CHAPTER 16
"DOCTORA, sa inyo po ba 'tong lunch box na 'to?" I heard Vina asked from our mini kitchen.
Mula naman sa pag-che-check ng records ay nag-angat ako ng tingin at napangiti. "Yes, sa akin 'yan." Then, I answered. Kaluluto ko lang n'on doon bago ko pa man harapin itong mga records.
Ilang sandali lang ay sumulpot na sa harapan ko si Vina galing doon sa loob. "Nagbaon po kayo? Bakit po? Wala po kayong lunch date ngayon?" Tanong pa agad nito na naroon na ang mapanuksong ngiti sa mga labi.
Napangiti na lang din ako. "Wala akong lunch date pero ako ang dadalaw sa kaniya sa work. Siyempre, kailangan gumawa rin ako ng ganito hindi 'yong puro na lang siya."
Hindi naman na napigilan pa ni Vina ang kiligin sa sinabi ko na talagang nilakipan pa niya ng body movements. "Grabe naman talaga kayo, Doctora! Ang winner ng relationship niyo, 'no? Give and take!" Komento nito na pumapalakpak pa. Napailing-iling na lang naman ako sa tinuran nito.
Actually, I decided to make a lunch for him and to suprisingly visit him in their workplace dahil sa tingin ko busy siya ngayon. Well, alam ko namang busy siya these past few days dahil may hinahabol daw silang deadline pero kahit na ganoon ay naisisingit niya pa rin ako sa oras niya every lunch at sa pagsundo sa akin sa hapon.
I don't know how busy he is today, I just feel it. Mula kasi kaninang umaga, he just greeted me good morning through text and after that, wala nang sumunod. Unlike sa nakasanayan ko na araw-araw. Gusto ko man na tawagan siya o mag-open ng topic about what he is about to do on this whole day pero hindi ko na ginawa dahil baka nga busy talaga siya.
Kaya naman nabuo sa isip ko na ipagluto na lang siya ng lunch at i-surprise visit nga siya sa firm. And like what I've said to Vina, gusto ko namang gumanti sa ginagawa niya sa akin araw-araw. At isa pa, may gusto akong ibigay sa kaniya na pareho kaming magbe-benefit.
Muli akong napasilip sa cellphone ko na nasa gilid. Still, wala pa rin akong natatanggap na text sa kaniya mula pa kanina. Pero ipinagwalang bahala ko na lang 'yon dahil naiintindihan ko naman kung bakit.
Until lunch time came. Nagpaalam na lang ako kay Vina at ipinagkatiwala ko muna sa kaniya itong clinic bago ako umalis.
Lulan ng aking sasakyan, dumiretso kaagad ako sa firm nina Homer. Nang marating ko ito at maiparada ko ang aking sasakyan sa parking lot, buo ang ngiti sa mga labi ko habang bitbit ang lunch box for him hanggang sa makapasok na ako sa loob.
"Hi, good afternoon!" Masiglang bati ko sa isang co-architect niya na naabutan ko, na sa pagkakatanda ko ay si Zanjo.
Napalingon naman ito kaagad sa akin at ngumiti. "Oh, hi, Doctora! Good afternoon din!" He greeted back. Then, humakbang siya ng ilan palapit sa akin. "What brings you here—Ahmm, no," Bigla itong napangisi at napakamot na lang sa batok. "Bakit ba ano ang itatanong ko, eh, sino nga pala ang sadya mo." Anito at natawa na lang ako sa tinuran nito.
"But, Doctora..." Natigilan siya sandali na tila ba nag-aalangan sa dapat niyang sabihin. Mataman ko lang na tinitigan ito at hinihintay ang sasabihin. "Homer didn't go to work today." Then, he told me.
Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi nito. "He didn't?" I asked to make assure of it. But he just nodded at me as a reply. "Ganoon ba?"
Hindi siya pumasok sa trabaho? Then, where is he?
"Maybe pumunta siya ulit sa Batangas or saan man na location niyo?" Tanong ko pa.
But Zanjoe shrugged. "Wala naman siyang sinabi. Hindi rin naman siya tumawag or nag-text man lang kung bakit siya absent. Ikaw, hindi ba ka niya kin-ontact, Doc?"
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...