Chapter 6 - I'm not into girls

7K 200 9
                                    

- CASSANDRA -

Hay naku ang boring naman, nakaka pangatlong araw pa lang sa isang taon wala ng magandang nangyari sa akin, tsk! Hindi ko kasi classmate si donthy, bakit ba naman kasi nag advance pa ako ng subjects ayan tuloy..grrr!!!!

Sa sobrang inis ko napasipa ako at natamaan ko yung classmate ko sa unahan. Napa aray siya at lumingon sa likod, nang makita niyang ako ang may kasalanan ay hindi na ito nakapagpsalita pa takot lang niya. tse!!!

'' hoy cassey grabe ka di ka lang nag sorry? '' si fe nasa katabi ko, nasa classroom pa kami at may 30mins pang boring time na natitira bago kami mag uwian.

'' bakit ako mag so-sorry siya naman ang may kasalanan haharang harang yung paa niya sa unahan ko at bakit ba tinatawag mo akong cassey? si donthy lang ang may right na gumamit ng cassey '' sumimangot ako, alam naman kasi nila si donthy lang ang natawag sa akin ng cassey at ako lang din ang tumatawag sa kanya ng donts or dorothea.

Natawa lang si fe.

'' hay naku iba ka talaga cassey!!!! '' inulit pa rin niya, mapang asar talaga ito. Inirapan ko na lang kesa mahuli na naman ako ni prof. na nakikipag usap kahiya naman...kahit papano may hiya pa naman ako noh.

Ang tagal naman ng 30 minutes, para tuloy nasasayang at nababawasan ng 30 years ang buhay ko dito. Ang hirap naman kasi bakit ba kailangan pang mag aral?? kaya ko naman patakbuhin ang company namin kahit hindi ko na tapusin ang 4th year, oooppss I take it back, kailangan ko pala tapusin ang taon na ito lalo pa ngayon na kailangan kong bantayan ang bestfriend ko, napaka inosente pa naman nun sa mga umaaligid sa kanyang linta at higad.

I still remembered those days. Una nung first year kami, may isang feeling magandang babae na may bangs na nagbigay ng cheap na flowers kay donthy ay sa hindi ko siya feel kaya idinespatsa ko, then 2nd year nagkaroon yan ng stalker mahaba naman ang buhok at may bangs din, hindi ko nga alam kung bakit ang nagkakagusto kay donthy ay may mga bangs, eh bad vibes din siya sa akin kaya ayun pinakain ko ng cake na may lason, ayun patay!!! ha ha ha joke lang, cake lang na may gamot para masira ang tiyan. Then third year may isa ulit and take note may bangs ulit but this time maitim ito. My god pasalamat siya maputi yung ngipin niya dahil kung hindi baka nung gabing tinakot ko siya para layuan si donthy ay malamang nasagasaan ko na siya. At sa mga pangyayaring yun talagang kinikilatis ko ang mga lumalapit sa bestfriend ko, dapat yung nababagay naman sa beauty niya at sa personality ni donts and eto pa ha, dahil lahat ng nanligaw kay donthy ay may bangs ay di lahat na tuloy ng may bangs ay galit ako!! naaalibadbaran ako sa itsura. Kung para sa iba kulot ang salot sa lipunan well para sa akin mga babaeng may bangs ang totoong salot, malapit ko na nga silang ma - Purge para ma cleanse ang soul ko. Kairita talaga..

At ngayon ewan ko itong si Kirara iba din ang feeling ko eh, pa demure na ewan for sure may masamang balak din ito sa bestfriend ko kaya humanda talaga siya sa akin, huwag lang talaga siyang magkakamali...at talaga naku nanggigigil ako sa kanya.

Busy pa ako sa sariling kong mundo ng nag vibrate ang phone ko, dali dali ko itong kinuha at malamang si donthy. Nang binuksan ko ay napasimangot ako hindi pala tapos unknown number pa.

I tapped it to read the message saying

hey gorgeous wanna hang out sometime? I know you miss me.

Jacob.

Huh? sinong jacob???? feeling ha.

Isinilid ko na ulit ang phone ko sa bulsa without replying this jacob guy at eksakto naman ang pag ring ng bell. Uwian na.

Dali dali akong tumayo at hinila na si fe na tinalo pa ang suso sa bagal maglagay ng gamit sa bag niya.

'' anong meron at nagmamadali??? '' tanong nito sa akin habang hila hila ko pa rin sa patakbong lakad.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon