Chapter 53 - Helmet

6.5K 135 6
                                    

- DONTHY -

Matapos namin magtungo sa bahay nila cassey ay dumiretso kaming dalawa kay Dr Lavonski para makumpirma ang ilang mga bagay bagay katulad ng hindi pa rin pagbabalik ng aking memorya.

Ayon kay doc maaari daw sa case ko na hindi na ito bumalik lalo na at malaki ang pinsalang natamo ng aking ulo. But on the brighter side, huwag pa rin daw ako mawalan ng pag asa dahil maaari pa rin naman daw magkaroon ng himala.

hmmmm himala.

Napag alaman rin namin na kinausap pala ni mom si doc bago kami umuwi ng New York at sinabing nagkaroon ako ng aksidente during my childhood, nabagok rin kasi ang ulo ko dati. Hindi naman daw ito grabe ngunit nag alala sila ngayong panahon dahil baka konektado raw ang pagkawala ko ng memorya for the last 5 years.

Maaaring oo ang sagot subalit hindi rin naman pwedeng isisi ang lahat sa kaganapang nangyari ng napakatagal ng panahon sa hindi ko pa rin pag kakaalala sa ngayon. The doctor asked me kung may tao ba o pangyayari akong nakalimutan bago pa ako naaksidente.

And the answer is yes, si kiera. When I first saw her hindi ko talaga alam na magkakilala kami kahit ilang beses pa niya itong pilit ipinapaalala sa akin. Then after the accident nabura ang alaala ko kay cassey at bigla kong natandaan ang pinagsamahan namin ng unang nabanggit.

Napaka kritikal pala talaga ng utak natin. Kaunting kaganapan lang ay maaaring magdulot ng mabigat na pasanin at pag aalala sayo ng mga taong mahal mo.

Dagdag pa ni doc, wala naman daw kakaiba sa ngayon when it comes to my brain function. Kung hindi man raw bumalik ang aking alaala ay hayaan ko na lang, ang importante ay ang magpatuloy sa buhay at gumawa ng mga bagong masasayang memories kasama ang mga taong minamahal ko.

And he's right kailangan ko ng mag move forward kasama ang minamahal ko - si Cassandra.

---------------------

'' baby saglit daan muna tayo dito '' sabi niya sa akin pag ka parada ng kotse. Siya na muna kasi ang nagmamaneho hanggang sa sabihin niyang pwede na ako ulit.

Katawa talaga si cassey over sa pagprotekta sa akin. Pati nga sa bahay - ooopps for the update we're now living together hindi sa dorm na dati ko raw tinitirahan kundi sa isa ng condo. na binili niya a month ago.

So yun na nga, kahit simpleng pag gawa sa bahay ay ayaw niya. Baka raw mauntog na naman ako and this time makalimutan ko na siya totally. Natatawa na nga talaga ako ang kaso hindi ko ito magawa at seryosong seryoso palagi ang mukha ni cassandra kapag nababanggit niya ang tungkol dito.

Pumasok kami sa tindahan ng mga helmet?? Ano naman gagawin namin dito?

Hinawakan ko ang braso ng aking kasintahan at tinanong ko siya kung ano naman ang gagawin namin dito.

aaayy kinilig ako sa salitang kasintahan.....eeeeee

'' ibibili kita ng helmet ''

'' huh bakit? ''

'' to protect your head, mahirap na baka biyaya na eh maging bato ka pa ''

Nagpalatak ito bago nagtungo sa stall na may iba't ibang kulay at design na helmet.

'' baby halika '' tawag niya. Lumapit ako.

'' eto gusto mo? '' tukoy niya sa itim na may design na pulang helmet.

Actually halos lahat ng pinipili ni cassey for me ay parang gusto ko rin naman, tingin ko nga kilalang kilala niya talaga ako eh. At malamang sa malamang oo ang sagot dito.

'' kailangan pa ba na bilhan mo ako mahal? '' tanong ko.

'' yes and don't budge to say na ayaw mo '' tinarayan pa ako nito.

Napanguso ako '' sabi ko nga eh ''

'' good, this is for your safety baby. Wear this 24/7 ''

'' huh!?? '' mukhang nanlaki ang mga mata ko at tumalbo ang kaluluwa ko sa sinabi niya.

Tumawa siya ng mahina.

'' biro lang just wear this everytime na kailangan talaga okay? '' she touched my cheek.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi bago sumang ayon ng sagot.

'' I will ''

Matapos naming mag usap ay dumiretso na kami sa cashier at ito'y binayaran. Hand in hand we walked going to the car and drove away.

Later that day

'' mahal let's get married? ''

Napabalikwas si cassey sa pagkakahiga sa aking braso at tumingin sa akin. Nandito na kami sa kwarto upang matulog.

Yes po matulog lang kakatapos lang eh *smirk and wink

'' s..sure ka na? ''

I hold her face and nod

'' yes cassey ayaw ko na kasing patagalin pa ang lahat lahat. Gusto ko na maging akin ka na para naman wala nang may iba pang mga mata na tumitig sayo ''

Natawa si cassey at kinurot ang dede ko.

'' ouch! ang dami mo namang kukurutin dyan pa talaga?? ''

Mas lalo itong tumawa, this time mas malakas pa.

'' eeee bakit ba sa gusto ko e cute cute kaya '' at kinurot nitong muli, hindi lang isa yung dalawa na.

Napaka tease talaga nito kahit kailan. Dahil hindi pa rin ito tumitigil sa kalandian niya sa akin ay iginapos ko gamit ng panyo ang dalawang kamay nito.

'' aalisin mo ba ito o aalisin mo? '' pinandilatan ako nito ng kanyang mga mata, hindi naman ako nagpatinag at ngumisi lang.

'' dorothea!!! '' sigaw nito.

'' yeees??? '' I continue mocking her sabay pa ng pag galaw galaw ng aking mga kilay.

'' alisin mo na nga to, hindi na titigil na ako promise ''

'' talaga? '' hinalikan ko siya sa labi.

Tumango siya na pilit itinatago ang pagkakilig.

'' marry me '' I kissed her again.

Napakagat lang siya sa kanyang labi.

'' marry me '' ulit ko at muli siyang hinalikan.

Hindi pa rin ito nagsalita at pilit pa ring itinatago ang pamumula ng mukha at pagkakilig.

I was about to open my mouth to ask her again pero bigla na ako nitong hinalikan.

'' marry m -- ump ''

She's kissing me lovingly at ang mga kamay niyang nakatali ay inilagay niya sa aking leeg. Nagtatama ang aming hubad na mga dibdib sa bawat pagkagalaw ng aming mga katawan.

We temporarily ceased our kissing scene at ito'y sumagot.

'' Ofcourse I'll marry you donts '' she kissed me on my forehead, down to my nose then to my lips once more.

'' let's get married tonight '' sabi ko.

'' tonight!?? '' mukhang nagulat si cassandra sa sinabi ko pero dahil nakita niyang seryoso ako ay pumayag na rin siya kaagad.

Inihanda ko na kasi ang lahat pati yung magkakasal sa amin kaya naman sa gabi ring ito ay naging mag asawa na kami ni Cassandra.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon