Chapter 17 - Uneasiness vs. Awkwardness vs. Inis!

6.3K 178 52
                                    

- CASSANDRA -

Hindi ko makalimutan ang pangyayari sa amin last friday ni donthy. Nararamdaman ko pa rin yung lips niya sa akin na nakakafreak out dahil it was just so weird split second pero bakit ganun na lang yung epekto niya sa akin. Until now ang puso ko ay bumibilis ang pagtibok kapag na flashback yung pangyayari sa isip ko.

'' sis ano kakain ka ba o titingnan mo lang yang pagkain mo? ''

'' h..huh??? '' napalingon ako sa kapatid kong si Kc na kanina pa pala ako pinagmamasdan. Nilalaro laro ko lang kasi yung rice at fish sa plato ko.

Umupo siya sa katabi ko and she hold my hand para lang itigil ang ginagawa ko. Ibinaba ko ang kubyertos at naupo ng maayos. Inilagay ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa at tiningnan ang kapatid ko.

'' what's bothering you? '' she asked.

'' w..wala ate '' pagsisinungaling ko, alangan man kasi na sabihin ko yung about sa nangyari sa amin ni donthy diba, baka ano pang isipin ni ate kc.

'' hay naku sis don't lie to me papunta ka pa lang nasa gitna na ako pabalik '' she laughed at her own pun, pero ako hindi ko nagets. Lg talaga ako madalas...

'' huh? ''

'' hay naku wala '' umismid si ate..tsk alam na kung kanino ako nagmana, kay katharina cassidy!!

'' pero ano nga cassandra, you can tell it to me naman ate mo ako diba malay mo makatulong ako ''

I slouched back on my chair ano ba naman kasi ang sasabihin ko?? hay si ate naman.

'' si donthy?? '' bulalas nito, napatuwid ako ng pagkakaupo ng marinig ko ang pangalan ng bestfriend ko and I could feel na parang uminit ang mukha ko.

'' h..ha?? b..bakit napasama dito si..si d..onthy??? '' kinakabahan at putol putol kong tanong. Napapalunok na rin ako ng laway sa kaba.

'' eh nagkakaganyan ka lang naman kapag tungkol kay donthy eh '' sabay kunot nito ng noo at mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

'' teka ba't ka namumula??? '' mas tumitig pa si ate.

Napatayo tuloy ako ng ura urada sa kagagawan ni ate, grabe na kasi ang kabog ng dibdib ko.

'' Ate maiwan na kita ha, may gagawin pa pala ako sa taas '' paalam ko sabay takbo papuntang kwarto.

'' sis wait yung food mo!!???? '' pahabol sigaw nito pero parang wala akong naririnig dahil mas malakas ang tambol sa dibdib ko kumpara sa anumang ingay dito sa labas.

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong isinara ang pintuan at naupo sa gilid ng aking kama. Kinapa ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko how my heart beats so fast, yung gusto na niyang kumawala sa rib cage ko. I took a deep breath dahil napakaaga pa para magkaganito ako. 8am pa lang kasi tapos weekends ngayon. Kapag ganitong araw naman madalas 10 ako gumigising kasi wala namang gagawin pero today is different even last night. I barely had my slumber tsk!

Ano bang nangyayari sa akin???

Napahiga ako ulit sa aking kama ng makatanggap ako ng text message from jacob na pilit kong ipinapaalala sa sarili ko na boyfriend ko na nga pala.

He's asking me out for lunch and dinner na din total sabado naman daw. Wow talagang dapat dalawa?. Napangiti naman ako dahil napaka thoughtful naman din talaga nitong si jacob. I texted him back sabi ko sure why not, maganda na din siguro itong pang divert sa napakagulong isipan ko ngayon.

---------------------

'' hon anong gusto mong food? '' si jacob, nandito kami sa isang restaurant. Tumingin ako sa menu at itinuro ko ang carbonara.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon