Chapter 51 - Wait for me

5.2K 130 1
                                    

- CASSANDRA -

Iminulat ko ang mga mata ko. Buhay pa kami? Kinapa kapa ko ang aking katawan, wala akong tama.

Napalingon ako kay jacob na ngayon ay nakahiga sa sahig at duguan.

Bigla na lang akong napaluha sa katotohanang buhay pa kami ni donthy. Nakita ko ang sunod sunod na pagpasok ng mga pulis sa loob ng bodega. Mabuti na lang at dumating sila kaagad dahil kung hindi malamang wala na kami dito sa mundong ibabaw.

Pumasok na rin ang mga paramedics at pareho na kaming kinuha ni donthy para magamot. Lumingon ako sa huling pagkakataon para makita ang walang  buhay na si jacob.

I feel sad and bad for him but he chose his own fate at ito ang kapalit ng ginawa niya, at totoo nga ang kanta na once kong napakinggan that too much love will kill you.

And jacob died for loving me.

---------------------

'' anak ready ka na? '' si dad, dumating sila ni mom dito sa NY the day after the incident.

Kaya pala tumatawag sa akin si ate kc that time ay para bigyan ako ng warning about jacob. Kaya raw kinabahan ito ng hindi na ako sumagot after ko ibaba yung phone.

And now is the day na babalik na muna ako sa France. Pumayag na rin ako dahil ang tagal ko na ring wala sa bahay. Hindi na rin daw kasi nakakatulog si ate na hindi na nakasama pa sa pagsundo sa akin dito.

She's so worried about me and I think it's time na rin to go home. Iiwanan ko muna si donthy.

Kahit pala napukpok siya sa ulo ay
wala pa rin itong pinagbago. Hindi niya pa rin maalala ang 5 taon sa buhay niya kasama ako. And I don't mind it.

Okay lang naman sa akin as long na ligtas siya at wala ng magtatangka sa kanyang buhay ay mapapanatag na akong pansamantala siyang iwanan.

'' I'm ready dad puntahan ko lang po si donthy '' tumango ang parents ko. Nakaupo sila dito sa sala kasama si tita Agatha.

Umakyat akong muli sa kwarto kung saan nagkukulong ang unang nabanggit. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng tinawag ako ni tito derek.

'' cassandra maaari ba tayong mag usap? '' seryoso nitong tanong.

'' sige po tito ''

Sumunod ako sa opisina ni tito at umupo kaharap niya.

'' Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, alam ko na higit pa sa pagkakaibigan ang naging relasyon niyo ng aking anak. Hindi naman ako bulag para hindi ko yun makita. Sobra ang pag aalaga mo kay donthy from France hanggang sa pag uwi dito. Inalagaan mo pa rin siya at nagmamalasakit kahit hindi ka nito naaalala. '' he paused at tumingin sa akin.

Sa pagkailang ko ay napatingin ako sa nagpapawis kong mga kamay na nakapatong sa aking hita.

'' I...I'm s..sorry tito kung -- '' he cut me off.

Tumayo siya at umupo katabi ko. Hinawakan niya ang aking mga kamay.

'' Thank you iha '' saad nito.

Iniangat ko ang aking ulo and meet his gaze. He's smiling at me.

'' Salamat sa walang humpay na pagmamahal sa bunso namin. And you don't have to say sorry dahil I'm glad na ikaw ang girlfriend ni donthy or should I say mapapangasawa ng anak ko '' mas lalong lumapad ang ngiti nito sa kanyang mukha.

'' t..tito d..do you mean it? '' kinakabahan ko pa rin tanong.

Tumango siya.

'' yes at wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin na ang lahat ng anak ko ay umibig sa kapwa nila. I've been too hard kay dominika at danika kaya umalis sila and I don't want donthy to leave this house as well ''

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon