Chapter 32 - Baby🤞?

6.9K 172 7
                                    

- DONTHY -

'' hi donthy, kumusta? ''

Lumingon ako sa dako ng pinanggagalingan ng boses, si Kiera. Ngumiti ako sa kanya at sumagot.

'' hey I'm fine ikaw? ''

Umupo ito sa katabi ko, nasa tambayan kasi ako dito sa uni. hinihintay ko yung iba ko pang  kaibigan.

'' Surviving '' maikli nitong sagot at tumingin sa ibaba. Nanahimik ito pagkatapos at ganun rin naman ako.

Makalipas ang ilang minuto.....

'' ahmm kiera a..about dun sa.... '' hindi ko masabi nahiya ako bigla eh, napahawak na naman ako sa batok ko.

Itinaas na niya ang tingin sa akin.

'' ..sa kiss? '' anya niya

'' oo ''

Napayuko ako after ko sumagot.

'' ahm kalimutan mo na yun donthy, wala yun. ''

Bigla namang lumuwag ang paghinga ko ng sinabing ito ni kiera.

'' hay mabuti naman '' ngumiti ako.

'' Pero....... ''

Napatingin ako sa kanya nang parang umiba ang tono ng kanyang boses at bigla rin nag seryoso ang mukha nito.

'' Pero kapag nabago ang ikot ng tadhana at ako na ang may alas. I'll make sure that this person will be mine '' makahulugan nitong sabi sa akin bago tumayo sa harapan ko.

Gulong gulo ako sa sinabi ni kiera ngunit ginantihan ko na lang ng pagngiti ang ibinigay niya sa akin.

Inilahad rin niya ang kanyang palad for us to handshake.

'' Congratulations donthy next month graduation na natin, see you again ''

Tama siya next month, we're going to be free from this life as a student, we're near to graduate. Ito na ang pinakahihintay naming lahat.

Kinuha ko ang kamay ni kiera although nahihiwagaan ako sa sinabi niya.

'' congrats din kiera and have a good life after this '' tukoy ko sa college life.

'' you too donthy ''

Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko at pinisil pa bago ito bitawan at tuluyang nagpaalam.

Nakaka goosebumps din ang inaasal ng babaeng yun. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

🤔🤔🤔🤔🤔??????

--------------

Ang bilis ng araw at dumating na ang graduation day namin, as expected hindi na naman nakarating ang parents ko may sakit na naman kasi si mom kaya kahit gustuhin niya mag attend hindi nito makayang bumangon sa kama, hindi rin naman siya maiwan ni daddy. Si danika naman ay nasa trabaho niya out of the country , fault ko naman kasi hindi ko sila kaagad nasabihan about the date, ganun din si dominika.

Nagpipilit nga yung dalawa na hahabol daw sila at ika cancel lahat ng schedules pero ako na yung nagsabi na huwag na total nandito naman ang pamilya ni cassey. They feel sorry daw talaga, kaya naman grabe pa ang pangungumbinse ko na don't feel that way at ako naman ang nagkulang na iparating yung exact date ng graduation namin. With a heavy heart nag okay na rin yung sisters ko.

Masayang masaya kami ni cassey bukod kasi sa naging maayos ang pagsasama namin bilang magkarelasyon ay wala rin namang ginawang masama ang pamilya ni jacob sa amin. Bukod lang sa mga paglapit lapit nito kay cassandra at pagpilit na makipag balikan sa kanya.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon