- DONTHY -
Matapos kong ihatid si kiera sa bahay nila ay dumiretso na ako sa pinag tatrabahuan ko, sa isang pastry shop. Nag aasikaso na ako para sa pagsara ng makatanggap ako ng madaming messages from cassey, na dead bat. kasi ang phone ko kanina kaya naki charge muna ako at kaka open ko pa lang ngayon.
Dahil sa dami ng text niya, nagsara na muna ako ng shop at hindi ko muna ito binasa. Matapos ang lahat at nasigurado ko nang okay na at nailock ko na ang pintuan ay sumakay na ako sa motor ko.
Nakalimutan ko na rin na basahin yung messages ni cassey, mamaya na lang pag uwi sa bahay. It took me 20 mins. bago makarating sa dorm. Hindi pa nga ako nakakababa ay tumatawag na naman si cassey - iba kasi ang ringing tone ko for her kaya alam ko kaagad na siya ang tumatawag. Sinagot ko ito.
'' hello ''
'' matagal ka pa? ''
'' nandito na ako sa baba ng dorm bakit? '
'' anong bakit? nagsend kaya ako sayo ng messages hindi mo binasa? ''
Napakamot ako sa ulo, nakaupo pa rin ako sa motor.
'' ahm hindi pa eh mamaya kapag umakyat na ako, na dead bat kasi phone ko at nung pinag open ko naman nagsasara ako ng shop then nagdrive na ako '' paliwanag ko, narinig ko siyang nag buntong hininga.
'' okay halika na akyat ka na dito '' sabay patay nito.
hah? dito??
Dali dali akong pumanhik sa hagdanan at nakita ko nga pag susi ko sa pintuan na nasa loob na si cassey. Binigyan ko kasi siya ng susi at sabi niya dapat may susi ako dito sa dorm mo. Kaya hayun kinaumagahan din ng araw na yun ay nagpaduplicate ako para sa kanya.
Nakaupo ito sa sofa at nakataasan ang mga paa. Pag pasok ko ay agad itong ngumiti.
'' donts mabuti nandito ka na, halika kain ka na '' tinuro niya yung dala niyang take out from Signature Montmartre, somewhat like noodles pero mas maninipis ang hibla nito.
Isinara ko ang pintuan at lumapit sa kanya.
'' anong ginagawa mo dito? ''
'' ahm makikitulog ''
'' makikitulog? may bahay ka naman ah ''
'' eee donthy naman, wala nga sila dad sawang sawa na ako sa mukha ng mga maids namin '' arte nito.
'' eh ba't sa mukha ko hindi ka nasasawa? '' Nagsimula na akong kumain ng dala ni cassey.
'' hindi '' nakisubo na rin ito sa akin, takaw!
'' bakit ikaw nagsasawa ka na ba sa akin?? ''
'' h..ha?? ahm no comment '' ngumiti ako, at isang batok ang napala ko.
'' ano ba cassey kapag ang utak ko naapektuhan tingnan mo baka makalimutan kita '' biro ko pero masakit talaga ang pagka batok niya.
'' hmmmm kalimutan mo ng lahat huwag lang ako '' balik nito sa akin, napailing lang ako kahit kailan talaga itong si cassandra napaka ewan.
'' donts... '' palambing boses effect ito, alam ko na ang kasunod nito. May itatanong kaya makiki sleep over na rin.
'' anong itatanong mo? '' direkta kong pakasabi pagkasubo.
Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
'' bakit sumabay sayo si kirara? ''
'' hah? sinong kirara???? '' taka ko naman. Wala naman akong kilalang kirara eh.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomantikSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...