Chapter 8 - Nakaw tingin

6.1K 198 4
                                    

- DONTHY -

PAUL IN TAGALOG SONG (PASULYAP SULYAP)

'' 🎵🎶PASULYAP SULYAP KA KUNWARI PATINGIN TINGIN KAY BESTFRIEND. HINDI MAIBIGKAS ANG GUSTO MONG SABIHIN. KUNG MAYRONG PAG IBIG AY IPAGTAPAT MO NA KAY BESTFRIEND LA LA LA LA LA 🎵🎶 ''

'' shut up your mouth '' asik ko sa kanya.

He sat infront of me, nandito kami sa canteen nakaupo sa may gilid na table at nasa gitnang part naman si Cassey kausap yung lalaki na nagpapa cute sa kanya.

'' bakit ba kasi hindi mo pa aminin sa kanya dude, ang tagal mo ng itinatago yan ha baka magka heart attack ka na nyan ''

Alam kasi ng tatlo kong mga kaibigan na may gusto ako sa bestfriend ko, halatang halata naman daw kasi sa akin kaya nagtataka raw sila kung bakit hindi daw ito makita at maramdaman ni cassandra, ganun daw ba siya kamanhid? eh hindi ko rin naman alam ang sagot hay..

'' hanggang bestfriend nga lang kami '' malungkot kong sagot sabay patong ko ng mukha ko sa kamay ko na nasa mesa, nakatingin pa rin ako kay cassey na masayang nakikipag usap dun sa guy.

Sumulyap saglit si paul sa likuran niya kung nasaan yung dalawa then back to me.

Humigop muna ito ng dala niyang juice bago nagsalita muli.

'' so okay ka na sa patingin tingin lang? wala na atang may mas ma-martyr pa sayo, patayuan na kaya kita ng rebulto gusto mo? ''

I just sighed alam ko na naaawa na sila sa akin. Wala naman kasi akong nakakausap talaga about dito kung hindi sila lang. Ang galing ko magpayo at sumuporta sa mga ate ko pero pag dating sa akin nganga.

'' okay na ako sa ganito dude ''

'' baliw ka ba donthy so hanggang ganito ka na lang? hahayaan mo na lang na madurog ang puso mo everytime na third wheel ka sa mga date ng mga naging boyfriends niya, na nakikita mo na may kahalikan siyang iba, na .......... ''

'' tama na paul please '' tumayo na ako at naglakad palabas ng canteen.

'' DONTHY!!! DONTHY bumalik ka dito!!!!!! ''

Ang lakas ng  tawag ni paul kaso ayaw ko lang lumingon, totoo naman kasi ang sinabi niya eh. Third wheel lang ako palagi sa mga date ni cassey, na hanggang tingin lang ako sa kanya, na hanggang selos na lang ako everytime na may kahalikan siyang iba. Na hanggang nakaw tingin na lang ako at pagkadurog ng puso ko sa tuwing nag oover night siya sa dorm or ako sa kanila at nagkukuwento siya magdamag ng tungkol sa crush niya na eventually nagiging boyfriend niya then break then the next thing I know may bago na namang pumuporma dito then ofcourse magiging boyfriend niya na rin soon, ganun naman palagi eh at ako sa cycle na yun never akong nakasali.

Ang tanga ko talaga, siguro ganun na ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin medyo naaawa lang silang sabihin yun sa mukha ko dahil kaibigan nila ako.

Sa pagmamadali kong makalayo kay paul ay nakabangga ko ng di sinasadya si kiera at nahulog ang mga dala dala nito sa lupa.

'' so..sorry kiera '' paumanhin ko sabay pulot ng mga gamit nitong nalaglag at nagsikalat.

'' okay lang donthy, wait hey are you not feeling well? '' hinawakan nito ang pisngi ko, mukhang concern naman ito sa akin.

Hinawakan ko ang kamay nito at tinanggal sa pisngi ko pero sa di inaasahan napatagal ang pagkakahawak ko dito. Ngumiti ako sa kanya.

'' pwede mo ba akong samahan? '' Hindi ko alam kung bakit ko niyaya si kiera pero gusto ko lang may makausap, yung taong walang may alam tungkol sa nararamdaman ko sa bestfriend ko and I'm thankful na pumayag siya.

'' sure ''

- CASSANDRA -

I didn't notice na nasa canteen din si donthy kung hindi ko pa narinig ang kaibigan nitong si paul na isinisigaw ang pangalan niya. Kinakausap ko kasi si jacob na naalala ko na rin sa wakas, siya pala yung naka one night stand ko --- sa pagkain ng hot chili burger sa festival dati, a year ago na rin. Nag enroll din pala siya dito sa school so technically magkikita kami everyday, hindi naman ako kinikilig ahmm just a bit.

Nakita ko si donthy na palabas na ng canteen. Kaya nag paalam muna ako kay jacob para sundan ang bestfriend ko. I was about to call her na sana pero nakita ko na nakayuko ito at may tinutulungan. When they stood straight mas naging malinaw na sa akin kung sino nakabangga niya - si kirara!

Ang sunod na pangyayari ay naghatid ng kurot sa dibdib ko. Hinawakan nito ang pisngi ni donthy habang nakatitig sa bestfriend ko at di pa dun nagtatapos at ang sumunod pa ay nagpainit na ng ulo ko, donthy's holding her hand?? anong nangyayari?????

I want to call donthy pero parang may bumara sa lalamunan ko at nakita ko na lang silang umalis na magkasama.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon