Chapter 24 - I hate love

6.7K 157 22
                                    

- DONTHY -

Sabi ni danika sa akin hayaan ko raw magpaliwanag si cassandra, hindi ko naman daw alam ang totoong nangyari. Bestfriend ko raw siya so dapat mas kilala ko yung tao more than anyone else.

Nakwento ko kasi sakanila yung nangyari kanina sa University. Pero ano pa naman ang sasabihin ko?? Kahit nakakaramdam naman ako ng galit hindi mawawala ang care ko sakanya, kaya kahit gusto niyang makipag usap mas pinili kong wag na lang, baka kasi ano pang masabi ko and I don't want to see her crying. But we both cried at ang sakit sakit para sa akin na umiyak siya mismo sa harapan ko.

Matapos ang pag uusap namin ni danika ay naupo muna ako sa sofa, nag muni muni, nag iisip kung anong gagawin ko. All my thoughts were blurry pwera lang sa isa, na I am really giving up hahayaan ko na si Cassey. Alam ko na mamimiss ko siya ng sobra sobra pero this time sarili ko naman ang iisipin ko.

Sarili ko naman.

- CASSANDRA -

Iniiwasan ako ni donthy, ilang beses ko na siyang nilapitan at ilang beses niya ba akong nilayuan? maraming beses na. Yung isang araw naging dalawa at ngayon dalawang linggo na. Namimiss ko na si donthy, miss na miss ko na talaga siya.

I'm not a hypocrite para hindi sabihin na oras oras, minuto at segu- segundo ay hinihintay ko ang pag tawag niya o kahit message man lang. Kung dati rati excited ako palaging pumasok sa subjects na nakasama siya ngayon parang naiilang na ako, pasulyap sulyap na lang ako sa taong dati rati ay niyayakap at hinahalikan ko, sa taong ka buddy ko, sa taong alam ko na kasangga ko hanggang sa huli.....pero wala na bang huli??? hanggang dito na lang ba ang pagkakaibigan namin?

Sa dami at lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na tumulo na ang mga luha ko. Agad agad ko itong pinunasan, pero bakit mas lalo silang dumadadi???

ano ba naman yan.

Kinuha ko ang panyo ko sa bag at marahas kong pinunasan ang parang ngayon ay talon na sa dami.

'' s..sir can I go to the bathroom?? '' paalam ko sa prof. namin. Nakakahiya kasi baka maraming makakita sa pagdadrama ko.

Hindi pa man lang ito nakakasagot ay tumayo na ako at lumabas ng classroom. Dumiretso ako sa banyo and wash my face, sa wakas natabunan na ng totoong tubig ang maaalat kong luha.

Inihawak ko ang dalawa kong kamay sa lababo at tumitig sa salamin. Parang ibang tao na ang nakikita ko at hindi na yung dating ako, grabe ang idinulot sa akin ni donthy ganun kasi talaga ako kaapektado sa mga nangyayari sa amin. And I am missing her so bad.

- DONTHY -

I saw her walked out from the classroom, yung two weeks na hindi namin pag uusap ay napaka hirap para sa akin. There were times na gusto ko na siyang yakapin. She tried to talk to me pero ayaw ko, dahil for sure yung pader na ginagawa ko para sa sarili kong proteksyon ay agad agad magigiba when we talk again at ayaw ko ng mag back to zero. Ayaw ko ng umasa eh.

Kahit mga kaibigan ko pinipilit akong kausapin si cassey, kung gusto ko na raw talaga makawala sa sakit na nararamdaman ko then make a closure with her, or magtapat na ako then say my goodbye. May point naman sila pero hindi ko pa alam ang sasabihin ko o kaya ko na bang pagkatiwalaan ang sarili ko kapag nakaharap ko na si cassandra. Matagal ko siyang minahal and I don't think saying goodbye to her would be easy like counting 1 2 3.

- CASSANDRA -

'' cassandra okay ka lang ba? ''

Lumingon ako sa direksyon ng nagmamay ari ng boses - si alma kasama si Nora at Fe. Sinundan pala nila ako matapos kong lumabas ng classroom.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon