Chapter 23 - Hear me out donthy

6.5K 169 32
                                    

- CASSANDRA -

I drove going to the university, it's saturday pero alam ko na donthy is there. May group project din kasi sila at ngayon yung finalization nito. Halos paliparin ko ang sasakyan ko para makaabot sa oras. It's almost 12 noon na kasi, may kalayuan yung bahay ng asshole na yun sa University.

When I entered the parking lot. I parked my car ng basta basta lang at tiningnan ko lang ng mabilis ang mukha ko sa salamin, baka kasi nagkalat na yung mascarra kakaiyak ko habang nagmamaneho kanina. Nang mukhang maayos pa naman ay kaagad akong bumaba without bringing anything but the courage and will to face my bestfriend.

Pumasok ako sa bawat classroom para tingnan kung andun sila, hindi ko kasi sure kung saan talaga yung kanilang meeting place. Naka anim na bukas na ako ng pintuan pero wala pa rin, yung 3 nga dun ay may mga lamang estudyante na gumagawa rin ng kung ano man, tumingin sila sa akin na parang gulat na gulat at parang may mga tanong na nakaukit sa kanilang mga mukha. Alam ko nakakahiya ang itsura ko at hindi na rin ako nakapagbihis ng damit na kahapon ko pa suot but I care less, all I wan't is to see donthy and talk to her.

Isinara kong muli ang pintuan ng pang 12 na classroom na aking binuksan subalit wala pa rin akong napala kahit bahid man lang sana ng mga anino nila.

Ipinagtanong ko na rin sa mapangilan ngilang estudyante na nakakasalubong ko kung nakita ba nila si donthy o yung groupmates niya. Pero hindi daw.

Napasandal ako sa pader nang bigla kong naisip na baka nasa may bench ito na madalas nilang pagtambayan nila paul.

tama dun nga!

Patakbo kong tinungo ang lugar at nakita ko ang 4 na katao na nakaupo at isa ang nakatayo, si paul. Kahit medyo malayo layo pa ako ay nakita ko na ang likod ng bestfriend ko, naka messy bun ito ngayon at naka plain white shirt lang, nag uusap silang magkakaibigan pero yung isa na katabi ng hinahanap ko ay walang iba kung hindi si kiera. Kung ibang araw lang siguro ito ay marahil ay nasubunutan ko na ang malanding babaeng ito pero hindi eh, hindi naman siya ang pakay ko.

Marahan akong lumapit sa grupo, una akong napansin ni paul na medyo napa atras pa nang kaunti kasabay ng paglaki ng kanyang mga mata ng makita akong papalapit sa pwesto nila.

Dahil sa naging reaksyon ni paul ay tumingin na rin sa direksyon ko ang mga natitira. Hindi ko pinansin yung iba, yung mata ni donthy ang gusto kong makita, at nagtama na nga ang aming mga paningin.

Pagkakita nito sa akin ay agad itong tumayo at hahakbang na palayo, kaya naman isinigaw ko ang pangalan nito.

'' Donthy!!!! '' tumigil siya ngunit hindi lumilingon.

Nakakita na ako ng pagkakataon kaya agad na akong lumapit, nakamasid lang naman ang iba pa niyang mga kaibigan maging si kiera.

'' donthy I'm sorry '' halos naiiyak ko ng saad sabay hawak ko sa braso nito.

Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kawalan, pero her simple gestures na ginagawa niya ay alam na alam ko. Her knitted eyebrows, her hands into fist, her jutted jaw at maging ang paghinga niya, alam na alam ko yan. She's furious and hurt dahil sa akin.

I swallowed first the developing lump inside my throat bago nagsalitang muli.

'' donthy please talk to me '' pagsusumamo ko at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak ko sa braso niya.

'' we have nothing to talk about '' she answered coldly and was about to take her step away from me, pero pinigilan ko siya at tumayo na sa harapan niya.

'' donts please hear me out. I didn't mean it...... I... '' she cut me off.

Tumingin siya sa akin nang diretso but all I can see in her eyes was hatred and sadness.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon