- CASSANDRA -
Everyday ay pumupunta si mom or si ate kc sa hospital. Hindi lang para dalawin si donthy kundi para na rin makita nila ako.
From the day she was transferred to the ICU up to now na nasa private room na si donthy ay never akong umalis sa tabi niya. Eto na yung naging bahay ko, dinadalhan na lang ako ng damit nila ate maging pagkain na rin dahil alam nilang I don't eat hospital food or just any fast food.
Halos isang buwan namalagi sa ICU si donthy pero dahil naging maayos naman ang prognosis nito simula ng maoperahan siya sa ulo at humihinga na rin ito sa sarili niya ay inilipat na ito sa private room.
Ngunit sa kadahilanang may takot pa rin ang mga doktor na maaaring magkulang ang oxygen supply ni donthy sa kanyang buong katawan lalo na sa kanyang ulo ay nilagyan pa rin nila ito ng tubo. They let it placed in her for another week then when they finally sure that she can do it by herself inalis na nila ito.
Maging ang operasyon niya sa kanyang mga nagkaputol putol na ribs ay nagiging maayos rin naman ang pag heal, ang hinihintay na lang namin ay ang kanyang pag gising.
'' It's been a long time baby, gising ka na please. Miss na miss na kita eh, sabi ni doc dapat daw this time mas maganda na ang response mo, kaya gising ka na please? '' my voice broke, araw araw kinakausap ko siya at araw araw rin akong umiiyak.
Ang sakit kasi na makita ko siyang ganito. Hindi ako masasanay kailanman na hanggang sa higaan na lang siya, mas sanay ako na madungis ito dahil sa pag aayos ng kanyang sasakyan, o ang umakyat ng mga bundok or mag car race kami...mas sanay akong ganun si donthy.
'' balik ka na sa akin baby '' pagsusumamo ko pa.
Halos lumiit na ngang tingnan mga mata ko sa pagkasingkit gawa sa pag iyak at pag ka kulang sa tulog. Napayuko ako sa gilid ng bed ni donthy at napapikit. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya ng may biglang humawak sa balikat ko.
'' cassandra, take a rest ako naman magbabantay sa kapatid ko ''
Iniangat ko ulo ko para tingnan - si danika pala. Pangalawang balik na niya dito sa France. Nung tinawagan sila ni ate kc, kinaumagahan din ay dumating ang buong pamilya ni donthy. Isinantabi muna nila ang alitan para sa kapamilya nila na nakaratay sa bed of thorns.... puro kasi sakit at hirap ang nararamdaman niya, kahit wala itong malay ay nararamdaman ko pa rin siya. The two of us are connected, ganun ang pakiramdam ko.
'' no I'm fine danika '' mahina kong tugon.
Umupo si danika sa katabi ko at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lap ko.
'' Cassandra, you're not fine. Look at you pagod na pagod ka na. Simula dumating kami dito, nakaalis na ulit si dominika pati ang parents namin at nakabalik na akong muli ay nandito ka pa rin. Give yourself a break hmmm '' malambing na saad nito sa akin sabay hawak sa pisngi ko.
Tiningnan ko si donthy bago ko muling hinarap si danika.
'' but I wan't to be here kapag gumising na siya '' mahina ko pa ring tugon.
Malakas kasi pakiramdam ko na magigising na ngayon ang baby ko. Sabi kasi ni doc maayos na ang kalagayan ni donthy maging ang function ng utak nito at maging ang ibang naapektuhan sa aksidente, kaya alam niya at alam ko rin na magigising na ito.
She had been in coma for 3 weeks but after that medyo may good prognosis naman na naganap, fighter daw talaga si donthy sabi na rin ng mga doktor at nurses na tumitingin kaya naman simula noon never ko ng nilisan ang hospital.
'' naiintindhan naman kita sa pinagdaraanan mo kasi ganun din kami, but look at us kahit papano nag papaka positive pa rin, matatag siya cassandra and I know for sure na magagalit ang bunso namin kapag nalaman niyang hindi man lang namin pinag pahinga even once ang fiance niya. Alam mo kung gaano ka kamahal niyan '' sabay turo ng nguso niya sa nakahigang kapatid.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomantizmSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...