- CASSANDRA -
'' I'm sorry.........if we took a long time sa naging operasyon. By the way magpapakilala muna ako sayo. I'm Dr. Trio Lavonski head of neurosurgery at head ng team na nagconduct ng operasyon sa pasyente. '' huminga muna siya.
At nakahinga na rin ako kahit papano, meaning buhay pa si donthy.
'' Malaki ang natamong pinsala ng pasyente bukod sa damage sa kanyang ulo na nauna naming binigyan ng aksyon, nagkaroon din siya ng blunt trauma at puncture wound sa kanyang dibdib kagagawan ng isang matulis na bagay na hindi pa rin namin mawari kung papano nagkaroon ng maliit na tubo na tumusok sa katawan ng pasyente. Nagkaroon din siya ng multiple rib fracture that leads to the affectation of her left lung. Mabuti na lang naagapan ito at hindi na umabot pa sa mas malalang sitwasyon na aaminin ko sa inyo na pwede niyang ikamatay instantly ''
haayy ano ba yan??? si donthy ko..
'' S..o...so k..umusta po siya ngayon doc?? '' pagbanggit ko ng doc ay tumulo na naman ang luha ko.
Sa dami niya kasing sinabi, halos lahat hindi ko na maintindihan. Para bang hindi ito tinatanggap ng utak ko.
'' after the operation naging stable yung vital signs ng pasyente. I can see that she's really a fighter. Pero inilagay muna namin siya sa ICU for close monitoring, we'll never know what would happen.''
'' doc.. ammm kailan po kaya siya magigising? '' si ate kc.
'' hindi ko yan masasagot sa ngayon, we will still do series of test every now and then para malaman natin yung present status. Nasa pasyente rin kung mabilis ang magiging prognosis esp. sa kalagayan ni ms. Maxine na malala ang natamong injury sa ulo niya. But we are hoping for the best. The sooner she wakes up mas maganda '' ngumiti naman kahit papano si doc.
Hinawakan niya ang balikat ko at kanya itong sinabi.
'' Don't worry your fiance will make it, you can see her now '' tinapik tapik niya muna ang balikat ko bago nagpaalam sa amin.
Matapos umalis ni doc ay dumiretso na kami ni mom sa icu, si ate kc naman ay tinawagan na ang dalawang kapatid ni donthy para ipaalam ang nangyari at para maipaabot na rin sa mga magulang nila ang balita. Si dad naman ay umuwi muna para kumuha ng ibang gamit namin sa pag stay dito sa hospital at dideretso na rin daw siya sa police station para harapin ang ikakaso kay jacob.
Matapos naming magbihis ni mom ng tamang dress code sa loob ay nanginginig kong binuksan ang door knob. Mahigpit ang protocol sa kwarto, dapat isa isang tao lang, pero nakiusap kami kay dr lavonski na kahit dalawa sana, pumayag naman ito nararamdaman niya raw kasi ang hirap ng pinagdadaanan namin lalo na ako para hayaang mag isa sa loob. Ang bait bait naman nga talaga ni doc.
Nakakaisang hakbang pa lang ako ay umagos na naman ang mga luha ko, yung nurse na katamtaman ang taas na tumitingin kay donthy ay umalis muna at umupo sa pwesto niya para bigyan kami ng privacy. Inalalayan ako ni mom hanggang sa makalapit na kami.
Lalo na akong humagulhol na walang ingay sa kahabag habag na itsura ng dating masayahing si donthy. Maging si mom ay hindi na rin napigilang umiyak.
Napaupo ako sa katabing upuan ng kama kung saan nakahiga ang fiance ko na walang malay. May benda ito sa ulo na may makikita kang kulay pula sa maputi nitong kulay, nandun ata yung incision site. May nakapasak na tubo sa bibig nito na konektado sa isang machine para sa paghinga niya. May nakapulupot rin na bandage sa may dibdib nito dahil pinagdugtong dugtong ulit ng mga doctor ang nagkaputol putol na ribs ng mahal ko.
