Chapter 29 - Sweetness Overload

7.9K 174 28
                                    

- CASSANDRA -

Laking pasasalamat ko talaga kay ate kc at sa tatlong kumag na yun na nakausap ko sa bar, because of them ay tuluyan ko ng napagtanto na I'm really inlove with my bestfriend. Siguro nga matagal ko na syang minamahal at hindi ko lang ito pinapansin dahil ang buong akala ko we're just bestfriends but now I'm really sure that I love her so much.

Halos hindi ko na rin kasi mapigil ang sarili ko na pagmasdan ito at tuwing nagtatama ang mata namin ay kumakabog ang dibdib ko, yung tipong parang sumisigaw at sumasayaw ito sa sobrang saya..

OMG I'M INLOVE!!!!!😍😍😍

'' goodmorning everybody, it's a brand new day! '' pasigaw kong pagbati sa mga kaibigan ko. Ang laki rin ng ngiti ko, ang saya kasi talaga ng araw ko.

Magkasabay kaming pumasok ni donthy sa Uni.

Wala naman akong natanggap na sagot kahit isa dun sa tatlo, ang mga mata kasi nila ay nakatitig sa magkarugtong na mga kamay namin ni donthy.

Alam ko na gusto nilang magtanong, nababasa ko kasi sa reaksyon ng kanilang mukha pero nanatili silang tahimik at tumango lang sa aming dalawa. Sinilip pa ni Fe ang tagiliran ni donthy para siguraduhin na bag ko yung  bitbit nito.

'' Ahm oo bag ko yan, si baby kasi eeee siya na raw ang magdadala '' parang kinikiliti kong sabi.

Sabay sabay namang napalunok ng laway yung tatlo at halos hindi na kumurap pa ang kanilang mga mata.

'' b...ba..by??? '' yung tatlo.

Umirap ako ang oa naman kasi ng reaksyon nila.

Itinaas ko ang magkadikitan naming kamay ni donthy at ipinakita ang singsing na binili ko sa jewerly shop ni auntie. Ang mahal nga ng bili ko eh pero deadma na at para sa kanya naman.

Ayieee!!

'' k..kasal na kayo!???? '' yung tatlo ulit. Napairap na naman lang ako, yung isa naman ay tatawa tawa lang.

'' not yet pero this is a sign na may nagmamay ari na sa baby ko '' sweet kong sagot sabay tingin sa girlfriend ko na ang lagkit lagkit na kung makatitig sa akin. Inilagi ko rin yung ulo ko sa balikat niya.

'' sinasabi ko na nga ba eh, inlove ka talaga noon pa kay donthy, kaya grabe ka kung maka gwardya sa mga manliligaw nito, tinalo mo pa ang mga sundalo sa monumento ni rizal at ang mga kawal na nagbabantay sa lagusan ng kaharian '' panunukso ni fe.

'' korek at kaya ayaw niya rin purmahan ko kahit dati pa si donthy... asus!! BESTFRIEND DAW!!! AYAN NA BESTFRIEND NA TALAGA '' dagdag pa ni alma na halos masakit na kung makakurot sa tagiliran ko.

Hinayaan ko lang ito, but the time alma went to the side of donthy ay agad ko itong hinila.

'' lalapit pa eh!!!! '' asik ko kay alma. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa braso ng baby ko.

'' aaaayyy graaaabe iba na!!!!! '' si alma tawa tawang nakatitig sa akin. Inirapan ko lang naman ito at tumitig sa nanahimik na si donthy.

'' baby why you're so tahimik??? '' lambing ko dito.

Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang tatlo na halos kaputian na lang sa kanilang mga mata ang mapapansin mo sa sobrang pag irap na ginawa.

Mga bwisit nga rin naman talaga.

'' hindi naman ako tahimik m..mahal eh '' biglang namula si donthy sabay hawak sa batok nito.

mahal daw!! ayyyy.... puso puso na naman ang mga mata ko!!! sheeeettt!!!

Napakagat tuloy ako sa pang ibaba kong labi para pilit pang maitago ang aking pagngiti. Pero hindi ito pinalagpas ng mga kaibigan ko.

'' hay naku wala na uwian na may nanalo na, grabe ang Sweeetneesss!!!!!! '' si fe....

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon