Chapter 28 - Sanib!!!

7.7K 198 28
                                    

- DONTHY -

Bigla akong napabangon sa aking higaan.

shit sabi ko na nga ba at panaginip ko lang ang lahat. - sabi ko sa isip ko.

Napahawak ako sa batok ko at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kagabi. Parang totoong totoo kasi.

Sinundo ko raw si cassey lasing na lasing at iniuwi ko dito sa bahay. Tinawag niya akong baby at nagseselos daw siya. She even told me that she want me back and before she kissed me ay binigkas pa nito ang salitang you're mine.

Kaloka ang panaginip ko nakakatawa pero nakakakilig talaga..

Nangisay ngisay pa ako sa kakiligan bago bumangon ng kama at pumunta sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Bago ako lumabas sa kwarto ay nag last glance pa ako sa higaan at baka andun nga si cassey, pero wala talaga.

Iiling iling akong lumabas ng kwarto habang hawak hawak ko pa rin ang batok ko. Ang laki pa ng paghikab ko nang may biglang bumati sa akin.

'' GOODMORNING BABY!!! ''

Mabilis kong isinara ang aking bibig.

'' c...c..cassey a...anong ginagawa mo d...dito?? '' pautal utal kong pagtanong.

Ngingiti ngiti itong lumapit sa akin habang hawak nito ang plato at nakasuot pa ng apron. Ikinabit niya ang braso niya sa akin at hinila ako paupo sa mesa kung saan may nakahanda ng almusal. Inilapag niya ang plato at madiin akong hinalikan sa labi.

'' goodmorning '' magkatapatang mukha niyang bati muli.

Napaawang lang ang bibig ko at ang mata ko ay nanatiling malaki, hindi na nga ako kumukurap sa labis na pagkabigla.

so hindi ako nanaginip?? totoo lahat ng yun??

'' baby kain ka na oh '' sabi pa nito at sinalinan ako ng kanin sa plato. Napatitig lang ako sakanya.

Kung totoo ang pangyayari kagabi so ibig sabihin ang lasing ay si cassey pero bakit parang ako ang may hang over ???

Umupo ito sa katabi ko at kinuha ang kutsara para salukan ng kanin at isubo sa akin.

'' baby kain na ''

baby??? ako??? gosh kung panaginip man ito parang grabeng sweet naman ata ni cassandra and lord please don't wake me up.

Pilit niyang ipinapasok yung  kutsara sa bibig ko kaya binuksan ko na ito. Habang ngumunguya ako ay kinurot kurot ko ang pisngi ko kung talaga bang gising ako. Sinapak ko pa nga eh.

'' ouch '' mahina kong sambit, hinawakan naman ang pisngi ko ni cassey at hinimas himas ito.

Ayy totoo nga nandito siya at hindi ito isang panaginip lang.

'' baby bakit mo ba sinampal ang sarili mo? '' tanong nito habang patuloy sa paghimas.

'' A...ano bang g..ginagawa mo d...dito a.t b..bakit mo ako t..tinatawag na baby??? ''

Kinuha niyang muli ang kutsara at muli akong sinubuan.

'' donthy ako ang lasing kagabi hindi naman ikaw, girlfriend mo na ako nag kiss na nga tayo eh '' maarte ngunit sweet nitong sagot sa akin.

Lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko at biglang napainom ng tubig.

'' a...ano girlfriend na kita!??? '' halos pasigaw kong pagtanong. Hindi kasi kapani paniwala ang nangyayari o tuluyan na ba akong nabaliw sa paulit ulit na rejection na natanggap ko??

'' donthy ha ang oa ng reaksyon mo, yes I'm your girlfriend, kinarga mo pa nga ako kagabi when I can barely walk patungong kwarto. '' ngumisi ito, yung cute pero medyo creepy.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon