Chapter 26 - Picture

6.9K 168 14
                                    

- CASSANDRA -

After that painful talk I had with donthy ay dumiretso na ako sa bahay, umiiyak, mabuti na lang at wala pa ang parents ko at si ate lang ang nandito na panigurado ay nasa opisina naman niya dito sa bahay at subsob na naman sa trabaho.

Pagkapasok ko ng main door ay patakbo akong umakyat sa aking kwarto. Isinara ko ang pintuan at dumapa sa kama, isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Pinikit ko ang aking mata na ngayon ay wala ng mailuha pa. Makakatulog na sana ako ng may naramdaman ako na biglang umupo sa  kama at humawak sa aking paa.

'' sis ''

Si ate kc pala. Bumangon ako at umupo katabi niya.

'' ahmmm something's off '' anya niya

pano kaya nalaman ni ate na may mali sa akin? talo niya pa si mommy sa mother's instict.

'' wala kaya '' pagsisinungaling ko.

'' anong wala? sige magsinungaling ka palagi sa akin ha! '' tuyaw nito sa akin.

Pero imbes na sumagot ako ay napayakap ako sa kapatid ko, niyakap niya rin ako ng napakahigpit.

'' mag usap kasi kayo sis ''

'' we just did '' my voice broke, nagbabadya na naman ang paglabas na mga luha ko na akala ko kanina ay nakakaranas na ng El Niño sa pagkatuyo. Hindi ko rin alam kung papano ba nalalaman ni ate ang problema ko pero mas okay na ang ganito para hindi na ako magkuwento pa.

Ipinagpatuloy ni ate kc ang marahan na paghagod niya sa likuran ko.

'' and? '' si ate.

'' she broke up with me '' hikbi ko at mas ibinaon ko pa ang mukha ko sa leeg niya.

'' ha??? kailang pa naging kayo? '' may himig na panunukso ang boses nito.

'' aate naman eee '' ungot ko na parang bata.

'' I'm just trying to lighten up the atmosphere here, masyado ka ng problemado. Akala mo ba di ko yun napapansin? Oo kapatid mo lang ako at hindi si mom pero it doesn't mean na I'm not aware sa mga nangyayari sayo, nagtapat na ba siya? ''

'' p...pano mo..??? '' I pulled myself up from ate. Ngumiti ito at inipit ang buhok ko sa likod ng aking tenga.

'' halata naman  sa kanya that she's inlove with you, halos mag pa under sayo si donthy, sinasakyan niya lahat ng kaartehan at kadramahan mo sa buhay and the way she look at you? hmmm iba.. ''

I pursed my lips thin so grabe talaga ang pagkamanhid ko kung kaya't di ko man lang ito napansin?

'' p..pero I..i didn't notice it '' halos pabulong kong pagkasabi.

Hinawakan ni ate ng isang kamay niya ang sa akin na nakapatong sa aking hita at yung isa ay ginamit niya to held my chin up.

'' siguro dahil masyado kang kumportable  sa kanya to the fact na matagal na kayong magkakilala at halos hindi kayo mapaghiwalay, that made you blind sa totoong nararamdaman nung isa ''

'' a..anong gagawin ko?? ''

Sa totoo ayaw ko naman maging mahina sa harap ng ate ko pero siya na lang yung mapagtatanungan ko at mahihingan ng tulong. I don't want to give up donthy.

'' ano bang nararamdaman mo para sa kanya?? '' tumingin sa akin si ate.

ano nga bang nararamdaman ko para kay donthy???

Mukhang nabasa ni ate ang inner struggle ko kaya binago niya ang way ng pagtanong.

'' do you love her?? ''

Tumango ako kaagad agad, mahal ko naman talaga yun eh.

Nagbuntong hininga si ate.

may nagawa ba akong mali? dapat ba umiling ako??? ang gulo naman ni ate.

'' what I mean is do you love her more than your bestfriend??? ''

ahh yun pala ang ibig niyang sabihin. I am so naive naman talaga. I'm near to graduate in college pero bakit para akong walang alam sa pag ibig.?

'' I...i don't know ate, but I really care for her. '' sabi ko na halos sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng pagkalabog nito.

Nagbuntong hininga ulit si ate, kinakabahan tuloy ako at baka kung ano naman ang itanong sa akin. Puro naman kasi siya buntong hininga.

'' then alamin mo cassandra, just remember this don't let the person you love just to slip away from your hand dahil masakit silang mawala at kapag nangyari yun that would be the greatest mistake you'll commit in your life '' malambing ngunit madiin niyang turan sa akin.

Hindi na ako nakasagot pa, para kasi akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni ate. Napapangiwi na naman ang bibig ko ng bigla akong hinila ni ate for another hug while saying this.

'' whatever your decision would be, susuportahan kita. I promise you that ''

'' ate naman naiiyak tuloy ako ''

Hindi naman kasi kami nag uusap ni ate halos lalo na about sa mga ganitong bagay pero I'm so blessed dahil andyan siya para payuhan ako at suportahan. Napahagulhol na ako sa pag iyak.

'' Naiiyak??? kung ang paghagulhol mo ay parang naiiyak ka pa lang, ay di papano na lang kung sinabi mo sa akin na ang lakas na ng iyak mo? baka tsunami na yan sis ha ''

Kinurot ko si ate ng mahina sa tagiliran.

'' ang corny mo ate kainis '' tumawa lang naman siya.

Kumalas na kami sa pagyayakapan at seryoso siyang tumitig sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ngumiti.

'' Be brave to admit it cassandra, huwag mo yan pigilan '' yun ang huling makahulugang sinabi sa akin ni ate sabay tayo matapos akong halikan sa noo.

'' balik na ako sa trabaho sis, matulog ka na '' lumabas na si ate.

Hinalikan ako sa noo ni ate...

'' I missed you so much donthy '' I mumbled at hinawakan ko ang noo ko. Yung area na palagi niyang hinahalikan.

Humiga na ako sa kama at niyakap ko ang aking unan, di ko naman sinasadyang mapatingin sa bedside table ko at nakita ko yung picture namin ni donthy that was taken a year ago.

Ito yung pinilit ko pa sya na magtwo-fie kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito yung pinilit ko pa sya na magtwo-fie kami. Ayaw niya kasi na kumukuha ng mga pictures niya, ewan ko ba dito parang makalumang tao. Kainis! Ang arte pa!

But then ginawa niya pa rin. Isang sigaw ko lang ay bumalik ito sa katabi ko at ngumuso na.

Tawa ako ng tawa during that day, parang ewan kasi si donthy. Hindi mo alam kung anong trip. That's why I care for her too much and I love her....

Napabangon ako sa kama ko...

I love her???

Do I love her?

Yes I do......

siguro???

Teka kailangan ko lang siguraduhin ito.

Napalingon ako ulit sa litrato namin ni donthy.

'' I'm getting you back ''

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon