- CASSANDRA -
Pilit man akong nilalayuan at iniiwasan ni donthy ay wala akong pakialam, sunod pa rin ako ng sunod. Mukha ngang naiinis na ito at ang nakarating sa aking balita from her friends ay papano daw siya makaka move on kung parati niya pa rin akong nakikita? Eh malamang naman makikita niya talaga ako at mag kaklase kami sa ilang subjects, si donthy talaga parang ewan hay...
Pero makulit talaga ako. I want to get her back kaya talagang nagpupursige ako kahit para na akong tanga kakahabol sa kanya. Napapansin na nga ng mga kaibigan ko na parang may nag iba daw sa akin, naging persistent daw ako to the highest level. Hindi naman nila ako masisisi si donthy ang pinag uusapan dito noh at hindi kung sino lang.
At ngayon nga nandito na ako sa parking lot papunta sa dorm ni donthy, may pa - flowers pa ako sakanya na binili ko dun sa flower shop na nadaanan ko papunta dito, mukha tuloy akong nanliligaw, kahit naman hindi ko pa sigurado if kaya ko bang panindigan ang ginagawa ko ay isa lang ang alam ko I'll take back what I owned.
Inaamin ko kinakabahan talaga ako at kumakabog na ang dibdib ko sa kaba habang papalapit na sa pintuan. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at itinapat ito sa mismong door knob ng kwarto nito.
I took a deep breath at nanginginig na ipinasok ang susi. Nakapikit kong inikot ang susisan at ng marinig ko ang pag click nito ay marahan ko ng binuksan ang aking mga mata. Itinulak ko ng paunti unti ang pintuan, kung kanina para akong manliligaw ngayon para naman akong magnanakaw. Ginagawa ko talaga ito para sa kanya, sa... sa baby ko!
baby ko???
baby ko???
Napatigil muna ako saglit sa aking ginagawa, namula ata ako sa biglang nasambit ng utak ko.
Gosh baby ko si donthy!
Napahawak ako sa aking mukha at napangiti, medyo kinilig kasi ako eh.
At dahil dito ay para akong nabigyan ng lakas ng loob na harapin ng buong tapang si donthy. Ngunit para hindi naman ito magulat ay una ko munang isinilip ang mukha ko, tatawagin ko na sana ang pangalan nito ng bigla kong nakita si kiera at si donthy na magkadikitan ang mga labi.what the heck?!
Kasabay ng pagkawala ng ngiti sa aking mukha ang animo'y kidlat na tumama sa aking dibdib na ngayon ay pakiramdam ko'y nanginginit at nabibiyak sa sakit. Bigla rin sumikip ang aking paghinga para na akong nauupusan kailangan ko ng hangin, kailan ko ng makaalis.
Isinara ko ang pinto at tumakbo patungong exit, bago ako sumakay ng kotse ay itinapon ko na muna ang mga bulaklak na dapat sana ay kanya. Magsisimula na sana akong magmaneho pero ang paningin ko ay natatabunan ng mga luha na hindi na naman nagpapapigil sa pag labas sa aking mga mata.
Kailangan kong uminom!!! gusto kong magpakalasing!!!!!!!
- DONTHY -
Nasurpresa ako ng makita ko si kiera sa labas ng pintuan ng kwarto ko, eksakto kasi ng palabas ako ay pakatok pa lang ito. Tinanong ko siya kung anong pakay nya sa akin, hindi naman kasi ako yung klase ng tao na mahilig tumanggap ng bisita, sabi niya dadalaw lang daw siya as simple as that, may dala rin itong pagkain for us to share.
Pinatuloy ko siya, hindi naman kasi ako bastos na tao. Kumain kami and kwentuhan. Naging close nga kaming dalawa after nung usap namin ni cassey na grabe ang kulit at buntot ng buntot sa akin. Papano naman ako makakapag move on kung ganun ang inaasta niya? hay si cassey talaga.
Matapos naming kumain ay iniligpit ko ang mga kalat, take out naman kasi ito kaya diretso lang din sa basurahan.
Nanatili pa ng kaunting oras si kiera, inaantok na nga ako eh pero hindi ko naman ito masabihang lumayas na, ang harsh ko naman kapag ganun ang inasta ko. At nung oras na tumayo na siya at nagpaalam ay halos magbunyi ako sa saya sa loob loob ko.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...