- CASSANDRA -
Inis na inis talaga ako kay donthy. Hindi naman ito yung first time na nakaramdam ako ng ganito towards her, normal namang mag away at magkatampuhan ang mag bestfriends diba pero this time iba kasi.
Yung oras pa lang na nakita ko yung kamay ng babaeng yun sa pisngi niya ay nabwisit na ako tapos sinundan pa ni donthy ng paghawak niya sa kamay ng blonde na lintang yun??? ay di napapawala na ako sa inis.
I tried to call her several times, nagriring lang ang phone nito at hindi sinasagot. I texted her numerously pero wala pa rin. Hinintay ko siya at umupo lang dun sa may hagdan at hindi pumasok sa loob ng kwarto niya kahit may susi ako para lang makita ko siya kaagad pero ano ang iginanti niya sa akin?? Pinagtatanggol niya pa ang babaeng yun. Sinasabi ko na nga ba hindi kami magkakasundo ng bruhang yun.
'' Aaaaahhhhh bwisit!!!!!! '' sigaw ko sa kotse pagkatigil ko sa may gilid ng kalsada. Pinag pupukpok ko yung manubela sa sobrang inis ko. Ang sakit sa kamay pero hindi ko ito pinansin.
Hindi ko rin alam kung bakit grabe ang galit ko ngayon, ang alam ko lang nagsimula ito when I saw that hand on donthy's face.
'' I hate you, I hate you kirara talaga '' napa patong na lang ako ng ulo ko sa steering wheel at napapikit ng mata. I'm hyperventilating.
I'm doing my deep breathing when someone's knocking on my car's window.
Matalim kong tiningnan kung sino ang kumakatok - si donthy, sinundan pala ako gamit ang motor niya.She gesture me to pull down the window, inismidan ko lang ito. Bakit ba inis pa din ako sa kanya. Kumatok siya ulit pero hindi ko ito pinansin. Then mamaya biglang tumunog ang phone ko. Si donthy na naman ang kulit talaga! sinagot ko rin naman.
'' ano??? ''
'' open the door please ''
'' NO!!!! ''
'' please kahit window lang??? '' pagmamakaawa nito.
Tsk sige na nga.
I ended the call and open the door na hindi lang yung window ha.
Pagkabukas ko pa lang ay umarangkada na si donthy sa pagsusumamo.
'' cassey ano ba huwag naman ganito, hindi ko naman talaga yun sinasadya at bakit ba grabe ang galit mo kung nahawakan ko kamay niya ''
'' because I don't like her period '' naghalukipkip ito.
Donthy unfold my arms and hold it with her. Pinisil pisil niya rin ito na parang minamassage.
'' ayan na ha hinahawakan ko na rin ang kamay mo '' Tumingin na ito sa akin. Napapangiti na ako, para kasing bata si donthy pero pinigilan ko lang.
'' tse '' pagkunwari ko pa.
She intertwined our fingers at for the first time may naramdaman akong kakaiba, ginagawa naman namin ito dati pa pero bakit parang there's something unusual??? hmmm nakakapagtaka naman, pero baka wala lang naman to.
'' beeesss nga..... '' ngumuso na po si donthy. Lumambot na tuloy ng tuluyan ang puso ko, nawala na rin yung inis ko kanina. Ang bilis diba? ganito kalakas ang power sa akin ng bestfriend ko eh.
'' hmmmm sige na nga '' bigla kong hinila ang kamay niya na nakaintertwined pa sa kamay ko.
'' ump '' napatama kasi yung tyan ni donthy sa tuhod ko at bigla akong humarap.
'' oh my god, sorry bes sorry!!! '' dali dali akong bumaba ng kotse at hinimas ang tummy niya.
Napapapikit ako sa pag aalala mukhang napuruhan ng tuhod ko ang tyan niya. Todo todo pa ang paghimas ko sa tiyan niya ng bigla namang nag ring ang phone ko. Hindi ko ito pinansin mas importante ang ginagawa ko kesa sagutin kung sino man ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...