Chapter 50 - I'll rescue you

4.5K 115 1
                                    

- DONTHY -

Pareho silang nakatitig sa akin. Una kong tiningnan si cassey na halos nakakunot ang noo. She was hurt. May nakapalibot sa ulo nito na puting tela at may kulay pula dito - dumudugo ang ulo niya. Halata rin sa kanyang mukha na she's very tired.

Ano ba ang kasalanan namin sa lalaking ito at  bakit niya ito ginawa?

And right on cue nagsalita na ito.

'' oh hello there donthy, kumusta? ''

kilala niya rin ako???

Napansin ko na parang nataranta si cassandra at bigla ring tumayo when the guy stood up.

'' who the hell are you and why you're doing this??? ''

He chuckle at umiling iling.

'' wow ang bilis mo naman ata akong makalimutan bestie, it's me jacob cassandra's...... ''

'' shut up jacob! '' putol ni cassey sa dapat ay sasabihin nito.

Iniharang rin nito ang kanyang katawan ng itinutok sa akin nitong jacob daw ang pangalan ang baril.

'' please dont '' si cassey.

Tumawa namang nakakatakot ang lalaki at nagsalita.

'' yeah right balita ko nagka amnesia ka nga raw, so let me introduce myself ''

Naglakad ito ng paunahan at nilampasan si cassandra.

'' Ako si Jacob, her boyfriend '' itinuro niya si cassey na nakatitig naman sa akin na hindi ko maintindihan ang gustong ipahiwatig sa mga tingin niya.

'' her ex boyfriend, dahil sa kagagawan mo!!!!! '' itinutok niyang muli ang baril sa akin.

Bigla akong nalito.

ex siya ni cassey at dahil sa akin? bakit? anong nangyari?

'' Jacob stop this bullshit!!!!! '' sigaw nung isa na pilit tumakbo at iniharang muli ang kanyang sarili sa pagitan ko at ng baril.

'' Move aside honey!!!!!!! ''

'' No! ibaba mo muna ang baril please don't shoot her '' she begged.

Nakita ko rin kung papano na nanginginig ang kamay nito, sa pagkatakot para sa buhay ko???

Ano ba talaga ang relasyon naming dalawa???

'' Isa cassandra!! hanggang ngayon ba naman siya pa rin ang pipiliin mo over me. Ano bang nakita mo sa kanya. She has no d*** para mapaligaya ka!!!! '' sigaw ni jacob kay cassey.

'' Wag kang bastos jacob!!! ''

'' At ako ang bastos????? f*** y** cassey. I loved you pero siya ang gusto mong pakasalan, isang lesbiana????  '' galit na galit na sigaw nito kay cassandra.

Teka? pakasalan? so magpapakasal na dapat kami ng bestfriend ko???

Napalingon sa akin si cassey na umiiyak na, hindi ko mawari kung bakit ganun ang mga tingin niya sa akin. Para bang sinasabi nito na umalis na ako, she's trying to protect me.

But no hindi ako aalis dito na hindi siya kasama.

Ibinalik ni cassey ang atensyon sa kaharap niya at ako naman ay parang nabuhusan ng semento sa pagigi kong istatwa. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga rebelasyon.

All this time, nagpanggap si cassandra na bestfriend ko, na ang totoo ay siya ang fiance ko.

Halos madurog ang puso ko dahil sa lahat ng dapat kong makalimutan ay bakit siya pa at ang naging relasyon namin?

'' It's not all about s** jacob, kahit kailan hindi ako nagmahal para lang dyan '' tinuro niya ang alaga ng kaharap.

'' I love her kaya siya ang pinili ko and I'm sorry but I never loved you '' halos hindi na marinig pa ang boses nito dahil sa pagkapaos kasabay pa ng kanyang pag iyak.

Tumawa ng mapakla si jacob at isinentro muli ang baril sa akin.

'' Then I'll kill her, kung hindi ka magiging akin hindi ka rin mapupunta sa kanya!!!! ''

Ipinutok nito ang baril subalit hindi ako nito natamaan dahil itinulak ni cassey ang braso ni jacob pakaliwa at tumilapon ang baril sa sulok.

Kukunin niya sana itong muli pero para akong natauhan at napabilis ng pagkilos ng nakita kong natumba si cassey sa kagagawan ni jacob.

Bago pa man nito maabot ang baril ay nahawakan ko na ang damit nito sa likod at sinuntok siya sa mukha. Sumuntok rin siya ngunit ako'y nakailag.

Hindi ko alam kung kailan ako natuto na makipaglaban ng ganito, pero wala na akong oras para mag isip pa, buhay namin ng mahal ko ang nakasalalay sa labang ito.

'' donthy mag ingat ka! '' narinig kong sigaw ni cassey sa likod ko.

Napalingon ako sakanya kung kaya't nasuntok ako ng gago, natumba ako katabi ni cassandra. When he was about to attack me again ay agad ko siyang sinipa sa sikmura. Napaurong ito sa sakit.

'' hoooo magaling ka pala bestie!!! '' sambit nito habang namimilipit pa rin sa sakit.

Tumayo na ako at naglakad papalapit sakanya. Tumalikod ito sa akin. I hold his back and I was caught off guard ng humarap ito sa akin with  his gun.

'' say hi to satan donthy '' ngumisi ito at pinukpok ako ng baril sa ulo and all went black.

- CASSANDRA -

Nakita ko na bumulagta si donthy sa sahig, itututok na sana ng loko loko ang baril kaya pinulot ko ang kahoy na malapit sa akin. Tumakbo ako ng mabilis kahit ang sakit na ng sugat ko sa tuhod at sobrang hilo ko na.

Pinukpok ko sa ulo si jacob pero totoo ata ang sinabi niya na siya ang devil, kahit kasi dumugo ang ulo nito ay parang hindi ito nasaktan. Inagaw nito ang kahoy sa akin at itinapon sa likod niya.

'' kinikiliti mo ba ako hon? '' pinandilatan niya ako ng mata at hinawakan sa braso.

'' let go of me! ''

'' kung hindi ako ang pipiliin mo ay magsama sama na tayo sa impyerno!!!! '' sigaw nito sabay tulak sa akin.

Lumanding ako katabi ng walang malay na si donthy.

'' donthy '' sambit kong napakahina.

Gumapang ako papalapit sa baby ko at niyakap ko ito.

Wala na kaming kawala sa hayop na ito kaya kahit sa huling pagkakataon ay masabi ko na naprotektahan ko ang taong pinakamamahal ko.

'' I love you '' bulong ko sa tenga niya, matapos kong marinig ang pag kasa ni jacob ng baril.

'' Goodbye Cassey! see you both in hell ''

Ipinikit ko ang aking mga mata at inihanda na ang aking sarili sa sakit na aking matatanggap.

At pumutok na ang baril.

Bang!!!

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon