CHAPTER 1

4K 61 0
                                    

CHAPTER 1

SHE'S so beautiful, no one can deny it. She's just not look like an angel, I think she really is for her many good deeds that she have made already.

Paano ko nasabi? I stalked her through social media, 'til at this moment. I don't do these stuffs, but because of her, napilitan ako.

I stalked her Facebook and Instagram account since last night, pero hindi ko siya fina-follow nor ina-add sa Facebook. Baka mahuli niya kasi agad ako, eh. Napakarami niyang photos doon. Halos lahat yata ng ganap sa buhay niya, naka-post.

Doon ko nga napatunayan na isa nga talaga siyang pediatrician, sumasali rin ang pamilya niya sa mga charity events, and she was also a beauty queen. And I saw how really beautiful she is at those photos.

She took my number but she didn't contact me until now, but I'm still waiting for her to contact me.

Kagabi lang din napatunayan ko sa sarili ko na I like her, I really do like her. I'm not denying it anymore dahil hindi naman ako magkakaganito ng ganito kabilis towards her if I don't. Ang hindi ko lang maipaliwanag ay kung bakit ganito kabilis. Ngayon ko lang naranasan ang ganito sa buong buhay ko, sa kabila ng mga babaeng nakarelasyon ko na noon. I don't believe in love at first sight, but that's what happening to me right now.

"Aha! Kaya naman pala hindi kita ma-contact dahil abalang-abala ka naman pala sa pang-i-stalk d'yan!" Halos mapabalikwas naman ako ng upo rito sa swivel chair ko nang marinig ko ang boses ni Yvann mula sa aking likuran. Dali-dali ko ngang itiniklop ang laptop ko without switching it off. Damn, kanina pa ba 'tong lokong 'to rito?

"Kanina ka pa r'yan? Bakit hindi ka man lang kumakatok?! Bigla ka na lang sulpot nang sulpot!" Inis na sita ko nga sa kaniya saka ako napaayos ng upo.

"Anong hindi kumakatok? Naka-ilang katok na ko, ayaw mo pa rin akong pagbuksan, loko! Kanina pa rin kita tinatawagan pero ayaw mong sagutin, nandito ka lang naman palang gago ka! Kaya pumasok na lang ako, tapis hindi mo pa rin ako naramdaman? Langya! Eh, paano mo nga naman kasi akong mararamdaman, eh, tuwang-tuwa ka r'yan sa tinitignan mo!" Bwelta niya naman agad sa akin.

Napatitig ako sa kaniya. Ganoon nga ba ako ka-focus sa pang-i-stalk kay Allyna? Damn!

"Nakikiuso ka rin pala sa mga ganyan, 'pre? Si Allyna 'yang ini-stalk mo 'no?" Pang-u-usyoso na niya sa akin.

"What? No! May tinignan lang ako sandali," Kaagad namang tanggi ko habang hindi nakatingin ng diretso sa kaniya.

Kaagad naman akong napahawak sa ulo ko, bigla ba naman akong binatukan! "Hey! What was that for?!"

"That was for you acting like a teenager denying his little fancy feeling for his crush! Langya, pare! You're already thirty one years old, man! Kung gusto mo siya, hindi na dapat ganyan ang ginagawa mo! Go to her and ask her out, moron!" Aniya pa sa akin habang nakangisi.

"Gago!" I said saka ko siya inismiran. "Agad-agad? I can't do that! Baka iba pa isipin n'on, eh. Baka isipin n'on galawang fuckboy ako, dinadaan siya sa mabilisan. Siyempre, I want her to get to know me first. Do you get me?" I told him.

"Whoah, still acting like a gentleman, huh? Akala ko sa tinagal-tagal mo nang walang lovelife, magpapakadesperado ka na para sa isang babae, eh," Aniya pa sa akin habang naiiling-iling.

"Kailan mo ba ko nakitang nagpakadesperado? Alam mo naman kung paano ako pumorma sa babaeng gusto ko, eh," I replied.

"So, type mo nga si Allyna?" Tanong pa niya na naninigurado. Hindi ko siya sinagot, pero hindi ko napigilan ang mapangiti sa tanong niyang 'yon. Bigla naman siyang napasuntok sa braso ko na siyang ikinangisi ko na lang. "Langya, pare! Sa dinami-rami ng mga ipinakilala ko sa 'yo, kung kailan hindi ko ipinilit sa 'yo, saka mo nagustuhan! Well, congrats! Muling nabuhay ang puso mo! Buti naman!" Nang-aalaskang kantyaw pa sa akin ng loko. Muli na lang akong napailing sa inasta niya.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon