- DONTHY -
Two days akong nag stay sa bahay nila kiera. Ginawa ko ito hindi lang sa kadahilanang ako'y nakokonsensya sa ipinangako ko sakanya na hindi ko na matutupad pa kailanman, kundi dahil na rin na miss ko sila tito at tita. Naging malapit rin naman kasi sila sa akin simula nung bata pa ako. Isa sila sa mga ilan sa mabubuting tao na aking nakilala.
Nagpapasalamat rin ako kay kiera dahil naging mabuti pa rin itong kaibigan sakin kahit na ganito nga ang nangyari, wala eh si cassey ang itinitibok ng puso ko from the very beginning I saw her panting at the door, may iba na akong naramdaman sa kanya.
And speaking of her, namiss ko siya bigla. Hindi pa naman kami magkaayos, nagtampo pa kasi ako e at nagselos. Hay naku, ang ganda ganda naman kasi nito kahit sino siguro mahuhumaling sa kanya.
Mga intrimitidong lalaki, hmp!
Binabaybay ko na ang daan pauwi ng mapansin ko na may nangyaring aksidente. Marami kasing mga pulis dito, yung kotse ay bumangga sa isang puno. Mukhang hindi naman grabe ang pinsala pero sana naging maayos ang nagmamaneho nito. Kawawa naman kasi kung matutulad siya or sila sa akin na walang maalala, ang hirap kaya. Kahit anong pilit mo talagang blangko ang utak mo.
I accelerated the engine of my car. Binagalan ko kasi kanina para tingnan yung aksidente.
Mag aalas otso na ng gabi ng makarating na ako sa bahay. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay kaagad hinanap ng aking mga mata si cassandra. Nang hindi ko ito nakita ay umakyat ako ng diretso sa kwarto. Baka kasi nag alala din yun 'coz I didn't texted her kung nasaan ako, pamilya ko lang talaga sinabihan ko at monitored nila ako every now and then.
I opened my bedroom door, lumiko ako pakaliwa para dumiretso sa annex door ng mga kwarto namin. I softly knocked, walang sumasagot, so kumatok ako ulit. Nung wala pa rin ay tinawag ko na ang pangalan niya.
'' cassey? '' nilakasan ko na ang boses ko para siguradong marinig niya ito, pero wala pa rin.
San kaya yun pumunta?
Lalabas na sana ako ng kwarto ng may mapansin akong kakaiba sa bedside table. Lumapit ako at tumambad sa akin ang isang lalagyan ng pabango. Kinuha ko ito at inamoy.
Ang bango naman nito, eksakto sa mga tipo ko. Napangiti pa ako ng mapansin ko na may note itong kasama saying...
The most wonderful fragrance for the most wonderful person alive.
Ang corny naman ng note pero ang sweet at lalo pang lumapad ang aking ngiti na umabot na sa aking tenga ng makita ko ang cash sa gilid. Napailing na lang ako ng aking ulo at inilapag muli ang pabango.
Si cassey talaga.
Napakagat pa ako sa lower lip ko at agad ng lumabas ng kwarto para hanapin ang bestfriend ko na lihim kong iniibig.
'' manang si cassey po? '' tanong ko sa isa sa mga katulong namin sa bahay.
'' seniorita umalis po kanina pang 6pm ''
'' san po kaya pumunta? may nasabi po ba siya? ''
Nag isip panandalian si manang.
'' sabi niya po pupuntahan daw po kayo sa bahay ni mam kiera, ginamit niya pa nga po yung kotse ni seniorita danika ''
Bigla akong kinutuban ng masama.
kung kanina pang 6pm dapat ay nagpang abot kmi ni cassey, pero bakit???
Napahawak ako sa baba ko.
Teka! ahmmm
'' manang sigurado po ba kayo na kina kiera ang punta ni cassey? '' Pagkukumpirma ko.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...