Ang magkabilaang braso naman ay may kung ano anong nakalagay, dextrose dito at sa isa pa. May iba't ibang klase ng gamot din at ng ibinaba ko ang aking paningin ay napansin ko na puro sugat ang mga binti at paa nito, mabuti nga sa awa ng diyos wala namang nabali sa dapit dito.
Tiningnan kong muli ang mukha ni donthy, ibang iba na ito...wala na yung maganda nitong mukha dahil sa ngayon ay nababalutan ito ng mga pasa at pamamaga.
Buong tapang na hinawakan ng nanlalamig at nanginginig kong kamay ang kamay niya pakiramdam mo ay mababasag sa pagkarupok nitong tingnan.
Iba na sa pakiramdam wala na yung init na dati rati ay naibibigay nito sa akin. Hinawakan ni mom ang balikat ko at hinimas himas ito. She's giving me comfort pero parang walang epekto, halos iiyak ko na maging ang mga mata ko sa pagka awa sa sinapit ni donthy sa hayop na jacob na yun. Halatang halata na ayaw niyang buhayin ang baby ko sa pinsalang natamo nito.
How could he? wala namang ginawa si donthy sa kanya. She's nothing but the kindest and the sweetest human being on earth. Wala itong inapakan o inag - grabyadong tao. Kahit she's filthy rich napaka down to earth pa rin niya, nag pa-part time pa nga siya diba at nakatira lang sa dorm. Kaya bakit siya ang binawian ng lokong yun????? Sana ako na lang, ako na lang at hindi siya.
Napayuko ako at hinalikan ang kamay nito na hawak hawak ko pa rin, nang lumapit na sa amin ang nurse.
'' Mam pasensya na po pero tapos na po yung alloted time para sa pagdalaw. Pero don't worry po bukas you can come back here na mas matagal. Kakalabas pa lang po kasi ng pasyente from operating room kaya mas tutok po kami ngayon at hindi muna maaaring ma expose ang pasyente in this state of time, hope you understand ''
Tumango ako at pinisil ng bahagya ang kamay ni donthy bago tumayo. Hinarap ko ang nurse.
'' thank you and please take good care of her ''
'' I surely will mam ''
We smiled at each other.
Lumabas na kami ni mama sa kwarto at nakita ko si ate kc na nasa labas, naghihintay.
'' ooh kumusta si donthy '' tanong agad nito na nakaukit sa kanyang mukha ang pag aalala.
'' I'm just happy kahit papano na nakita ko siya pero she's suffering ate, alam mo yun........ '' umiyak na naman ako '' .....alam mo yun I know that she's really in pain, sa itsura niya ayaw na talaga siyang buhayin ng gagong yun eh ''
Ang pag iyak ko ay nahaluan ng poot at pagkasuklam sa noon ay naging boyfriend ko.
'' anak naman huwag ganyan baka ikaw ang sunod na saktan ng taong yun, huwag ka ng pumunta dun ang daddy mo na ang bahala '' si mom, kinakabahan kasi sa mga maaari kong gawin.
Kilala kasi nila ako na kapag sa mga taong mahal ko na ang pinag uusapan ay walang hindi ko kayang gawin. Kahit during the old times na mag bestfriend pa lang kami ay grabe na ang pag aalala ko sa kanya ngayon pa kaya na we have '' us '' na.
Lumapit na rin sa akin si ate kc at niyakap ako nito bigla.
'' please cassandra don't do anything stupid, huwag na huwag kang lalapit sa sira ulong yun. Ayaw ko naman na gawin niya sayo ang sinapit ni donthy ''
saglit umiiyak ba si ate???
Ibinaon pa nito ang mukha niya sa leeg ko.
'' I cannot bear to see you like donthy's cass. so please???? '' hikbing pakikiusap niya.
Yumakap na rin si mom at nakiusap sa akin. Dahil naaawa ako sa kanila ay pumayag ako na si dad na ang bahala sa gagawin kay jacob, kung makapangyarihan ang pamilya niya mas ang sa amin, isama mo pa ang pamilya ng mga Maxine.
So magdasal ka jacob, ngayon na buhay si donthy ay pumayag ako na huwag makisawsaw sa nangyari, but if ever na may mangyaring hindi inaasahan na sana wala naman.
Mark my word...
'' I'll drag you to Hell ''
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...