Chapter 12 - Meet kirara yourself

6.3K 181 15
                                    

- DONTHY -

Tinotoo ni Cassandra ang sinabi niya na hindi niya ako hahayaang mag isa sa piling ni Kiera, kagabi pa lang kasi ay nagpasundo na ito sa akin at dito na daw siya matutulog sa dorm. Minsan nga iniisip ko bakit ba siya ganito sa akin ngayon, dati rati naman okay lang na may iba akong kasama pero kapag si kiera ayaw niya talaga eh ang bait bait naman nung tao. Napapadalas na ata ang pagkaluwag ng turnilyo nito sa utak. Hay!

Nakaupo ako ngayon sa sofa ng may marinig na akong kumatok. Mabilis kong tinungo ang pintuan dahil alam ko na si kiera na ito, nagtext na kasi siya kanina na papunta na siya.

Siya na kasi ang dumaan sa Uni. para kuhanin yung mga papers na aayusin namin. I insisted na sasamahan ko siya pero huwag na daw at may dala naman rin siyang sasakyan, kaya na daw niya atsaka para magawa ko muna daw yung mga morning routines ko...How so considerate of her naman.

Binuksan ko na ang door at bumugad agad sa akin ang maganda nitong ngiti.

'' hi donthy '' bati niya. I greeted her back.

'' tulungan na kita '' offer ko nakita ko kasi ang dala dala nitong dalawang medium size na box.

'' okay na ako dito kaya ko na yung isa na lang dun sa labas, nilapag kasi ni kuya na tumulong sa akin doon eh '' tinuro niya ng nguso niya at agad ko naman itong nakita.

Pero dahil makulit ako at gentlewoman ay kinuha ko pa rin yung dala niyang boxes at inilapag ito sa maliit kong lamesa dito sa sala.

Kukunin niya pa sana yung natitirang box sa labas pero pinigilan ko siya.

'' ooppps ako na kiera umupo ka na dun please '' nakangiti kong sambit sabay turo sa sofa.

'' donthy! '' pagpipilit niya pa rin.

'' please??? '' pacute ko dito. Napabuntong hininga na lang siya at sumunod sa akin.

Kinuha ko kaagad ang box at sinara ang pintuan matapos yun.

'' ang ganda naman ng dorm mo donthy ''

'' hah?? hindi naman maliit nga eh '' napakamot ako sa batok ko, nahiya ako bigla eh...mannerism ko ito kapag nakakaramdam ako ng ganitong feeling.

Maliit lang naman talaga ang dorm ko pero cozy naman kahit papano. Pagkapasok mo sa pintuan yung left side andun na yung dining table ko for two. Yung isang upuan alam niyo na kung para kanino. Tapos  you need to take 3 to 4 more steps papasok para makarating ka sa sink. Diretso lang ng kaunti from the dining table nandun na yung sala. Malambot naman yung sofa ko pinapalitan ko dahil the first time cassey went here nagalit ito bakit daw kahoy ang upuan ko para naman daw ayaw ko siyang paupuin kaya that time din bumili ako ng new sofa, kasama ko pala siya ng bumili at para siya na ang pumili baka magkamali  ako eh mahirap na sayang sa pera, kahit naman mayaman kami hindi ako magastos sa walang kapararakang bagay. Syempre bumili na din pala ako ng tv. Si cassey nagbayad at ang kinuha niya ay yung akala mo ba naman sa movie theater ilalagay, ang laki eh. Pero tinikom ko lang ang bibig ko at baka maging dragon na naman ito ng wala sa oras at lugar.

Katapat ng sala medyo lisya pala ng kaunti at kapag katapat ay di wala ng pinaglagyan yung malaki kong tv, nandun na yung kwarto ko. Hindi ko na i dedescribe kahiya eh basta maayos naman yun hindi naman ako makalat. Sa kwarto may pinto dun papunta sa banyo para I don't need to go out pa from my room going there, pero don't worry may pinto din naman sa may sala.

'' nagbibiro ka ba kahit naman maliit maganda pa rin ''

'' s...salamat ''

'' donts kailangan na pala nating bumili ng shampoo at conditioner ko, ubos na eh ginagamit mo ba yun? diba I told you na hindi yun match sa kind of hair na meron ka, baka masira yan.  ''

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon