Chapter 21- Stood up

5.9K 178 51
                                    

- DONTHY -

Lumipas na ang ilang buwan at umaasa pa rin ako na magkahiwalay na sana sina Cassey at Jacob pero ang nangyari ay ang kabaliktaran. They become so much closer than before at masyado ng PDA na halos nakakasuka ng pagmasdan sa katulad kong taga masid lang at lihim na umiibig sa taong hindi ito kayang masuklian.

I never thought na mas mahirap kalabanin si jacob, pero hindi ko naman nga masisisi si cassey napaka sweet naman talaga nitong tao at napaka bait pa. At nakikita ko rin na mahal na mahal niya itong isa.

Yun nga lang ako na naman ang tampulan ng tukso ng mga kaibigan ko. We seldom go out na rin kasi, palagi na lang silang dalawa ni jacob. Kahit nga pagtawag ko sakanya ng kabit hindi ko na magawa dahil mukhang mas bagay na yun sa akin eh. tsk!

Ang saklap naman ng fate ko, puro word na Asa na lang ang ginagawa ko. Asa, nakaw tingin tapos asa ulit. May sakit na nga ata ako sa puso eh pero mali wala na nga pala akong puso. It was destroyed for the nth time, di ko na mabilang sa dami na ng sakit na naramdaman ko.

Kailangan ko na bang sumuko??? napapagod na rin kasi ako, ang hirap na, ang hirap hirap na.

One sided love was the worst thing I've done but loving her was the greatest.

Hay ano ba yan nakakalito na talaga. Pero pagod na talaga ako. I'm so tired and wasted. I have to do this later. I need to para naman masalba ko pa ang sarili ko kahit papano.

'' Siguro naman this time magkakaroon na siya ng time for me, total birthday ko naman eh '' bulong ko sa sarili ko.

Yep birthday ko ngayon and every year hindi ko nakakasama ang family ko, kahit kasi gustuhin nila makapunta dito hindi rin nila magawa dahil sa madaming inaasikaso sa kompanya at ako naman hindi rin nakakauwi dahil sa school and work. Kaya si Cassandra lang ang kasama ko, from the day we became best of friends siya na yung palaging nandyan for me.

So eto na nga nagready na ako dito sa favorite place namin, sa isang maliit na restaurant dito lang malapit sa dorm. Eto yung lugar na nagbibigay sa amin ng saya kahit pa masyado kaming down at may problema, isang upo lang sa lugar na ito parang magic na naglalaho ang lahat, di ko rin mapaliwanag pero I know that there's something special sa lugar na ito.

I asked the owner to reserve the place only for us syempre para kami lang ni cassey diba, ngayon na nga lang kami magkakasama ulit eh, ayaw ko namang may istorbo pa sa amin.

I texted her na sabi ko nandito na ako sa place at hinihintay ko na siya she told me na okay daw pupunta na rin daw siya. So I waited for her. Hindi ko na nga mapigil ang pagngiti ko, kasi naman for me just a day with her is more than enough para dun sa mga araw na hindi kami halos nagkakasama at nagkikita dahil sa family and kay jacob.

Tumayo muna ako at naglakad lakad, inayos ko ulit yung arrangement ng food at nung iba pa kahit kakaayos ko pa lang a moment ago. Pati yung decoration ni Edith yung anak nung may ari nitong lugar ay inayos ko rin ulit. And when I am finally sure and satisfied saka lang ako tumigil at muling umupo.

Tiningnan ko ang oras sa aking relo mag a-alas onse na pala ng gabi? ang bilis naman ng oras pero wala pa si cassey, napano kaya yun? nag alala tuloy ako bigla.

I dialled her number  nag ri-ring lang ito kaya mas lalo akong kinabahan. I texted her pero di rin nagreply kaya tinawagan ko ulit pero wala talaga. Nag iisip ako ng malalim ng lumapit sa akin si Edith.

'' donthy darating pa ba si cassandra, alam mo na magsasara na kami '' nahihiya pa nitong turan sa akin.

'' ahm darating yun alam mo naman diba na dito kami na celebrate ng birthday ko. ''  tumango ito.

'' sige hintayin pa natin siya ''

'' salamat edith ha '' ngumiti ako ng tipid, pero deep inside grabe na talaga ang pag aalala ko hindi naman ganito si cassey never yun na late kahit gaano pa siya kabusy. I'm her priority especially kapag birthday ko dahil alam niya na wala akong nakakasama. Kaya nakakapagtaka talaga.

Hinintay ko pa si cassey at hinintay hangang it was 1am already. Hindi ko na birthday. I was like, anong nangyari???

Lumapit na ulit si edith.

'' donthy sorry pero kailangan na naming magsara, pasensya na ha ''

Tumayo na ako sa upuan at hinarap si edith.

'' okay lang, salamat ha ''

'' siguro may rason ang bestfriend mo kaya hindi nakarating, happy birthday donthy '' niyakap niya ako.

'' Siguro nga may rason si cassey ngayon lang to nangyari eh at salamat sa pagbati ha ''  niyakap ko rin siya.

Paalis na sana ako sa restaurant ng tumunog ang phone ko, may notification sa messenger from jacob.

I opened it at nakita ko na tulog si cassey sa kama. At ang kumuha ng picture ay ang unang nabanggit. He took a selfie with his phone na kasama ang bestfriend ko with this message.

Sorry hindi nakapunta si hon sa birthday mo donthy, pagod na pagod kasi siya at nakatulog. But we are wishing you a happy birthday.

After I've read it di ko namalayang tumulo na ang luha ko at halos kuyumin ko na ang phone ko na may picture nilang dalawa.

So tinulugan niya ako? how dare you cassey, alam mo namang ikaw lang ang pamilya ko dito. So because of him nakalimutan na niya talaga ako. Ang sakit naman oh.

'' donthy? okay ka lang?? '' narinig kong tanong ni Edith at naramdaman kong humawak ito sa likod ko.

Gusto kong sabihing okay lang ako pero hindi eh, hindi ko na kaya pang dalhin ang sakit na ito.

'' donthy '' tawag ulit ni edith bago pumunta sa harapan ko. At ng makita niya akong umiiyak ay niyakap niya ako.

I hugged edith tighter, ang sakit sakit na kasi. At hindi ko na talaga ito kayang itago pa kaya napahagulhol ako sa mga bisig ni edith.

Umuwi ako sa dorm ng bandang alas 3 na ng umaga. Hinayaan ako ni edith na mag stay sa kanila pansamantala at inihatid niya rin ako dito sa bahay. Ang una kong hinanap pagkabukas ko ng pintuan ay ang aking laptop.

Tinawagan ko ang dalawa kong kapatid sa facetime.

'' Happy birthday baby!!! '' bati nung dalawa na siyang siya pero ang isinukli ko ay isang malakas na hagulhol.

Never akong umiyak sa kanila, kaya ko naman sarilinin eh pero this time hindi na talaga and I need someone to talk to at si dominika at danika yun.

They let me to cry first until I regain my strength para ikuwento ang lahat lahat...

Bakit ba hindi na lang ako ang mahalin ni Cassandra? 

Ayaw ko na talaga.

I'm giving up.

----------------------------------------------------------------

A/N

😫😢😭😭😭

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon