Due to the public demand (haha taray sa public demand) well mga 5 po sila na nag pm sa akin na ipublish na ang next chapter(s), okay sige na po here you go...kayo na ang nagwagi...😅😄.
You're the captain of the ship. 😉
- DONTHY -
Sabi ni danika matagal akong nakaratay dito sa hospital, naaksidente nga raw ako. Feeling ko totoo naman dahil may nakarolyong bandage sa ulo ko maging sa dibdib ko, medyo masakit nga sila eh lalo na kapag gumagalaw ako. Pero bakit kaya ganun, hindi ko maalala ang aksidente??
Pilit ko pa ring inaalala kung anong nangyari ng may biglang bumukas ng pintuan, isang napakagandang babae. Humihingal ito dahil sa pagtakbo.
pero bakit kaya tumakbo ito??? para makita ako??? ahhh siguro ito yung cassey na tinutukoy ni danika. Teka ano ko ba siya??
Nilapitan ito ni danika at niyakap, bumulong pa nga, syempre hindi ko narinig, ang layo ko kaya. Later on tumakbo ito papalapit sa akin at yumakap.
'' I'm glad you're awake, miss na miss na kita baby ''
Hala baby??? ako?? yun na ba ang nickname ko?
'' Sino ka??? '' tanong ko, nalilito rin kasi ako kung kailan pa naging baby ang tawag sa akin, kay danika lang kasi ako sanay sa ganitong sweet na pagtawag.
Mukhang nalungkot ang magandang babae sa tanong ko.
'' D..donthy naman don't play a..around '' sabi niya.
Huh?? hindi naman ako nag pi-play around dito.. sige na nga ngiti na lang ako.
'' cassey.... '' sabi ko.
Naalala ko kasi yung sinabi ni danika na may pupunta daw dito na yun ang pangalan, ang ganda naman ng name na cassey bagay na bagay sa may ari. Ooopps at bakit kaya pag banggit ko ng name niya ay mas bumilis ang pintig ng puso ko??
Ngumiti siya kaya mas lalo itong gumanda. Dahil nalilito pa rin ako sa kaganapan kaugnay sa kanya ay nagtanong ako para mabigyan ako ng linaw.
'' Cassey pasensya na pero kaano ano ba kita? magkakilala ba tayo? and why you called me baby a while ago? ''
oh ba't napaurong siya? mali ata ang pag deliver ko ng tanong, naoffend ko ba siya? if yes bakit naman kaya?
'' D...donthy hindi mo ba ako naaalala? ''
Pinilit ko siyang alalahanin pero wala talaga eh kaya umiling ako.
'' ahmm then h...how do you remember my name?? ''
'' Danika told me that there's someone who will be here to see me, then you came up. So I thought that you're cassey '' sagot ko sabay ngiti.
Kainis nga e, wala kasi akong magawang iba kung hindi ang ngumiti, nagmumukha tuloy ako nagpapacute, at mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko...waaah!
'' Donthy this ain't funny ha, huwag ka magbiro ng ganyan. '' nakisali na si danika sa usapan.
Ano namang problema nitong isang ito??
Napabuntong hininga ako, akala siguro nagpapanggap ako na walang maalala, ay sa wala nga. Blanko ang isip ko.tsss
'' I'm telling the truth, ano ba ang gusto niyong sabihin ko, hindi ko nga siya kilala ''
Biglang namang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Agad namang lumapit ang kapatid ko at nag aalalang nagtanong.
'' Are you o..okay? tawagin ko ba ang nurse??? ''
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...