Letter to my Wife

5.5K 140 5
                                    

To my wife Cassandra,

Habang isinusulat ko ito ay hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan ko kayong mahimbing na natutulog ng ating mga anak.

Hindi ko alam kung bakit kahit asawa na kita ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkatorpe.

Siguro hindi na ito maaalis sa akin dahil sabi nga nila kapag kaharap mo ang taong mahal mo ay halo halo ang emosyong iyong mararamdaman.

Cassey, mahal.. salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sayang dahil hindi ko pa rin magawang maalala ang mga masasaya o kahit ang malulungkot na pangyayari sa ating buhay noon.

Pero nawala man ang aking alala ay hindi naman ako naligaw, dahil ikaw pa rin ang aking minahal. Unang kita ko pa lang sayo sa hospital ay alam ko na mahal na kita.

Ikaw at ikaw lang cassey ang nagpapaligaya sa akin. Maraming maraming salamat sa walang humpay mong pagmamahal at sa pag bibigay mo sa akin ng bestest gift ever - ang ating mga anak.

Mahal na mahal kita Mrs Maxine ko. Siguro kung mauulit man ang lahat ikaw pa rin talaga ang isisigaw ng puso ko.

You're my sunshine, you're my everything. Ikaw at ang mga anak natin.

Alam ko matatawa ka pagka gising mo bukas. Sasabihan mo na naman ako ng hopeless romantic, torpe at duwag. Pero wala eh nagkakaganito ako ng dahil sayo.

Sayo na bestfriend ko na ngayon ay asawa ko na. And I am always here for you hanggang sa ating pagtanda.

I love you so much Cassandra.

Always Inlove with you

Your wife Donthy

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon