Bonus Chapter part 2

8.5K 176 21
                                    

- DONTHY -

'' angel what do you want huh? '' tanong ko sa anak kong si drexa na karga karga ko habang si dean naman ay hawak ko sa kaliwang kamay. Nandito na kami sa mall ngayon having our mall time na pinaglabanan pa naming mag asawa with the bunong braso.

Dehado talaga ako kahapon, my wife cassey is way too professional pag dating sa larong yun. Ewan ko ba ang payat payat naman niya but she's too strong than me sa larangan at usaping braso😅.

Mabuti na lang at supporter ko ang kambal and had their acts para idistract ang mommy nila. If cassey just saw her own face yesterday matatawa rin siya. Nakasimangot kasi ito while the 3 of us were having the victorious faces and yells.

'' mom that one '' sagot ni drexa, itinuturo niya ang puzzle of the human body parts. She asked me to bring her down which I did and ran towards it. Dean follow her sister at kumuha na rin ng kanya.

If my wife haven't reveal this yet, our twins are special. In their early years napansin naming mag asawa na may kakaiba sa kanila. Yung mga bata in their ages of 3 or 4, they act like what others do what i mean is they do like A,B, C's, watching cartoons and all the sort but dean and drexa doesn't.

They are more fond of memorization - they even already memorized the names of all countries in the world pati na ang capital nito, watching any english learning shows, even the human anatomy for goodness sake.

Kaya last month dinala namin sila sa doctor to check them and there nalaman namin na ang kambal namin is having the IQ  level of 146 for dean and 147 for drexa. - they're effin geniuses!

Halos matulala kaming mag asawa at ganito ang mga utak ng anak namin na mas mataas pa ata sa IQ level namin lol!

That's why they think matured than the kids on their age. Hindi naman sila mahirap palakihin dahil super babait naman at masunurin ang dalawa. Pero dahil they're still young ginagawa namin ang lahat para maramdaman nilang bata pa rin sila. Ayaw ko naman na agad silang makaramdam ng stress towards something or whatever. Kawawa rin naman sila kapag nagkataon.

Nilapitan ko ang dalawa. Drexa picked another human body parts, yung puzzle na naman. She really has a thing towards our body and how everything works. On the other hand Dean have decided to grab   a toy car, finally. Pero yun ang akala ko dahil sa loob pala ng box ay mayroong something like a book? or magazine or whatever that is na nagpapaliwanag how to make a car! Aaaayy jusmio talaga ako na lang ang napapanganga sa dalawang batang ito.

'' can we pay them mom, so that we can go to mommy already? '' si dean.

'' okay let's go '' sagot ko at pumunta na kami sa cashier.

Pagkabayad ko ay tumungo na kami kay cassey na naghihintay na sa food court. Ganito palagi ang asawa ko kapag namimili kami ng mga toys, nauuna na ito palagi sa kainan ayaw niya raw mapagod kakahintay sa dalawang bata na pumili ng pang matandang laruan kung tukuyin namin but for the twins they named it as toys lang talaga. Hay!

'' mommy!!! '' sigaw ng magkapatid  ng makalapit na kami kay cassey.

'' hey little donkeys!!! '' ngiting ngiti namang pagsalubong nung isa.

Yumakap ang kambal sa asawa ko at umupo na sa silya ng makita na nila ang pagkaing nakalatag. I gave my wife a chaste kiss and sat across her. This time ang katabi ko ay si drexa at si dean kay cassey.

Hindi na nga niya tinanong kung ano ang binili ng dalawa naming anak dahil alam ko na alam na niya kung ano yun.

We started to eat, tahimik sa simula ng bigla dumighay si dean sa harap ng kapatid. Eh sa may pagka maarte naman yung isa kaya nag yuck na at nag eww pa at pinagsabihan na naman ang kapatid.

Ngumiti ngiti lang naman si dean kung kaya't naasar si drexa at ito'y nagbanta.

'' dean even you are my twin brother I won't hesitate to throw all your toys inside the trash bin. ''

'' oh really? '' pang aasar nung isa.

'' wanna try me??? '' asik naman ng nauna.

Bago pa tuluyang magkaasaran yung dalawa ay sinaway ko na si dean and he nod in understanding.

'' sorry '' si dean sa kapatid.

Mapagkumbaba naman talaga ito pero yung isa ay nag crossed arms pa hindi ko tuloy napigilang mag komento.

'' manang mana '' ngumisi ako earning a kick under the table. Sinipa ako ni cassey.

Tumingin ako sa asawa ko na matatalim na naman ang mga titig sa akin. Para mawala naman agad ang inis nito ay nag flying kiss ako sa kanya. Hinuli naman niya ito at ikinulong lang sa kanyang kamay. I gestured her to put it on her lips at ng gagawin na niya sana ay biglang bumaba ang kambal sa kanilang upuan.

Napalingon kaming mag asawa just to see Dean and Drexa helping a beautiful kid na sa itsura ay nadulas ata, auburn ang kulay ng mahaba nitong buhok, medyo chinita at maputi. Hawak ni dean ang kaliwang kamay nito at si drexa naman sa kanan. Tinulungan nilang tumayo yung batang babae, hindi naman kami nagulat sa ginawang ito ni dean dahil sadyang he's helpful talaga kahit sa hindi niya kakilala. What caught our attention or I rather say who caught our attention was drexa.

Hindi naman kasi siya tumutulong sa ibang tao lalo na sa strangers. Kaya nagtaka kaming mag asawa why all of the sudden she ran fast to help this young kid. Nagkatinginan kami ni cassey and couldn't hide our smile. Napailing pa kami pareho dahil at this young age alam na namin kung ano ang ibig sabihin nito.

Alam na this...😘

------------------****************--------------------

🎉 Tapos mo nang basahin ang THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!? 🎉
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon