Dedicated to @Shingain
'' Makalimutan mo na ang lahat, huwag lang ako ''
- Cassey
- CASSANDRA -
'' Sino ka??? ''
Natigilan ako ng marinig ko ang tanong niya. Pakiramdam ko ay tumigil maging ang pag ikot ng oras. Mukhang pati ang kakatibok ko pa lang na puso ay agad ring naglaho, pati ang kakayahan kong makapag isip at ang sumagot na sa tingin ko ay siya nang pinakamahirap na katanungang naibato sa akin ay hindi ko na rin magawa.
Nilunok ko ang laway ko at pilit ibinuka ang aking bibig.
'' D..donthy naman don't play a..around ''
Ngumiti siya...
so nagbibiro lang talaga siya, hay thanks god.
'' cassey.... '' sabi niya.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng marinig kong muli ang pangalang siya lang ang may karapatang gumamit, ngunit agad rin itong napalitan ng pagkalito at pagkabahala.
'' Cassey pasensya na pero kaano ano ba kita? magkakilala ba tayo? and why you called me baby a while ago? '' sunod sunod at seryoso nitong pagtatanong sa akin.
Napaurong ako sa inaasal ni donthy, pinaglalaruan niya ba ako???
'' D...donthy hindi mo ba ako naaalala? ''
Umiling siya, napahawak ako sa aking dibdib sabay kagat ng pang ibaba kong labi para mapigilan ang pag luha. Baka kasi she's joking lang at gusto niya akong pag tripan.
'' ahmm then h...how do you remember my name?? ''
'' Danika told me that there's someone who will be here to see me, then you came up. So I thought that you're cassey '' ngumiti ito.
Dati naman gustong gusto ko na nakikita siyang ngumingiti pero bakit ngayon parang kung pwede ko lang burahin ito sa kanyang magandang mukha ay ginawa ko na. Hindi ko kasi mawari kung pinaglalaruan niya ako o ano eh...
'' Donthy this ain't funny ha, huwag ka magbiro ng ganyan. '' nakisali na si danika sa usapan, kanina ko pa rin siya napapansin na nakakunot at pilit binabasa ang kapatid sa reaksyon nito.
Napabuntong hininga si donthy.
'' I'm telling the truth, ano ba ang gusto niyong sabihin ko, hindi ko nga siya kilala '' tukoy niya sa akin.
Humawak ito sa ulo niya at napapikit, dahil naman sa mga narinig ko na sinabi ni donthy ay para na namang may mga ugat na pumaikot sa paa ko para hindi ako makalakad. Imbes na ako ang unang makalapit kay donthy ay si danika pa ang unang nakarating at nagtanong sa nararamdaman nito.
'' Are you o..okay? tawagin ko ba ang nurse??? '' si danika, hawak hawak na si donthy.
'' n...no I'm fine '' sagot nito.
Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa, yung masayang ako kanina ay naging malungkot na.
'' saglit tawagin ko ang nurse ''
Pinindot ni danika ang button na nasa bandang kanan ng uluhan ng kama at agad namang may dumating na nurse. Kinuha nito ang vitals ni donthy at nagtanong ng mga ilang katanungan. Maya maya ay dumating na rin si dr. Lavonski.
Sinabi ni danika ang pangyayari at mariin naman itong pinakinggan ng doctor, agad nagpagawa ng ct scan at iba pang mga test para malaman kung bakit hindi ako makilala ni donthy.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomansaSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...