Chapter 42 - Maldita to the highest level

4.9K 129 8
                                    

- CASSANDRA -

Tahimik akong nakaupo at nagmumuni muni dito sa hardin. Kakatapos ko lang tumawag sa pamilya ko, two days pa lang akong nawawala sa bahay ay miss na miss ko na rin kaagad talaga sila. Kahit dati pa naman kasi never akong umalis sa bahay na hindi sila kasama, nabago lang yun when I and donthy become best of friends.

Every summer break kasi namin, ay nag a-out of the country kami, pumupunta kaming dalawa sa mga lugar na may mga adventure. We went to safari, in botswana to see elephants, pinuntahan rin namin yung tinatawag na death road in yungas bolivia.

We even go to Mt. Taranaki in North Island New Zeland at marami pang iba but the best for me was during our Monte Carlo visit. Kilala kasi sila sa pag host ng glamorous motor races. Dinadayo ito ng mga sikat na tao sa lipunan na mahilig sa ganitong libangan. At dahil pareho kami ng hilig ni donthy ay talagang enjoy naman kami. That's why even now hindi ko pa rin matanggap na sa pagmamaneho at may kaugnayan pa sa sasakyan ang ikakapahamak ng fiance ko. Pero aksidente nga naman, tsk hindi pala aksidente sinadya nga pala ng gagong jacob na yun. Mabuti na lang mabubulok yun sa kulungan, kulang pa nga ang parusang yun eh pero fine mas okay na yun kesa makalapit pa siya kay donthy.

'' oooh kaya pala tahimik ang mansyon dahil nandito ka mahal na bruhilda ''

Sa tinis pa lang at pangit na boses nito ay alam ko na kung sino ang nagsalita, walang iba kung hindi ang malanding linta.

Hindi ko siya nilingon, total wala naman akong pakialam sa kanya.

'' gosh kanina hindi pa makati ang hangin dito ngayon oo na tsk '' nagkamot ako sa aking braso para mas dama nito.

Tumawa siya ng mahina at tumayo sa may kanang parte ko.

'' maligo ka kasi ng hindi ka katihin '' sarkastiko nitong turan sa akin.

'' I don't think maaalis to ng tubig eh, kasi as long may malanding higad at linta dito sa paligid for sure hindi ito mawawala '' pagtataray ko, simpleng patama na rin sa kanya.

She chuckles.

'' oohh kailan ka pa nakaramdam?? sa pagkakaalam ko napaka manhid mo, simula noon hanggang ngayon '' pabalang nitong sagot.

'' excuse me? manhid? look who's talking duh! '' umirap ako. Hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Si kirara ang unang humarap sa akin, eh sa palaban ako so hinarap ko din siya.

I crossed arms sabay taas ko ng kilay, aba't ginaya ako walang originality tsss...

'' so ako ang manhid? ''

'' you said that not me '' I smirked.

Napailing naman ito at agad bumanat ng sasabihin niya.

'' sino kaya ang mas manhid? harap harapan na nga hindi mo pa rin makuha. Donthy can't remember you girl so back off!!! '' with hand gesture pa siya ng pag papalayo sa akin.

'' aaah akala mo purke hindi niya ako maalala you have an ace already over me, well to tell you b*** she's still my fiance at aminin man natin sa hindi she's still mine, so go Landi pa more and goodluck with that...make your act more better than that! '' I spat while eyeing her from head to toe.

Kapal ng mukha anong akala niya maaagaw niya si donthy, landi ni te! at asa pa ha.

'' sabi mo yan ha sige hinahamon mo ba ako? then I'll accept it goodluck dahil ako '' tinuro niya sarili niya.

'' para mapaalala ko sayo. Ako ang nauna sa kanya and she promised me something so dahil ako yung naaalala niya KABAHAN KA NA! '' pinandilatan niya ako ng mata.

Inaamin ko, I feel threatened may point kasi siya. Tama siya mas naaalala siya ni donthy kesa sa akin. Pero ako si CASSANDRA IMPERIAL at hindi pa ako sumuko sa isang laban.

I took a deep breathe bago nagsalita.

'' sarap ng hangin no, gusto mo pa ba yan malanghap bukas? '' I  paused para makita ko ang reaksyon nito.

Napakunot lang siya ng noo.

Binigyan ko siya ng plastic na ngiti at mas idinikdik pa ang mukha ko sa kanya.

'' if you want to still live mag ingat ka sa kinakalaban mo, you don't know what I'm capable and willing to do lalo na pagdating kay donthy. Maglalandi ka pa lang Pasampal na ako. '' banta ko.

Binagalan ko pa nga ang pagkasabi ko para mas marinig at maintindihan niya.

I almost laughed sa naging itsura nito. Natulala at parang halos maiyak na.

She regained her composure at medyo itinulak niya ako palayo. Lalaban pa talaga ang loka loka.

''  well let's see, hindi mo rin ako kilala Cassandra, mabait ako kung mabait pero kaya ko rin gawin ang lahat to make her mine. '' madiin na pakasabi nito kontra sa akin.

Tumawa ako ng malakas.

'' Goodluck dear 'coz to tell you what? Kalahati ng ako ay mabait pero ang buong ako ay maldita.. so beware! '' turan ko with all the hateful conviction pa, sabay kindat.

Pang asar ba! bruha eh keynes..

Aalis na sana ako pero may bigla akong naalala.

'' and one more thing '' lumingon siya sa akin.

'' don't fantasized baby dahil natikman na niya ako and I don't think she'll look for another body other than mine, so ammmm uso ang pagtabas  nang kapal ng mukha '' I evilly grinned sabay talikod.

Natawa ako sa sinabi ko, inis na inis ito sa akin... narinig ko pa nga na tinawag pa niya akong bitch.

Well I don't f**** care I can be more than that kapag dating sa taong mahal ko, kaya huwag na huwag niya akong susubukan.

- DONTHY -

'' anong ginagawa mo dito? '' tanong sa akin ni dominika.

Nakaupo kasi ako sa bubong ng bahay. Noong bata pa kasi ako sa tuwing nag iisip ako ay dito ako tumatambay. Tumabi sa akin ang kapatid ko.

'' ahmmm wala naman. I'm just trying to figure something  out. Pakiramdam ko kasi may nakalimutan ako na napakalaking bahagi ng buhay ko. I feel so empty nika. '' malungkot kong saad sa kapatid ko.

Inikot naman ni nika ang braso niya sa aking balikat at hinila ako palapit sa kanya.

'' it's okay donthy, maaalala mo din yan just take it easy ''

Tumango ako..

'' I know pero kailan nika? pakiramdam ko may napakahalaga akong dapat gawin sa isang tao pero I can't remember it even just a hint and it frustrates me, like real ''

'' hey ano ka ba, donthy listen. Oo hindi mo naaalala ang 5 taong nakalipas sa buhay mo but here's the thing, mararamdaman mo naman ito. Diba sabi nga nila hindi mo naman kailangan maalala ang lahat as long that there is this something, that you feel something special or different, alam mong yun na yun, na alam mong siya na yung taong tinutukoy mo. ''

Pinakinggan ko ang sinabi niya at bigla akong napaisip,  siguro nga tama si dominika.

I always known that it was you!

pero kailangan ko muna itong siguraduhin, kailangan...

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon