Chapter 54 - Time flies so fast

6.7K 146 2
                                    

- CASSANDRA -

Naging pareho man ang paraan ng pagpapakasal namin ni donthy sa kapatid niyang si danika ay wala akong pakialam. Mas importante sa akin ay ang katotohanang we're married already.

Sa wakas I am now Mrs. Cassandra Maxine. At sa bilis ng oras at panahon ay isa't kalahating taon na ang nakakalipas.

-----------------

'' DOOOOONTHYYY!!!!!!!! '' sigaw ko  sabay sabunot sa buhok ng asawa ko.

Siguro nagtataka kayo kung nasaan kami, well nandito lang naman kami sa delivery room. I am currently on the process of giving birth sa kambal na magiging anak namin ng baby ko.

A week after the wedding kasi ay agad naming isinagawa ang proseso sa pagdadalang tao ko. And ofcourse denton is the donor. Binayaran namin siya actually but he returned the payment to us when we all found out na lalaki at babae ang magiging babies namin.

So tuwang tuwa ang letseng si denton, sa wakas daw ay dalawa na silang lalaki sa pamilya not to mention ang mga tatay nila.

'' hinga ka lang mahal, inhale exhale '' pagtuturo ni donthy sa akin.

Ginaya ko naman ito at ipinagpatuloy ang pag ere. Hinawakan ni donthy ang aking mga kamay at sa pagbilang ni doc ay agad akong sumabay.

'' 1 2 and 3 ere ''

'' AAAAAAHHHHHHH '' sigaw ko na naman kasabay ng aking pag ere.

Hirap na hirap na ako at talagang pinag papawisan na ng magsalita ang OB ko.

'' cassandra, relax okay. Hinga sa bibig at huwag kang sisigaw...focus sa pag ere ''

Tumango ako sa kanya at siya'y bumilang muli.

Bago ako nakapag focus ay tumingin muna ako sa asawa ko at pinagmasdan ito. Pawis na pawis na rin siya at halatang halata sa kanyang magandang mukha ang pagkabahala.

Hinalikan niya ako sa noo and told me that she loves me very much.

'' cassandra ready?? ''

'' yes doc ''

'' 1 2 and 3 ''

Pinigilan ko ang aking sarili na sumigaw and focus on giving birth. And a moment later ay isang malakas na iyak ng bagong silang na sanggol ang namayani sa loob ng Delivery Room.

'' uuuwaaaaahhhhh uwaaaaaahhhh ''

'' it's a baby boy!!!!! '' galak na turan ni doc.

Sumilay sa amin ni donthy ang siya ng masilayan na namin ang aming panganay.

Ibinigay muna ni doc pansamantala ang anak namin sa nurse para malinisan.

Nagfocus muli ako dahil nasa bukana na rin daw ng aking pwerta ang pangalawa.

Umere ako ng ubod lakas hanggang sa nagpalahaw na rin sa pag iyak ang babae naming anak.

Matapos malinisan ang kambal ay agad itong ibinigay sa amin ni donthy. Bakas na bakas sa pareho naming mukha ang pagkatuwa. Lumuluha na si donthy na lumapit sa akin.

'' mahal look kamukhang kamukha mo silang dalawa '' suminghot ito.

Tiningnan ko ang kambal at tumingin sa asawa ko.

'' kamukha mo rin naman ah '' I smiled and kissed her lips.

Pinagtabi kasi namin yung mga anak namin para mayakap kami ni donthy ng buo.

'' Congratulations to the both of you Donthy and Cassandra '' bati ni doc.

Magkasabay naman namin siyang sinagot.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon