Chapter 15 - Me!??

5.5K 166 10
                                    

- CASSANDRA -

'' cassandra nabalitaan namin yung iringan ninyo ni blondie ah '' si alma, may pa ngisi ngisi pang nalalaman.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng building, kakatapos pa lang ng boooring na klase ni sir giovanni na nakaka strike two na sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit 3 subjects ang itinuturo nun eh hindi naman magaling atsaka kaaway ko kaya yun...malaki laki na ang kasalanan nun sa akin at mas pinapaburan palagi ang bwisit na si kirarang blandina.

'' kanino mo namang source yan nakalap? '' tanong ko at wala naman talagang nakakaalam ng pangyayaring yun.

'' ay di kay fe sinabi niya '' she linked her arm to mine. I rolled my eyes kahit kailan talaga napaka tsismosa ng mga kaibigan ko. Hindi muna ako sumagot may nagtext kasi sa akin naiwanan ko pa lang may message tone yung phone ko madalas kasi on vibration lang para walang ingay. I hate maiingay din kasi eh.

I fished my phone inside my bag, ang kaso nahihirapan ako kagagawan ng braso ni fe kaya inalis ko ito ng biglaan, kaya para na naman itong bata na nagulat sa inasal ko. Maarteng ngiti lang naman ang iginanti ko sa kanya. When I have my phone in my hand agad kong tiningnan kung sino nagtext - si jacob asking me to meet him sa basketball court agad agad naman ako na nag reply ng okay, then I scrolled down pa para makita kung may text si donthy pero wala? ahmmm ah baka may klase pa, kaya hindi na muna rin ako nagtext, ayaw ko naman makaistorbo.

Kababalik ko pa lang ng phone ko sa bag ay nag ingay na naman ang bibig ni alma, sinabayan pa ni nora na humahabol na pala sa amin kanina pa, hindi daw namin siya pinapansin...kawasa naman siya ang bagal niyang maglakad kasalanan ba namin kung hindi siya makahabol??? hmmmm..

'' so ano nga inaway mo??? '' ulit na naman ni alma. Nakisabay pa si nora.

'' so totoo cassandra??? ''

'' hay oo kakainis eh, nilalandi si donthy '' tugon ko, napabuntong hininga lang yung dalawa sabay '' haay!!! ''

'' oh anong problema niyo tinatanong niyo ako tapos ma haaaay lang kayo diyan ''

'' kasi cassandra baka hindi naman nun nilalandi si donthy oa ka lang kung mag react '' si alma

'' anong oa hinalikan niya ang donthy ko sa pisngi, pumikit lang ako aba't nagmagaling ang lintang yun '' inis kong saad, naalala ko na naman kasi.. nag away pa kami ni donthy dahil sa kanya. bwisit siya.

'' donthy mo talaga??? '' may panunuksong himig ni nora. Alam ko naman next na sasabihin nila na inlove ako sa bestfriend ko which is not so true! kaya inunahan ko na sila.

'' tigilan niyo ako ha, alam ko na ang sunod niyong sasabihin. I'm not inlove with her!!! '' napapadyak ako sabay crossed arms.Napatigil kami sa may pintuan bago lumabas ng building.

'' baka itinatanggi mo lang cassandra, dahil pinagpipilitan mong bestfriend lang kayo, tingnan mo nga healthy pa ba ang ginagawa mo as bestfriend (may diin effect) ang oa na pag babantay mo kay donthy? ang pakikipag away mo at pananakot sa mga babaeng pumuporma sa kanya? at ang palagi mo na lang pag hahanap na para ka ng loka loka kapag hindi mo siya makita ng isang araw?? '' saad ni  alma na may pa gesture gesture pa ng kamay at mga facial expressions pa sa mukha niya.

'' I DON'T THINK SO! ''  dagdag niya.

'' eh bakit gawain yun ng bestfriends ah, hindi niyo ba yun ginagawa sa matalik niyong kaibigan???? ''

Matalas kong tiningnan ang dalawa at sabay itong umiling.

'' Pwes hindi niyo sila bestfriends ''

Napasinghap lang sila ng sabay at umiling. I creased my forehead.

'' ay bahala na nga kayo dyan, may pupuntahan pa ako... '' at iniwan ko na ang kahit kailan ay nakakainis kong mga kaibigan.

Pagkalabas ko ng building ay dumiretso na ako sa court. Nakita ko kaagad si jacob na kumakaway. Napakakisig talaga nito at sobrang pogi, siya yung klase ng lalaki na hahabulin mo talaga ng tingin. Medyo kinikilig talaga ako kay jacob especially for the past weeks na nanliligaw ito sa akin. Kaya bukod kay donthy si jacob na ang palagi kong nakakasama, at yun palang tres marias kong kaibigan.

'' hi '' bati ko dito, he smiled at me yung makalaglag panty type. Mabuti na lang at fitted ang undies ko kaya kahit makailang ngiti ito si jacob ay hindi ito mahuhulog. ump!

'' hey gorgeous!!! ''

ay matagal ko ng alam na gorgeous ako pero sige na nga I'll pretend na kinilig ako.

'' hmmmm ikaw talaga jacob '' may patusok tusok pa ako sa dibdib niyang nalalaman. Natuwa naman ang loko.

'' so ano nakapag isip ka na ba sa tanong ko last last last week pa?? '' medyo nagkatawanan kami sa sinabi niya. Tukoy niya ito sa kung pwede na daw siya maging boyfriend ko.

At dahil sa kasama namin ang mga team mates niya at naghihiyawan na sila at halos itulak na kaming dalawa ni jacob para magkadikit ang mga katawan namin ay parang na pressure ako ng kaunti. Wala pa naman talaga akong balak na sagutin siya pero sige na nga,why not naman he's my type. Mayaman, gwapo, matalino, sporty, macho etc etc...so choosy pa ba ako??? hindi na uy!

'' okay sige na pumapayag na ako ''

'' talaga!!! ''

'' oo nga ''

'' Yes!!!!! yes!!!! ''

Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. Gusto ko ngang magreklamo eh parang malapit ng madurog ang buto buto ko sa pagkakayakap niya.

'' thank you thank you. I promise I 'm going to be the best boyfriend ever!!! '' masiglang saad nito sa akin sabay yakap ulit.

Natuwa naman ako I can feel his so sincere kasi, kahit hindi ko pa naman ganun kamahal si jacob ay matututunan ko na lang ito for sure.

Jacob draw his head up and cupped my face and and and...kissed me sa lips!!

omg omg why so maaga naman di pa ako ready makipahalikan sa kanya!

'' I'm so happy '' he mumbled at yumakap ulit.

Sasagot na sana ako ng may sumigaw ng pangalang donthy sa di kalayuan. Lumingon ako at nakita ko nga si donthy na naglalakad palayo sa bench kung saan nakaupo ang 3 niyang mga kaibigan.

'' donthy!!!!! '' sigaw ni paul.

'' ahmm wait lang jacob ha, si donthy ata yun eh '' paalam ko kay jacob na boyfriend ko na ngayon. Tumango naman ito kaagad kaya naglakad ako ng mabilis para maharangan si donthy at di na makaalis.

'' donts kanina pa kita hinahanap '' sabi ko dito na ubod ng sigla, nakita ko na siya eh pero ang mukha naman nitong isa ay parang namatayan.

Lumapit pa ako at bigla ko itong niyakap.

'' what's wrong?? '' sinimulan ko na himasin ang likod ng bestfriend ko pero wala, ano bang problema nito?

'' I have to go cassey '' she told me instead rather than answering my querry.

Tinanggal niya ang mga braso kong nakapulupot sa leeg niya at nagmartsang palayo. Tiningnan ko lang siya hindi ko rin kasi sigurado kung may nagawa ba ako or what. Nilingon ko ang mga kaibigan ni donthy nagbabakasakaling may alam ang mga ito.

'' anong problema nun?? ''

'' ikaw '' sabi ni paul.

'' Ako?? bakit ako???? ''

The three just shrugged their shoulders.

anong mga problema nito??? puro na question marks ang isip ko.

'' hayaan mo muna siya '' melva told me monotonously.

pero wait inuutusan niya ba ako??? tsk!

'' excuse me???? '' tinaasan ko sila ng kilay.

At ang tatlo sabay sabay na namang umiling at iniwan akong naka hang.

Yung totoo ano bang meron at anong nagawa ko????

'' damn it '' I hissed.

Ayaw ko ng ganitong feeling!!!!! Donthy naman eeee........



THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon