar e. Sila ulit? Bakit ba nila laging sinusundan si Krung-Krung?

Hindi muna ako sumunod sa kanila. Alam ko na dead end na sa lugar na'yon. Ilang saglit pa lamang naglabasan na yung mga lalaki kanina. Pag-alis nila pinuntahan ko agad yung eskinita para tingnan kung anong nangyari kay Krung-Krung. Pagdating ko ay wala akong nakita. Niliban ko yung pader at doon nakita ko syang nagtatatakbo. Agad ko itong tinalon at hinabol sya. Napansin ko na tumigil sya sa isang lugar na may street foods? Tinitingnan ko sya nang lumapit sya sa isang cart. Ganyan na ba talaga sya katipid? Pati yung mga ganung pagkain pinapatulan nya? Ang alam ko kasi hindi ligtas ang ganoong klaseng pagkain

''Ahm Jarred Chaix, alam mo bang may masarap daw na turo-turo dun sa labas nitong school? Tara mamayang pag-awas''

Naalala ko tuloy yung sinabi nya dati. Mukhang ito yung sinasabi nyang lugar sa labas nang school. Pero parang lagi syang nandito. Matagal ko din syang pinagmasdan at sa tingin ko madami na syang nakain. Grabe pala ang katakawan nya. Ilang saglit pa at natapos din sya at nagbayad sa tindera at tila nagpasalamat gamit ang pagyuko. Korean ba sya? Pero sabagay, mukha syang korean. Pag-alis nya sinundan ko ulit sya pero pagdating ko sa nilikuan nya wala na sya. Ba't ba ang bilis nyang mawala sa paningin ko at mabilis din namang sumulpot kung saan-saan? Muli akong naglakad pero pabalik sa lugar kung saan kumain si Krung-Krung. Nasa harap na ako nitong Cart at nginitian ako nang tindera.

After PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon